Translate

Showing posts with label MRT3. Show all posts
Showing posts with label MRT3. Show all posts

Tuesday, November 7, 2017

MAMIMILI KA SAKAY NG BUS O MRT?

Napakasaya ko kahapon kasi nga nakaabot ako sa office at hindi na late.
And I never tried riding the MRT dahil natatakot akong malate.
Nagbakasakali lang akong sumakay ng bus ulit.
And I came in 10 minutes earlier sa office.

I tried the same routine today and I tried convincing myself na magagawa ko ulit siya.
What discouraged me to ride the MRT today ay yung mahabang pila sa North Avenue na sa palagay ko kahit na may 1hour leeway pa ako sa kalkula ko kukulangin siya talaga.

Pero what bothers me nung madaan ako ng going to Kamuning...doon bumagal na yung takbo ng traffic at nakikita from the bus where I am grabe ang haba ng pila ng mga commuters.

Pero I still hold on to my faith and belief na baka naman dun lang at aandar na rin kapag papunta na ng Cubao.

Nakaidlip ako sa biyahe, pakiramdam ko mga 20 minutes din yun. Ang gulat ko paggising ko nandun pa rin kami going to Cubao. And nagpatuloy pa yun sa tansta ko mga 45 minutes bago totally nakalagpas yung bus na sinasakyan ko don.

Pero paglagpas namin ng intersection ng Cubao ganun pa rin usad pagong pa rin ang biyahe.
I began texting na sa kasama ko sa work sa condition ko.

I'm supposed to be in at work 10 in the morning pero...10:15am na I was still passing thru Annapolis.
So, I decided na bumaba na ako ng bus and kahit labag sa loob ko sumakay ng MRT para umabot ako kahit past 1030 na ng umaga.

I can't be going to work ng 11am sobrang late na yun. And to think na today may nag-leave na co-worker na need kong saluhin.

So yun nga I rode the MRT.
Grabe nakita ko pa yung sarili ko na lumipat ng kabilang pintuan ng bagon ng tren kasi nga sobrang puno na talaga.

Tapos sa loob sobrang siksikan. Hindi ka na pwedeng mamili ng katabi mo mabango siya o pawis...wala ka ng magagawa. MAGTIIS ka na lang.

Parang kanina kasi mapa MRT o BUS parang maiipit ka talaga sa biyahe.
Sa MRT mahaba ang pila at SIKSIKAN.
Sa EDSA kasama ng lahat ng iba't-ibang sasakyan...SIKSIKAN pa rin!

I hope we can END our MISERY on this.
What SOLUTION can we do to AVOID this or at least LESSEN the traffic.

Ang dami-daming oras na nasasayang sa BIYAHE natin araw-araw.
AND nagiging less-productive tayo sa work DAHIL PAGOD na TAYONG LAHAT  hindi pa man NAGSISIMULA ang ating mga TRABAHO.
BAWAS pa ang SALARY mo kasi nga LATE ka na NAMAN!


Wednesday, October 11, 2017

MRT 3...HERE WE GO AGAIN!!!




Pagbaba ko ng North Avenue mga around 8:50 ng umaga normal naman...wala ngang pila sa ibaba.
Indication kasi yun na smooth naman ang flow o takbo ng train.
Na-hold man ako sandali kagaya ng iba dahil may pila na paakyat ng North Ave. Station after 10 minutes siguro the lines started to move and it has moved.

TECHNICAL PROBLEM!

Binabaybay na namin yung way going to Ortigas na walang anu-ano huminto siya then next ng nawala yung kuryente and then came in the announcement nga na mayroon nga daw "Technical Problem."

Pero naalala ko bago pa man kami huminto sa halos gitna o gitna, basta patungong Ortigas Station, nag-stopped na rin siya on our way to "Santolan Station." Pero since gumalaw nga siya we all thought na minor problem lang at maaayos din...well naayos naman.

Kaya lang yung paghinto namin going sa Ortigas Station, halos tumagal na siya ng 20minutes.
I even remembered yung driver announcing na kailangan lang siyang pumunta sa kabilang dulo ng train to fix something.



Pero yung 5 minutes naging 10 and more. Naramdaman kong tumutulo na ang pawis ko sa noo at naririnig ko na rin ang maraming pasahero na dumadaing dahil naiinitan na sila. May dalawang babaeng estudyante pa nga na nagpalipat malapit sa bintana ng train para lang makasagap ng hangin.
Pero kahit nakabukas na siya...sa dami ng TAO talagang kakapusin ka ng hangin.
Ako nga mismo halos nagsisimula na ring makaramdam ng sophocation...pero nagpakaalisto ako at hindi na gumawa pa ng mga unnecessary movements para hindi ako magpawis lalo at kapusin ng hangin.

