Sa pagkakawagi ni Althea sa nagdaang "Masining Na
Pagkukuwento," sa buong
District 1 sa Navotas nitong ika-14 ng Agosto 2017, kung
saan nakatunggali nito ang walo pang magkakaibang eskwelahan...nito namang
nakaraang ika-18 ng parehong buwan at taon kailangan niya muling idepensa ang
kanyang titulo sa mga nagwagi pang magaaral sa Pansangay na Paligsahan.
Mula naman sa 9 na kalahok, ngayon anim naman silang
maghaharap-harap upang patunayan ang kanilang galing sa naturang paligsahan.
ANO ANG PINAGKAIBA NITO SA UNANG NAGANAP NA MASINING NA
PAGKUKUWENTO?
Halos wala namang pinagkaiba...dahil isang libro pa rin
ang ang kanilang babasahin mula sa maikling kuwento na
pinamagatang..."Bakit matagal ang sundo ko? sa panulat ni Kristine Canon
at guhit ni Mariano Ching.
Noon mas marami ang kailangang salaing mga kalahok dahil
pinipili pa lamang ang mga mananalo sa bawat distrito sa lungsod ng Navotas
partikular na sa unang Distrito nito. Ngunit ngayon, maghaharap ang mga nagwagi
sa una, pangalawa at pangatlong puwesto ng pansangay na paligsahan mula sa una
at pangalawang distrito ng lungsod.
Kaya mula sa siyam ngayon anim na lamang sila at bukod
doon ibang mga hurado na titingin sa kanilang mga galaw, mas mabusisi, at mas
partikular sa kanilang nais na makita.
ANO ANG BASEHAN NG MGA HURADO SA MAGWAWAGI?
Ang mga pagbabasehan ay parang hindi nalalayo naman sa
naunang panuntunan.
Iba lamang ang bahagdan o puntos na inilagay para sa mga
ito upang mabuo ang isangdaang bahagdan.
Dito tiningnan muli ang Audience Impact o reaksyon ng
madla sa nagkukuwento, kaledad ng boses, kabihasaan sa piyesa, at damdaming
taglay sa pagkukuwento.
Sa anim na naglaban-laban para sa titulo kabilang si
Althea nagbunutan muna ang mga ito. Lumaban po si Althea taglay ang bilang
numero tatlo.
Naging mabusisi ng husto ang mga hurado sa pagkakataong
ito.
dahil nga pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang Agosto at may
temang Filipino: Wikang Mapagbago, binigyang diin ang paggamit ng wikang
Filipino.
May mga kalahok kasing hindi sinasadyang gumamit ng
salitang "ingles," upang makuha ang partisipasyon ng mga manonood.
Pinuna rin ng mga hurado ang" haba ,"ng mga ginamit na
salita kapag tumutugon ang mga manonood sa nagkukuwento.
Kapag madalas daw kasi ito at mahaba sa inaasahan maaring
makaapekto ito sa kuwento at konsentrasyon ng taga-kuwento sa entablado.
At higit na binigyang diin pakikipagusap sa mga manonood
o "eye to eye contact,' sa mga ito habang isinasagawa ang masining na
pagkukuwento.
BINIGYANG DIIN DIN ANG MGA SUMUSUNOD
Sa ibang kategorya naman gaya ng sa "talumpatian,"
ipinaliwanag ng punong hurado na mas higit nitong pinupukaw hindi ang damdamin
kundi ang isipan ng mga nakikinig kaya hindi nararapat na bawat bigkas ng
salita dapat ay may katumbas na galaw.
Sa kabilang banda, sa "pagtula" naman ay damdamin ang
siyang pinupukaw.
Bukod din sa pagbikas ng malinaw ng mga salita...mahalaga
rin sa mga hurado ang pagbigkas ng mga ito ng tama.
MAHIGPIT ANG LABANAN...TUNGGALIAN NG MAHUHUSAY
Bagama't may iba't-bang istilo ang bawat kalahok, ito rin
ang magiging basehan ng mga hurado kung sino ang karapat-dapat na magwagi.
Dahil nga pinalad si Althea na magwagi sa walo pang
magaaral ng unang distrito sa baitang 3...kailangan niya itong idepensa o
ipaglaban ngayon.
Kung mataas ang naunang "Expectation," o
inaasahan sa kanya 'tila nadoble pa ito o higit pa.
Ngunit gaya ng lagi naming ipinapayo sa
kanya..."Kung para sa iyo ito, ipagkakaloob sa'yo ng Diyos."
Hindi nakasama noon ang kanyang ina sa loob kung saan
unang ginanap ang Masining na pagkukuwento...kaya naman nung masaksihan niya
ito grabe daw ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa kaba.
SI ALTHEA SA KANYANG NAKAMIT NA TAGUMPAY
Nakamit ni Althea ang "ikatlong puwesto" sa "Masining Na
Pagkukuwento" na lubos naming ikinararangal. Bagama't hindi nito nakuha ang
pinakaunang puwesto na talaga namang kanyang ikinalungkot ipinaliwanag na lang
namin bilang kanyang mga magulang na anuman ang kanyang nakamit ay isang
napakalaking karangalan hindi lamang sa kanyang sarili, sa amin na kanyang
pamilya ganundin sa eskwelahan kanyang buong tapang na ipinaglaban.
At naniniwala rin kaming ganito rin ang pakiramdan ng
iba...isang malaking karangalan ang irepresinta ang kanilang kagalang-galang na
mga paaralan.
Muli ang aming pagbati sa lahat ng naguwi ng karangalan
at lumaban at higit sa lahat sa aming ALTHEA!
Ikinararangal ka namin Anak!
No comments:
Post a Comment