Translate

Wednesday, October 11, 2017

MRT 3...HERE WE GO AGAIN!!!




Pagbaba ko ng North Avenue mga around 8:50 ng umaga normal naman...wala ngang pila sa ibaba.
Indication kasi yun na smooth naman ang flow o takbo ng train.
Na-hold man ako sandali kagaya ng iba dahil may pila na paakyat ng North Ave. Station after 10 minutes siguro the lines started to move and it has moved.

TECHNICAL PROBLEM!

Binabaybay na namin yung way going to Ortigas na walang anu-ano huminto siya then next ng nawala yung kuryente and then came in the announcement nga na mayroon nga daw "Technical Problem."

Pero naalala ko bago pa man kami huminto sa halos gitna o gitna, basta patungong Ortigas Station, nag-stopped na rin siya on our way to "Santolan Station." Pero since gumalaw nga siya we all thought na minor problem lang at maaayos din...well naayos naman.

Kaya lang yung paghinto namin going sa Ortigas Station, halos tumagal na siya ng 20minutes.
I even remembered yung driver announcing na kailangan lang siyang pumunta sa kabilang dulo ng train to fix something.



Pero yung 5 minutes naging 10 and more. Naramdaman kong tumutulo na ang pawis ko sa noo at naririnig ko na rin ang maraming pasahero na dumadaing dahil naiinitan na sila. May dalawang babaeng estudyante pa nga na nagpalipat malapit sa bintana ng train para lang makasagap ng hangin.
Pero kahit nakabukas na siya...sa dami ng TAO talagang kakapusin ka ng hangin.
Ako nga mismo halos nagsisimula na ring makaramdam ng sophocation...pero nagpakaalisto ako at hindi na gumawa pa ng mga unnecessary movements para hindi ako magpawis lalo at kapusin ng hangin.

And then mga past 10am na yun, nag-announced na yung driver na ibababa na niyang lahat ng pasahero ng train sa Ortigas kasi nga hindi na daw kayang magbiyahe talaga.

It was again a very DISSAPOINTING moment for the MRT3...lagi na lang ganyan.
Pero ano pa nga bang magagawa ko at ng lahat ng commuters...MAGTIIS at MAGALIT!

Maliit lang naman na abala ang nagawa niya...naLATE ako sa trabaho ng 30minutes at umaga pa lang naramdaman ko na ang STRESS hindi pa ko nagsisimula sa work ha.

But you know when I came at the office despite the hindrances from the morning travel going to work...I never knew that I will be getting goodnews and a very remarkable achievements today.


WHAT I HAVE ACCOMPLISHED TODAY





Just when I thought that I wouldn't be able to undergo our scheduled annual physical examination at the office earlier sa maniwala kayo o hindi natapos ko yung walong steps that I have to go through.

Bonus pa yung perfect pa rin ang result vision ko na 20/20 tapos I was able to submit my stool and urine sample that day. Yun ang maganda sa akin walang pili-pili ang aking puwet pagdating sa pagdumi. He he!

Hindi rin masakit yung needle at the time of the blood extraction. Takot po ako dun sa totoo lang pero parang wala lang yung kanina. Mahusay yung nurse na babae na kumuha ng dugo.

And from last year, naalala ko halos ilang araw sa katawan ko yung bakat ng suction para sa ECG pero ngayon wala talaga...UNBELIEVABLE!




And lastly, yung dream ko na mapasama sa marathon na magaganap week after this week...JUST GOT LUCKY pasok po ako at umabot sa Pang 10!

Nakakatuwa yun kasi yung mapasok ka dun sa 10 only means FREE ka sa babayaran para makalahok sa marathon. Sa totoo lang na-miss ko talaga ang pagtakbo pero hindi ko alam kung kaya ko pa po yung 5 kilometer run. Siguro I need to do some preparations para sa mismong araw na tatakbo ako ay nasa kondisyon naman ako.

At the end of the day ngayon...
naniniwala na ako na kahit gano man kasama ang mangyari sayo that day...may maganda at maganda pa ring ending o surpresa sa huli!


Monday, October 9, 2017

Althea sa Science Quizbee




Heto naman siya pagkatapos ng isang nakakapagod at ubos lakas na paligsahan sa "Masining na Pagkukuwento," pagkalipas pa lang yata ng isa o dalawang linggo sumabak na naman ito sa isa na namang panibagong laban.


Matatandaang nagwagi si Althea ng unang gantimpala ng lumaban ito sa "Masining na Pagkukuwento sa District level 1 ng buong Navotas".
At naitanghal at nakuha naman ang ikatlong puwesto noong lumaban naman ito sa Division level sa parehong paligsahan.