And then mga past 10am na yun, nag-announced na yung driver na ibababa na niyang lahat ng pasahero ng train sa Ortigas kasi nga hindi na daw kayang magbiyahe talaga.

It was again a very DISSAPOINTING moment for the MRT3...lagi na lang ganyan.
Pero ano pa nga bang magagawa ko at ng lahat ng commuters...MAGTIIS at MAGALIT!

Maliit lang naman na abala ang nagawa niya...naLATE ako sa trabaho ng 30minutes at umaga pa lang naramdaman ko na ang STRESS hindi pa ko nagsisimula sa work ha.

But you know when I came at the office despite the hindrances from the morning travel going to work...I never knew that I will be getting goodnews and a very remarkable achievements today.


WHAT I HAVE ACCOMPLISHED TODAY





Just when I thought that I wouldn't be able to undergo our scheduled annual physical examination at the office earlier sa maniwala kayo o hindi natapos ko yung walong steps that I have to go through.

Bonus pa yung perfect pa rin ang result vision ko na 20/20 tapos I was able to submit my stool and urine sample that day. Yun ang maganda sa akin walang pili-pili ang aking puwet pagdating sa pagdumi. He he!

Hindi rin masakit yung needle at the time of the blood extraction. Takot po ako dun sa totoo lang pero parang wala lang yung kanina. Mahusay yung nurse na babae na kumuha ng dugo.

And from last year, naalala ko halos ilang araw sa katawan ko yung bakat ng suction para sa ECG pero ngayon wala talaga...UNBELIEVABLE!




And lastly, yung dream ko na mapasama sa marathon na magaganap week after this week...JUST GOT LUCKY pasok po ako at umabot sa Pang 10!

Nakakatuwa yun kasi yung mapasok ka dun sa 10 only means FREE ka sa babayaran para makalahok sa marathon. Sa totoo lang na-miss ko talaga ang pagtakbo pero hindi ko alam kung kaya ko pa po yung 5 kilometer run. Siguro I need to do some preparations para sa mismong araw na tatakbo ako ay nasa kondisyon naman ako.

At the end of the day ngayon...
naniniwala na ako na kahit gano man kasama ang mangyari sayo that day...may maganda at maganda pa ring ending o surpresa sa huli!


Friday, October 2, 2015

MRT ba ako sasakay o sa Bus sa Edsa?

Dalawang sunod na araw na akong nahuhuli sa trabaho sa linggong ito.
Yung una kong experience nagsimula nung Miyerkules, kung saan dinanas ko yung sa hagdan pa lang ng MRT3 nakapila na ako.
Wala pa ako sa platform nun ha, tapos nung nasa kuhanan na ako ng magnetic card, dagdag pasakit na oras ng trenta minutos ulit.
Gaya ng maraming nakapila ubos na ang "Stored Value Ticket," na binili ko.
Nagkataon naman at dagdag inis talaga, hindi na sila nagbebenta nun.
Dahil nga ito sa nalalapit na implementasyon o paggamit ng "Tap and Go," na Beep Card na sisimulang ikasa sa a-tres ng Oktubre.

Wala talaga akong choice kundi magtext sa opisina at mga kasamahan ko na hindi talaga ako aabot.
Nung nakapila ako, iniisip ko na ang mangyayari kinabukasan. Dahil ayoko ng maulit yung patagalan sa pila na naranasan ko, naisip ko na bumili na lang ng isa pang "Single Journey," na ticket.
Ang sabi naman kasi ng isang pasaherong nakausap ko, 24hours naman daw ang expiration nun.

Kinabukasan, Huwebes sinubukan kong ipasok yung single journey na magnetic card nga, ayun ang lumabas na notice..."Ticket Rejected!"
Ayun, balik pila na naman ako. Kibit-balikat ko na namang tiniis ang pagpila.

Kanina naman, sa takot ko na maulit na naman ang hindi magandang karanasan ko sa pila sa MRT,
hindi na ako bumaba ng Bus. At mas pinili ko na lang na magbiyahe sa Edsa.
E kasi naman, malayo pa kita na ang haba ng pila ng mga tao paakyat pa lang ng hagdan.

Akala ko, naging matalino na ang napili kong desisyon. Pero, yung iniisip kong biyahe na mabilis sakay ng Bus sa Edsa ay inabot ng isang oras mahigit din.
Ano pa nga ba? Hindi na naman ako umabot sa trabaho ko...at kahit na grace period nagamit ko na rin.

