Translate

Thursday, June 19, 2014

Ang haligi ng Tahanan!


Alam ko narinig na ninyo ang kasabihang... "Madaling maging Tatay pero mahirap maging Ama."
Totoo naman yun kasi kapag nag-kaanak ka na Tatay na agad ang tawag sayo.
Pero iba ang pagiging Ama. Kasi hindi lamang ito isang simpleng  katawagan o salita...kaakibat nito ang napakabigat na responsibilidad.
Una, ang palaging isipin ang kapakanan ng iyong pamilya higit pa sa iyong sarili.
Ibigay ang anumang pangangailangan nila.
Minsan mahirap Oo, pero kung bukal sa loob mo ang iyong ginagawa...gagawin mo ito ng walang anumang daing.
Simple lang naman ang dahilan...kasi nga mahal mo sila.
At kahit na minsan nararamdaman mo na hindi na nila napapansin ang mga ginagawa mong pagpapagal...sa kanilang mahigpit na yakap at matamis na halik, ang lahat ng pagod mo ay mawawala.
Para sa akin ang pagiging Ama ang isa sa pinakagamagandang tungkulin na iniatas sa akin, regalo ng Maykapal.
Kaya sa lahat ng mga "Ama," na kagaya ko maligayang araw ng mga Ama!
#maligayangarawngmgaama #happyfathersday #061514

With my beautiful and sweet daughter...Althea!

A personalized greeting card from my lovely wife...Meanne!

Another personalized greeting card especially made by my daughter for Me!

With my wife Meanne on the celebration of Father's Day!