Kung noon sa maayos na pagbabasa siya at pagkukuwento hahatulan...ngayon aalamin naman ang talas ng kanyang isipin sa isang "Quizbee sa Science."


PAANO BA ITO NAPASAMA?



Naging basehan nila ang nagdaang pagsusulit sa kanilang paaralan kung saan si Althea ay muling nanguna rito.
May isa pa nga itong kaklaseng lalaki na pabirong sinabing "Si Althea na naman, 'di bale sa math babawi ako."






At gaya ng mga nagdaang paligsahan, kailangan muling maglaan ni Althea ng oras at panahon para rito.
Isang linggo bago ang naturang quizbee, kailangan muli nitong maglaan ng isa pang oras para sa kanilang review. Kung ang iba nitong mga kaklase ay uuwi na para mananghaliaan at magpahinga siya ay maiiwan sa kanilang eskwelahan upang maghintay ng oras ng rebyu nito.

Dinadalhan na lamang ito ng pagkain at susunduin pagkatapos.


ANG ARAW NG PALIGSAHAN

Lahat ng pwedeng magamit na kailangang rebyuhin ay binasa at pinagaralan ni Althea.
Ang aking bahagi dito bilang ama niya ay i-print ang mga naturang reviewer na may kinalaman sa paligasahan na haharapin nito.
Samantalang ang kanyang Ina ay nakatutok naman sa kanya sa pagaaral at pagbabasa kasama ng pagmememorya ng napiling subject na paglalabanan.

Isang pamilyar na lugar muli idinaos ang quizbee sa "Kapitbahayan Elementary School."
At bukod doon tila ilang mga pamilyar na mukha rin ang muli niya haharapin sa laban.
Sa katunayan yung nanalo sa District level para sa Masining na Pagkukuwento ay muli nitong nakatapat sa naturang paligsahan.
Naisip ko tuloy... "grabe ang mga batang ito...ayaw magaral."


PINALAD PO SI ALTHEA NA MAIUWI ANG IKA-ANIM NA PUWESTO





Halos inabot din hanggang alas-tres ng hapon ang naturang paligsahan pero naiparating na sa amin na kanyang mga magulang na si Althea ay nasa Ika-anim na puwesto bago mag-alas dos ng hapon.

Nakakatuwa kasi labing-anim na eskwelahan ang kasama nitong nag-exam.
Bagama't hindi namin batid ang nakuhang score ng iba pang nanalo...ang alam namin may kabuuang 23 puntos ang nasa unang puwesto at maswerte namang nakakuha ng kabuuang score na 17 si Althea.

Ibinase ang nakuhang kabuuang puntos sa bawat tamang sagot. Bahagi ng pagsusulit ang iba't-ibang level gaya ng  "Easy," "Average," at "Difficult."

Maraming salamat muli sa mga nanalig at nagtiwala sa kanya.
Sa kanyang butihing guro sa Science na si Ms. Nikki Del Valle.
At sa aking Misis na si Meanne, na ina ni Althea na siyang gumabay at tumutok sa kanya.
Sa kanyang eskwelahan salamat at maging sa Lola nito na si Aling Tessie at higit sa lahat sa poong maykapal.

----------------------
Ang naturang paligsahan ay ginanap nitong buwang ng Oktubre, petsa a siyete sa Kapitbahayan Elementary School sa Navotas.
Si Althea ay representative naman ng kanyang eskwelahan sa Navotas Elementary School 1, Baitang 3, pangkat 1.

Tuesday, August 29, 2017

Kita kita...napanood mo na?




Isa, isang beses kong sinabi na hinding-hindi ako manonood ng pelikulang yan.
Bakit ang daming nanonood maganda ba yan?
Dalawa, dalawang beses akong nakatulog habang pinapanood ko siya. Pagod kasi ako galing sa work.
Tatlo, tatlong beses ko siyang paulit-ulit na pinanood upang makagawa ng magandang blog kasi nga maganda ang pagkakagawa ng pelikula.
DISCLAIMER: Hindi ko kayang mag-enumerate ng mula isa hanggang sampung dahilan gaya ni Lea at Tonyo...masyadong marami at mahaba. Ha ha ha!


BAKIT DAPAT PANOORIN MO ANG PELIKULA?


Kung hindi ka pa nakakarating o nakakabiyahe papuntang Japan iminumungkahi ko na panoorin ito.
Dahil nga isang “Tourist Guide,” si Lea ang isa sa mga bida (dalawa lang pala sila ditong pangunahing aktor, yung isa si Tonyo),  iiikot niya kayo sa mga tourist spots doon.

