Translate

Thursday, June 20, 2013

Ang araw na ito ay para sa Atin!

 
The day I became a genuine FATHER!  



Akala ng iba kapag nagkaron ka na ng anak...tatawagin ka ng tatay.
Ang hindi nila alam madaling maging Ama pero mahirap magpaka-Ama.
Kasama nito ang kabit-kabit na responsibilidad upang patuloy mong maitaguyod ang iyong pamilya.
Kailangan matatag ka laging masasandalan at maasahan.
Hindi ka rin papatalo sa anumang mabigat na pagsubok...dahil alam mong maraming humuhugot ng lakas sa'yo.
Minsan dumarating sa puntong maging ang kakayahan mo para itaguyod ang iyong pamilya ay pinagdududahan.
Pero ang mahalaga kahit na masaktan ka sa batikos na ito...nananatili ka pa ring taas noo sa pagganap sa mga obligasyon mo sa pamilya mo.
Dumating man ang panahon makaramdam ka ng pagkapagod...huminga lang ng malalim, kaya mo 'yan.
Ang mahalaga lahat ng bagay mahirap man o madali ginagawa mo ng may pagmamaghal sa iyong pamilya.
Maligayang araw sa ating lahat!

No comments:

Post a Comment