Translate

Friday, July 4, 2014

Ang haligi ng tahanan: Ikalawang bahagi.

Ang aking mahal na "Ama!"

Minsan ang pagkilala natin sa ating mga ginagampanan ay may malalim na pinagmulan o kahulugan.
Isa sa masasabi kong magandang ehemplo bakit tuwid din ang landas na aking pinili sa pagtataguyod ng aking pamilya ay ang nagiisa kong Ama na si Oscar Garabot!
Lumaki po ako na madalas na hindi siya nakakasama.
Paano nga namang hindi, madalas ay abala ito sa pagta-trabaho para kaming lahat ay maitaguyod at mabuhay.
Hindi ito katulad ng mga trabahong nakasanayan natin sa ating mga Ama na araw-araw na nakakauwi sa kanilang mga tahanan.
Isang mangingisda ang aking Ama na hindi uuwi sa amin hanggang hindi napupuno ng isda ang barkong dala nila.
Madalas na sa malalayong probinsiya siya napapadpad.
Kaya siguro noong maliit ako malayo ang loob ko sa aking Ama...para kaming aso at pusa na away at bati.
Natatandaan ko noon ang pangarap ko lang ibili niya ako ng malaking robot.
Pero 'tila mas malaki na ako ngayon sa mga de-bateryang laruan wala pa rin ang hinihintay kong regalo.
Hindi naman ako magtataka lalo na ngayon na isa na rin akong Ama.
Minsan kahit na parang madaling gawin o ibigay ang mga bagay ipagpapaliban mo muna, para magbigay daan sa mas mahalagang mga obligasyon pa.
Kaya tuloy kahit simpleng hopia lang ang ibigay niya sa akin...sobrang saya ko. Para kasi sa akin maliit man na bagay ito sa iba...paraan iyon ng aking Ama ng pagsasabing Mahal niya ako.
Hindi man kami malapit sa isa't-isa noon nung ako'y bata pa, ngayon naman 'tila matalik kaming magkaibigan.
Kahit na nga minsan dapat ako na ang tumutulong sa kanya...nagagawa niya pa ring magabot ng tulong sa akin at sa aking pamilya.
Pa, gusto ko lang malaman mo na para sa akin at maging sa aking mga kapatid...nagiisa kang pinakamahusay na Ama.
Salamat sa Panginoong Maykapal dahil biniyayaan ka pa niya ng mahabang buhay.
Alam ko hindi masasayang yun kasi ngayon pa lang sa iyong maliit na gawa naiparamdam mo na sa amin na ikaw ay mabuting Ama!
Para sayo ang espesyal ma araw na ito.
Mabuhay ka Papa!
Nagbibigay pugay din sayo ang aking mga butihing kapatid na sina...RichelRachelleRosalie at Ralph.
Ang iyong maybahay na si Teresita Garabot.
Bumabati rin sayo ang aking asawa si Meanne at ang iyong apo na si Althea!


#anghaligingtahanan #ama #fathersday#arawngmgaama #angamingtaospusongpagbati#mahalkanamin #061614

No comments:

Post a Comment