Gaya ng “OTARU CANAL,” na kung saan unang nag”DATE,” ang dalawa.
Nandiyan din ang “SASHIME STREET,” na pabirong binanggit ni Tonyo sa pelikula na kung saan sinabi naman ni Lea na ang tamang pangalan ng lugar ay “FUSHIMI-INARI SHRINE.”

Nakita rin natin na binisita ng dalawa ang “MOUNT MOIWA OBSERVATION DECK,” na matatagpuan din naman pala sa SAPORRO CITY. Dito nakitang nagkalembang ng kampana o “bell,” ang dalawa. Kasama rin ng isa pang eksena kung saan gumamit sila ng “LOVE PADLOCKS.”
Ang “ODORI PARK,” ay ginamit ring lokasyon sa pelikula dito matatandaang hinintay ni Lea ang kasalukuyang “fiancee’,” niyang si Novu.
At ang “MOERENUMA PARK,”  na nasa “HIGASHI-KU, SAPORRO,” kung saan makikita ang glass pyramid na dinisenyo ng Japanese-American artist and landscape Architect na si Isamu Noguchi.
Yung lugar naman kung saan maraming makukulay na bulaklak ay nasa “BIEI,” (Kamikawa) na sa Hokkaido rin sa Japan. Pero yung mismong lugar ay kilala sa tawag na...”SHIKISAI HILL,” isang malawak na park na may iba’t-ibang kulay ng mga bulaklak na tanim gaya ng yellow Sunflowers at marami pang iba.
Maging ang lugar kung saan matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa HOKKAIDO, ang...”MOUNT ASAHI (HIGASHIKAWA) ay makikita mo rin sa pelikula kapag binisita mo ang “DAISETSUZAN NATIONAL PARK.”
At ang resort kung saan nagbabad ng mga paa si Lea at si Tonyo ay  sa “ASAHIDAKE ONSEN,  isang maliit na hot spring at Japanese public bath na kung tawagin ay “ASHIYU!”



HITIK ANG PELIKULA SA MAGAGANDA AT NAKAKATAWANG LINYA


“Kung saan ka man wag ka ng magpapakita sa ‘kin. ‘Wag ka ng magpaparinig sa akin.”-LEA
“Ano mga plants...kaya ninyo pa bang maging plants? Papunta na kasi kayo sa Zombies.” –TONYO

“Mas matangkad ba ko sayo? –LEA
Huwag kang maingay sayo ko lang sasabihin ‘to...hindi pa kasi ako tuli.” –TONYO

“Hindi mo siya kailangang makita, parang sa CR yun pag-jingle mo yung huling patak...kikiligin ka.” –TONYO

“Ewan ko feeling ko ang tagal tagal na nating magkakilala.”-LEA
Oo. Ay Oo magdadalawang liggo na di ba? –TONYO

“Humuling ka kaya dito sa Sashimi Street. “-TONYO
“Fushimi-Inari Shrine!”-LEA

“Nagluto ako ng adobo at saka lumpiang hubad.”-TONYO



MATUTO NG ILANG LENGWAHENG HAPONES


Kung gusto mong sabihin ang salitang “See you later,”
Bigkasin lang ang salitang “Ja ne.”

At matutong magpasalamat sa kanilang wika sa pagsasabi ng...”Arigato Guzaimaso.”

At kung ikaw naman ay talagang palabati simulan ang pagsasabi sayong mga makakasalubong ng...”Konichiwa,” o “Hello!”

Ilan ito sa mga binigkas na linya na madaling intindihin kasabay ng mga simpleng galaw na kasama sa pagbigkas ng mga ito.

Bagamat may mga salitang madaling maintindihan, marami rin namang mga salita sa wikang hapon na mahirap talagang maintindihan.  Kagaya ng usapang naganap sa pagitan ng dalawang hapones habang itinotour sila ni Lea.

Maging yung eksena kung saan kinakausap ni Lea yung bata sa park ay nangangailangan din ng translation.
At ang paguusap ni Novu at Lea habang pinapanood sila ni Tonyo mula sa malayo.



ANG MALALAPIT NA KUHA


Angkop na angkop ang mga piniling kuha tuwing magkakaroon ng eksena si Lea at Tonyo...malapitan upang madama higit sa lahat ang nabubuong relasyon ng dalawa.
Bagama’t maganda ang lokasyon ng bawat lugar higit na binigyang pansin ang malapitang galaw ng mga aktor kung saan nagkakaroon  ng pagkakataon ang mga manonood na mapasok ang saloobin at damdamin ng karakter na ginagampanan ng dalawa kaya naman naka-relate ng husto ang mga manonood.

Hindi gaya ng ibang mga pelikulang ginawa na marami ang mga karakter...ang pelikulang ito ay nakatuon lamang sa bidang si Lea at Tonyo.