Hindi ko alam kong tama na sabihin na, mas mainam pa rin talagang sumakay ng MRT kaysa sa Bus.
Pero, "Tried and Tested," na rin kasi na nakukuha ko ang biyahe papuntang Shaw Blvd. galing sa North Avenue station ng mga 15-17minutes lang. At kung ikukumpara mo naman sa biyahe sa Bus
mula sa North Edsa hanggang Shaw Blvd...mahigit isang oras.

Napapakamot na lang ako ng ulo sa sobrang pagkayamot ko.
Pero, isipin natin ha na talagang ganito na kalala ang problema natin sa transportasyon sa Metro Manila.
Karamihan pa naman sa atin dependent sa MRT, kasi nga mabilis.
Pero, hindi rin kasi nga hindi naman agad umaalis ang bagon nila pagbukas ng pinto ng tren.
Minsan tumatagal pa ng hanggang 15minutes bago umalis.
Parang terminal ng mga Bus kapag nagba-biyahe sa Edsa.
Ganun siya katagal.

Hindi pa kasama diyan ha yung, ibang abala gaya ng paghinto ng tren kasi may isa pang tren na hindi pa makaalis ng istasyon. At kung anu-ano pa.

Ang hubad na katotohanan wala ni isa sa mga ito ang mabuting sakyan. Kung nagmamadali ka at nais mong sumagip ng buhay, dahil sa mabagal na usad ng mga sasakyan sa Edsa...malalagutan ng hininga ang taong minamahal mo.
At kung lagi mo namang iaasa sa MRT ang sa tingin mo ay mabilis na biyahe mo papunta sa iyong trabaho...sigurado lagi kang mali-late.

Sa halimbawang ibinigay ko, bahala na kayong pumili.
Pero kung ako sa inyo, kung may helicopter kayo...yun na lang ang sakyan ninyo.


Sunday, September 27, 2015

Goodbye old TURNSTILE and HELLO to...Beep Card!



We believe in the saying that..."the only permanent thing in this world is change." 
One great example to that is the mass transportation like that of MRT3, who's now getting ready for the use of  the Tap and Go,.."Beep Card," or in other neighboring country like Japan, they call it "OCTOPUS CARD," which will took effect on the 3rd of October 2015.
This is very much different for this one is "UNIFIED." Meaning an access not only limited to MRT3 but also to the two trains serving commuters like that of LRT1 and LRT2.
The perfect advantage, I see here is the zero inconvenience on the part of commuters who normally getting different magnetic cards for every trains.
Now, not most of the commuters are happy about this. Some would always put a debate on why focus on small things where in the attention should address on how to improve the mass transport like that of MRT3 by adding more trains to serve public commuters better.
Currently, we lack trains due to some technical problems brought about by daily whooping numbers of passengers using it as their means of transportation. 

Just imagine, according to the available data provided by DOTC, LRT lines carry about 579,00 passengers each day, while MRT3 has 650, 000, which is above its maximum capacity of 350, 000 passengers.While, PNR serves some 100, 000 passengers daily.  

The MRT3 prototype arrived at the MRT3 depot last September 8, 2015, and Presidential aspirant Senator Grace Poe, and Senator Nancy Binay made an inspection that day.
The Department of Trade and Commerce, DOTC, as posted on their website announced that the dynamic testing of the Prototype will initiate on November, while starting 2016 there will be a monthly arrival of its prototype.

See link below...
http://www.dotc.gov.ph/index.php/2014-09-02-05-01-41/2014-09-03-06-43-32/134-mrt-3-prototype-on-schedule-for-mid-august-arrival

Going back, some commuters where suggesting that only if a BEEP CARD is reloadable, you can do this at any convenience store, to lessen inconvenience to avoid long-lines just to get one.
For now, we'll say goodbye to "BONUS RIDES," from the old stored value card, commuters can still use the remaining balance left on his/her card, now before exiting...payment is a must.

Senior Citizens and Persons with Disabilities can apply for Special Beep Cards starting September 28, 2015 to avail a 20-percent fare discount.

And really for now, we have to wait for the coming of new MRT3 trains to improved its services.
But I am looking forward for a more safer loading of passengers by the coming of  "TRAIN PLATFORM SCREEN DOORS," that opens as soon as the trains arrived.
And that will immediately, define CHANGE which is very permanent thing happening in every part of the world.

For now, literally we have to wait for the MRT3 to fixed their defective escalators and elevators, as well as some air-con failures and still expect rampant train technical related problems.

To know more related information about "BEEP CARD," you may visit the link below...
https://www.facebook.com/beepcardph/photos/a.2140878952719488.1073741828.2113439685463415/2172488482891868/?type=3