ISTILO NGPELIKULA UPANG MAGKUWENTO


Magkadikit ang kasalukuyan at nakaraan bagay na nakakatulong upang mabilis na maintindihan ng mga manonood ang pelikula.

Gumamit ng numero mula isa hanggang sampu upang ilarawan ang bawat nararamdaman at nakalipas na karanasan.

Pareho ng istilo si Lea sa pagpapakita ng galit sa nooy dating nobyo na niloko siya at sa kabilang banda naman si Tonyo sa paglalarawan kung paano namukadkad ang kanyang pagibig sa noo’y tinatanging si Lea kasama ng mga naging nakarang karanasan nito.

Sa pelikula ipinakita rin na hindi pala si Tonyo ang unang nakakita kay Lea kundi si Lea pala ang naunang nakakita kay Tonyo. Bagay na malinaw na naikuwento sa pelikula.



MGA DI MALILIMUTANG EKSENA


Nangunguna diyan yung pumasyal si Tonyo at Lea sakay ng isang bangka sa OTARU CANAL.
Simple lang yung eksena magkatabi sila tapos para makapagkuwento ng istorya at makita ang nabubuong relasyo ng dalawa...pinutol putol ng eksena kung saan naguusap lamang sila, simple pero romantic at tunay na nakakatawa.

Si Lea ng tunguhin nito ang bahay ng noo’y yumaong si Tonyo at nakita at binasa ang sulat na iniwan sa kanya. Ang sulat ay naglalaman ng mga bagay na hindi pa alam ni Lea tungkol sa kanya.

At ang huling bahagi kung saan kukurot sa iyong puso ang eksena kung saan binalikan lahat ni Lea ang mga lugar na kanilang pinuntahan ni Tonyo noong nabubuhay pa ito. Pero upang malinaw na mabalikan ang nakaraan gumamit ito ng panyo upang piringan ang kanyang mga mata.
Ang eksenang ito ay lalo pang pinag-alab ng awitin o OST ng pelikula na “Two Less Lonely People in the world,” na bersyon naman ni KZ Tandingan.


Sunday, August 20, 2017

Masining na Pagkukuwento: Ikatlong Karangalan sa Pansangay na Paligsahan




Sa pagkakawagi ni Althea sa nagdaang "Masining Na Pagkukuwento," sa buong
District 1 sa Navotas nitong ika-14 ng Agosto 2017, kung saan nakatunggali nito ang walo pang magkakaibang eskwelahan...nito namang nakaraang ika-18 ng parehong buwan at taon kailangan niya muling idepensa ang kanyang titulo sa mga nagwagi pang magaaral sa Pansangay na Paligsahan.

Mula naman sa 9 na kalahok, ngayon anim naman silang maghaharap-harap upang patunayan ang kanilang galing sa naturang paligsahan.



ANO ANG PINAGKAIBA NITO SA UNANG NAGANAP NA MASINING NA PAGKUKUWENTO?

Halos wala namang pinagkaiba...dahil isang libro pa rin ang ang kanilang babasahin mula sa maikling kuwento na pinamagatang..."Bakit matagal ang sundo ko? sa panulat ni Kristine Canon at guhit ni Mariano Ching.

Noon mas marami ang kailangang salaing mga kalahok dahil pinipili pa lamang ang mga mananalo sa bawat distrito sa lungsod ng Navotas partikular na sa unang Distrito nito. Ngunit ngayon, maghaharap ang mga nagwagi sa una, pangalawa at pangatlong puwesto ng pansangay na paligsahan mula sa una at pangalawang distrito ng lungsod.

Kaya mula sa siyam ngayon anim na lamang sila at bukod doon ibang mga hurado na titingin sa kanilang mga galaw, mas mabusisi, at mas partikular sa kanilang nais na makita.




ANO ANG BASEHAN NG MGA HURADO SA MAGWAWAGI?

Ang mga pagbabasehan ay parang hindi nalalayo naman sa naunang panuntunan.
Iba lamang ang bahagdan o puntos na inilagay para sa mga ito upang mabuo ang isangdaang bahagdan.
Dito tiningnan muli ang Audience Impact o reaksyon ng madla sa nagkukuwento, kaledad ng boses, kabihasaan sa piyesa, at damdaming taglay sa pagkukuwento.

Sa anim na naglaban-laban para sa titulo kabilang si Althea nagbunutan muna ang mga ito. Lumaban po si Althea taglay ang bilang numero tatlo.

Naging mabusisi ng husto ang mga hurado sa pagkakataong ito.
dahil nga pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang Agosto at may temang Filipino: Wikang Mapagbago, binigyang diin ang paggamit ng wikang Filipino.



May mga kalahok kasing hindi sinasadyang gumamit ng salitang "ingles," upang makuha ang partisipasyon ng mga manonood.
Pinuna rin ng mga hurado ang" haba ,"ng mga ginamit na salita kapag tumutugon ang mga manonood sa nagkukuwento.
Kapag madalas daw kasi ito at mahaba sa inaasahan maaring makaapekto ito sa kuwento at konsentrasyon ng taga-kuwento sa entablado.
At higit na binigyang diin pakikipagusap sa mga manonood o "eye to eye contact,' sa mga ito habang isinasagawa ang masining na pagkukuwento.





BINIGYANG DIIN DIN ANG MGA SUMUSUNOD


Sa ibang kategorya naman gaya ng sa "talumpatian," ipinaliwanag ng punong hurado na mas higit nitong pinupukaw hindi ang damdamin kundi ang isipan ng mga nakikinig kaya hindi nararapat na bawat bigkas ng salita dapat ay may katumbas na galaw.
Sa kabilang banda, sa "pagtula" naman ay damdamin ang siyang pinupukaw.
Bukod din sa pagbikas ng malinaw ng mga salita...mahalaga rin sa mga hurado ang pagbigkas ng mga ito ng tama.







MAHIGPIT ANG LABANAN...TUNGGALIAN NG MAHUHUSAY


Bagama't may iba't-bang istilo ang bawat kalahok, ito rin ang magiging basehan ng mga hurado kung sino ang karapat-dapat na magwagi.
Dahil nga pinalad si Althea na magwagi sa walo pang magaaral ng unang distrito sa baitang 3...kailangan niya itong idepensa o ipaglaban ngayon.



Kung mataas ang naunang "Expectation," o inaasahan sa kanya 'tila nadoble pa ito o higit pa.
Ngunit gaya ng lagi naming ipinapayo sa kanya..."Kung para sa iyo ito, ipagkakaloob sa'yo ng Diyos."

Hindi nakasama noon ang kanyang ina sa loob kung saan unang ginanap ang Masining na pagkukuwento...kaya naman nung masaksihan niya ito grabe daw ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa kaba.


SI ALTHEA SA KANYANG NAKAMIT NA TAGUMPAY


Nakamit ni Althea ang "ikatlong puwesto" sa "Masining Na Pagkukuwento" na lubos naming ikinararangal. Bagama't hindi nito nakuha ang pinakaunang puwesto na talaga namang kanyang ikinalungkot ipinaliwanag na lang namin bilang kanyang mga magulang na anuman ang kanyang nakamit ay isang napakalaking karangalan hindi lamang sa kanyang sarili, sa amin na kanyang pamilya ganundin sa eskwelahan kanyang buong tapang na ipinaglaban.



At naniniwala rin kaming ganito rin ang pakiramdan ng iba...isang malaking karangalan ang irepresinta ang kanilang kagalang-galang na mga paaralan.



Muli ang aming pagbati sa lahat ng naguwi ng karangalan at lumaban at higit sa lahat sa aming ALTHEA!


Ikinararangal ka namin Anak!


Tuesday, August 15, 2017

Si Althea sa kanyang Masining na Pagkukuwento





"At ang nagwagi para sa pinakamahusay na Masining na Pagkukuwento...Number 7!"

Pagkarinig namin ng anunsyong iyon galing sa tagapagsalita...pumanik na agad ang aking anak na si Althea sa entablado upang kunin ang igagawad na medalya at sertipiko sa kanya.

Yun kasi ang kanyang numero, pito. Dahil siya ang ikapitong kalahok sa siyam na mga magaaral sa ikatlong baitang na galing sa distrito ng iba't-ibang eskwelahan sa lungsod ng Navotas.

Ang akala namin ng asawa ko ay siya lamang ang aakyat...pero sinenyasan kami na pumanik din. 
Umakyat ako ng stage na puno ng galak higit sa lahat ang anak naming si Althea na siyang nagkamit ng titulong pinaglabanan ng araw na yun.





PAANO NAPILI SI ALTHEA AT ANG IBA PA...

Sumali noong nakaraang taon si Althea sa isang declamation sa paggunita ng "Buwan ng Wika,'  bagama't nakuha lamang nito ang ikatlong parangal noon...ito pala ang magiging daan para ngayong taon ay maging kinatawan siya ng paaralan.

Siya kasama pa ang iba pang pinagpipitaganang mga magaaral ng Navotas Elementary School 1 (NES1), ang magiging kinatawan ng paaralan sa iba't-ibang kategorya.

May makikipagtagisan ng galing sa "Spelling," o "Iispell mo," ganundin sa larangan ng "Masining na Pagtula," nariyan din ang "Masining na Talumpati," at ang kategorya naman ni Althea na..."Masining na Pagkukuwento."

Hindi biro ang tagisan ng galing na ito dahil kailangang lumaban ng bawat magaaral kasama ni Althea sa iba pang mga magaaral na mahuhusay rin gaya nila sa mga nabanggit na tunggaliang paglalabanan.





SA MISMONG TUNGGALIAN

Isang maagang call time ang itinakda ng araw na iyon 6:30 ng umaga sa mismong eskwelahan nito. Ang naturang labanan ay ginanap sa "Kapitbahayan Elementary School," sa Navotas rin.

Halos ika-siyam na ng umaga nagsimula ang palatuntunan at ang tema ngayong taon...Buwan ng Wika, "Filipino: Wikang Mapagpabago."

Nagkaroon muna ng maiiksing programa. Ngayon ko na lang muling nasaksihan ang kilalang Philippine Folk Dance na..."Pandanggo sa ilaw."



Inilatag rin ng tagapagsalita ang napagkasunduang ng mga hurado na basehan ng mga magkakatunggaling magaaral para sa naturang patimpalak.

Narito naman ang mga panuntunan sa Masining na Pagkukuwento sa kategorya kung saan lumahok si Althea.


MGA PANUNTUNAN...

Kaledad ng boses 25
Audience Impact 15
Kabihasaan sa piyesa 35
Damdamin sa pagkukuwento 25


MGA ESKWELAHANG LUMAHOK SA NATURANG PALIGSAHAN...

-Navotas Central Elementary School
-Bagumbayan Elementary School
-North Bay Blvd Elementary School, South
-North Bay Blvd Elementary School, North
-Dagat dagatan Elementary School
-Kapitbahayan Elementary School
-San Rafael Vicente Elementary School
-Bangkulasi Elementary School
at ang eskwelahan kung saan nagmula si Althea...
-Navotas Elementary School 1 (NES1)




ANG KAKAIBANG ISTILO NI ALTHEA SA PAGLALAHAD NG
MASINING NA PAGKUKUWENTO

Ako bilang kanyang Ama na nakasaksi ng kanyang Masining na Pagkukuwento ay namangha rin.
Hindi sa dahil iniisip kong hindi ito kaya ni Althea pero iba kasi ang ipinakita nito ng mismong patimpalak na.



Walang anumang kaba ito at ganadong-ganado.
Iniisip ko nga habang kinukunan ko siya ng video ay mauutal ito, makakalimutan ang kanyang linya, mabubulol o hihinto, pero talaga namang tuloy-tuloy siya.

Habang patuloy ito sa kanyang pagkukuwento narinig ko pa nga ang isang guro sa likurang bahagi na nagkumento..."Ang ganda ng boses niya!"

Nasaksihan ko rin na halos karamihan ng mga nasa loob ng maliit na malamig na kuwarto ay nagkaroon ng partisipasyon.

May bahagi kasi sa unang pagkukuwento ni Althea na hiningan nito ng kasunduan ang mga nasa loob, na sa tuwing maririnig at bibigkasin nito ang katagang..."SIGURO," sasagot ang mga ito ng...
"PAPARAPAPAPA, PARATING NA YUN!"

Ginamit din ni Althea ang animo'y malaking entablado at nagawang paliitin ito dahil sa iba't- ibang galaw habang naglalahad siya ng kuwento.
Malinaw ang kanyang boses at nabigyan ng tamang emosyon ang bawat pangyayari habang naglalahad ng kuwento...bagay na sa tingin ko nagpaangat sa kanya sa iba.

Nang matapos ito, walang anumang palakpak na narinig pero ramdam mo sa mga hurado at mga manonood ang pagkagiliw sa kanya.

Naghintay kami ng anunsyo. Halos alas-tres na ng hapon ng ihayag ang mga nagwagi.






MGA SAKRIPISYO NI ALTHEA


Kagaya ng lumang kasabihan na..."Kung walang tiyaga, walang nilaga," ganitong-ganito ang ginawa ni Althea para makamit ang kanyang tagumpay.

Maagang ibinigay ang babasahing kuwento sa kanya na pinamagatang..."Bakit matagal ang sundo ko? sa panulat ni Kristine Canon at guhit ni Mariano Ching. 

Madalas nga kapag bumibisita kami sa bookstore, pupunta ito sa lugar kung saan naroon ang mga libro at magbabasa.
Hindi ko alam pero tila alam nito ang lugar kung saan nakalagay ang babasahing ito.

Bago pa sila halos araw-araw na magsanay pagkatapos ng klase nito nung papalapit na ang naturang kumpetisyon, nageensayo na rin ito sa bahay.
At pagkatapos ng pagsasanay nito makikita mo ang hapong-hapo nitong katawan na agad na hahanapin ang kanyang higaan upang ipahinga ang lupaypay na katawan.

Nakatutok ng husto sa kanya ang kanyang guro na si Ginang Marcelino. Bukod pa dito ang pagsasanay na ginagawa nito sa bahay, ensayo sa harap ng kanyang Lolo Bert at kung kani-kanino pa.


Hindi man ako nakatutok ng husto sa kanya ngayon...ito naman ang bahaging tunay namang tinayaga ng aking asawa, ang kanyang ina na si Meanne.
Naghahatid sa kanya sa school, nagluluto at nagdadala ng pagkain dito at siyang tutok rin at punong-puno ng gabay sa pagsasanay ni Althea sa araw-araw.



Sa sobrang hirap at pagod nagkaroon na ito ng sugat sa katawan. Lumalabas kasi ang mga ito kapag ibinibigay niya ang higit pa sa isangdaang porsyento ng kanyang lakas.

Naaawa kami bilang magulang nito, pero nakikita naman namin ang buo niya determinasyon at pagmamahal sa kanyang ginagawa kaya kami naman ay patuloy ang pagbibigay ng suporta sa kanya.


Alam namin na hindi pa ito ang huling kumpetisyon na lalahukan niya dahil may paghahanda na naman itong kailangang gawin para sa nalalapit na "Division Contest," sa darating na Biyernes.

Lagi lamang kaming naririto at gagawa lagi ng paraan para masaksihan ang anumang pagtatanghal na iyong gagawin.

Ikinararangal ka namin Althea!






Thursday, July 20, 2017

HANDLING GLOBAL NEWSROOM

It's already 3 O'clock...more than the recall that most of us knew or being aware of the "3 O'clock Prayer," for me its a bold sign that "Global Newsroom," is about to air!
The clock is ticking past, everything should be ready and previewed before the program begins.

Courtesy CNN Philippines, CNN Philippines, Global Newsroom Logo

This is now one of the three programs I am currently supervising. Along with regular every 30 minutes CNN Updates from 11:30 in the morning to 5:00 in the afternoon. And wait there's more there's "Breaking News!"

First week of April, I was given an entirely weird schedule of day-off which happens on Friday and Saturday...weird because I have to be working longer hours during Sunday for CNN Weekend Updates from 8:55 in the moring to 5:00 in the afternoon. 
But that also includes supervising "Newsroom Weekend," which airs 6:00pm to 6:30 in the evening.

Which made me adjust all the family day events which normally falls during Sunday to Friday or Saturday. And to free-up my self from laundry and other household chores, everything should be done during weekdays.
Because really it is a must to have a break for "one's self," or a time spent for bonding with my family. To help me put away all the stress brought about by weekdays workloads and other extra-curricular activities. 
  

WORKING WITH THE NEW PROGRAM


Mastery of tasks while dealing with time constraint.

This part is very challenging to learn because sometimes even the time alotted for preview were taken away from me. Eventhough, you have an idea of what news or event happening that day...there are news that are still coming in and you can't really prevent or stop it. When this happens, you have no choice but to immediately address or focus on it.

-Creating an Id
An ID or "Media ID," is very helpful tool use to send edited segments. This is normally done after looking at the code given for downloads.
Every downloaded segments contains upstreams tha has details for locations, video source and even the time stamp. Because not all materials are directly coming from CNN most are coming from social media sites and some are file videos.  


-Creating a folder name designated for every story
To easily identify the type of segments as to VO, PKG, DNT, LKLV, SOT, NATPKG, etc...

-How to download fast
What I was doing before was to patiently wait for every donwloads to finish. This is to secure that everything is succesfully downloaded. But since "Time is of the essence," I have to leave it for the meantime and counter check later.
Recently, encountered segment that's taking longer to downloads...one of the editor recommended to select MP4 instead of the usual MOV during the conversion process. This will at least lessen and speed up conversion which can be done in the editing.  

-Assigning editors what segment to edit
On a piece of paper, I normally write the code along with the name of the editor and the corresponding "media Id," created. On a folder that has name of the program and its date it was an automatic activity for them to check if there are upstreams that are required to be on it.
If there are instructions as to repeat the particular video, remove the extro, blur a sensitive image or even bleep a cursing words uttered, it has to be in the paper. 
Discussing those instructions personally to the editor are even more effective.




DIFFICULTIES:

Some mats changes its code when downloaded, which sometimes confuses the editor. So, instead of focussing on other additional downloads, time will be divided again.
What's good about the show is that you to download all the videos directly on the server. I got overwhelmed on my first week for I have 20 and more downloads assignments that very day.
Aside from that there are time consuming downloads, these are high-definition segments which 
taking longer than the usual 5 minutes or less to 30minutes or more.

And recently encountered downloaded segments that never reflects on the editing. Or when downloads finish the "request is complete," the desired destination where it should be found were not seen on a default folder. 
This now requires me to check every folder created and or path where it usually saved.
Sometimes, which really happens in real life...I have to repeat the downloads again, which taking so much of my time, energy, and adrenaline.

All downloads comes by batches...so you have to keep your patience longer. 
It could only mean that you have to visit the download station not just once, twice, thrice...sometimes even more than that. 
Looking at it on a brighter side, It's like I was given a privilege to do a threadmill or jog at the office while working, one of the best cardiovascular exercise I could ever get.

When breaking news explodes while preparing for Global Newsroom no choice but to juggle with both programs all of the sametime. Normally, it happens before the program goes on air. e.g., The President has an speaking engagement sometimes if we put him "LIVE" on-air the shortest airing time is 20-30minutes...while the 1hour or so was the longest. When this happens, the program will be pre-empted. 
But since this one is unpredictable we have to prepare the whole newscast ready for airing no matter what.


SACRIFICES:
Couldn't go out for Lunch for the program I am supervising requires immediate attention when breaking news explodes. So I normally bring food with me and had lunch on my work area. Or If I don't have pack lunch ready, I always do take out (which is no choice fastfood), all the time.



THE BRIGHTER SIDE:

The producer was very approachable and was open for suggestions made. Even writers were helping as well to resolve concerns in the editing. As to there are downloads that requires more time to be converted before it goes on air.



Global Newsroom last airing was on the 29th of December 2017. This was replaced by Amanpour which started airing 1st of January 3pm and replays at 6:30pm.
------------------


CNN Philippines Global Newsroom is anchored by Pia Hontiveros, weekdays 3pm
CNN Philippines Updates weekdays airs...930am, 11:30am AND 2:30pm, 4:00pm, 4:30pm, 5:00pm
CNN Philippines Weekend Updates airs hourly from 9:00am to 5:00pm
CNN Philippines Newsroom Weekend, anchored by Mai Rodriguez airs at 6:00 pm to 6:30 pm, Saturday and Sunday
















































Saturday, May 6, 2017

Mikayla Turns 2: A Happy Celebration!




Our youngest we named Mikayla Ysabelle Garabot also known by many as "Kayla," is fascinated with a lot of things.
Kayla when watching TV at home always sing and dance and this came with her improvised microphone. At times, you couldn't figure out some lyrics she's saying but some were getting clear as she was able to pronounce it.
And when it comes to food not unlike other growing kids she's not so picky. Kayla enjoyed almost anything.
But when we think of celebrating her special day, we believe that one of the closest thing in her heart is a party with one of her enjoyed and most visited fast food chain...Jollibee!

We came up with a very small number of visitors comprises of our family from my side and my wife's side and closed friends that has been a part of our heart and Kayla's too.



Kayla's 2nd birthday was very special for one, the party venue was a dream come true for her.
The whole family was thrilled to see how she was so delighted upon seeing a life-sized favorite stuffed toy that she used to play at home, now come alive...Jollibee!

It's like they were best of friends, no need for introduction they're very first meeting was a bold sign that they've established a raporrt for a very long time.


It wasn't our first time celebrating party with Jollibee.
Exactly, 7 years ago...Kayla's sibling Althea also had fun there.


Secondly, the cake and cupcakes for give aways were baked by my wife Mary Anne.
The same photos were posted on our social media sites @letstalkaboutsweets on Instagram and Facebook accounts.
My wife came up with a theme that was very close to Kayla's favorite cartoon character "Minnie Mouse!"






And lastly, Kayla celebrated it with family and closed friends.












And of course, a party wouldn't be complete without parlor games. And because most of our visitors were adults I, my wife and the rest of small group guests played to complete the fun!









Again we wanted to thank people who came in, with the effort you have showed 
us we want you to know that it was highly appreciated. We are looking forward for more occasions that all of you can join us and celebrations of your families that we can join as well.













We just wish you good health Kayla as always and may all your dreams come true.
Again, HAPPY HAPPY BIRTHDAY TO YOU KAYLA...WE LOVE YOU SO MUCH!
God Bless You!



Special thanks to Ms. Jemima Abanes
for all the photos taken

NOTE: Kayla's birthday celebration was held last 30th of April, at Jollibee, Navotas City branch
from 1:00pm to 3:00pm
It was an advance celebration...her birthday was May 3rd.