"At
ang nagwagi para sa pinakamahusay na Masining na Pagkukuwento...Number 7!"
Pagkarinig
namin ng anunsyong iyon galing sa tagapagsalita...pumanik na agad ang aking
anak na si Althea sa entablado upang kunin ang igagawad na medalya at sertipiko sa kanya.
Yun
kasi ang kanyang numero, pito. Dahil siya ang ikapitong kalahok sa siyam na mga
magaaral sa ikatlong baitang na galing sa distrito ng iba't-ibang eskwelahan sa
lungsod ng Navotas.
Ang
akala namin ng asawa ko ay siya lamang ang aakyat...pero sinenyasan kami na pumanik din.
Umakyat ako ng stage na puno ng galak higit sa lahat ang anak naming si Althea na siyang nagkamit ng titulong pinaglabanan ng araw na yun.
Umakyat ako ng stage na puno ng galak higit sa lahat ang anak naming si Althea na siyang nagkamit ng titulong pinaglabanan ng araw na yun.
PAANO
NAPILI SI ALTHEA AT ANG IBA PA...
Sumali
noong nakaraang taon si Althea sa isang declamation sa paggunita ng "Buwan
ng Wika,' bagama't nakuha lamang nito
ang ikatlong parangal noon...ito pala ang magiging daan para ngayong taon ay
maging kinatawan siya ng paaralan.
Siya
kasama pa ang iba pang pinagpipitaganang mga magaaral ng Navotas Elementary
School 1 (NES1), ang magiging kinatawan ng paaralan sa iba't-ibang kategorya.
May
makikipagtagisan ng galing sa "Spelling," o "Iispell mo,"
ganundin sa larangan ng "Masining na Pagtula," nariyan din ang
"Masining na Talumpati," at ang kategorya naman ni Althea
na..."Masining na Pagkukuwento."
Hindi
biro ang tagisan ng galing na ito dahil kailangang lumaban ng bawat magaaral
kasama ni Althea sa iba pang mga magaaral na mahuhusay rin gaya nila sa mga
nabanggit na tunggaliang paglalabanan.
SA
MISMONG TUNGGALIAN
Isang
maagang call time ang itinakda ng araw na iyon 6:30 ng umaga sa mismong
eskwelahan nito. Ang naturang labanan ay ginanap sa "Kapitbahayan Elementary
School," sa Navotas rin.
Halos
ika-siyam na ng umaga nagsimula ang palatuntunan at ang tema ngayong
taon...Buwan ng Wika, "Filipino: Wikang Mapagpabago."
Nagkaroon
muna ng maiiksing programa. Ngayon ko na lang muling nasaksihan ang kilalang Philippine
Folk Dance na..."Pandanggo sa ilaw."
Inilatag
rin ng tagapagsalita ang napagkasunduang ng mga hurado na basehan ng mga
magkakatunggaling magaaral para sa naturang patimpalak.
Narito
naman ang mga panuntunan sa Masining na Pagkukuwento
sa kategorya kung saan lumahok si Althea.
MGA
PANUNTUNAN...
Kaledad
ng boses 25
Audience
Impact 15
Kabihasaan
sa piyesa 35
Damdamin
sa pagkukuwento 25
MGA
ESKWELAHANG LUMAHOK SA NATURANG PALIGSAHAN...
-Navotas
Central Elementary School
-Bagumbayan
Elementary School
-North
Bay Blvd Elementary School, South
-North
Bay Blvd Elementary School, North
-Dagat
dagatan Elementary School
-Kapitbahayan
Elementary School
-San
Rafael Vicente Elementary School
-Bangkulasi
Elementary School
at
ang eskwelahan kung saan nagmula si Althea...
-Navotas
Elementary School 1 (NES1)
ANG
KAKAIBANG ISTILO NI ALTHEA SA PAGLALAHAD NG
MASINING
NA PAGKUKUWENTO
Ako
bilang kanyang Ama na nakasaksi ng kanyang Masining
na Pagkukuwento ay namangha rin.
Hindi
sa dahil iniisip kong hindi ito kaya ni Althea
pero iba kasi ang ipinakita nito ng mismong patimpalak
na.
Walang
anumang kaba ito at ganadong-ganado.
Iniisip
ko nga habang kinukunan ko siya ng video ay mauutal ito, makakalimutan ang
kanyang linya, mabubulol o hihinto, pero talaga namang tuloy-tuloy siya.
Habang
patuloy ito sa kanyang pagkukuwento narinig ko pa nga ang isang guro sa
likurang bahagi na nagkumento..."Ang ganda ng boses niya!"
Nasaksihan
ko rin na halos karamihan ng mga nasa loob ng maliit na malamig na kuwarto ay
nagkaroon ng partisipasyon.
May
bahagi kasi sa unang pagkukuwento ni Althea na hiningan nito ng kasunduan ang
mga nasa loob, na sa tuwing maririnig at bibigkasin nito ang katagang..."SIGURO,"
sasagot ang mga ito ng...
"PAPARAPAPAPA,
PARATING NA YUN!"
Ginamit
din ni Althea ang animo'y malaking entablado at nagawang paliitin ito dahil sa
iba't- ibang galaw habang naglalahad siya ng kuwento.
Malinaw
ang kanyang boses at nabigyan ng tamang emosyon ang bawat pangyayari habang
naglalahad ng kuwento...bagay na sa tingin ko nagpaangat sa kanya sa iba.
Nang
matapos ito, walang anumang palakpak na narinig pero ramdam mo sa mga hurado at
mga manonood ang pagkagiliw sa kanya.
Naghintay
kami ng anunsyo. Halos alas-tres na ng hapon ng ihayag ang mga nagwagi.
MGA
SAKRIPISYO NI ALTHEA
Kagaya
ng lumang kasabihan na..."Kung walang tiyaga, walang nilaga,"
ganitong-ganito ang ginawa ni Althea para makamit ang kanyang tagumpay.
Maagang
ibinigay ang babasahing kuwento sa kanya na pinamagatang..."Bakit matagal ang sundo ko? sa panulat ni Kristine Canon at guhit ni Mariano Ching.
Madalas nga kapag bumibisita kami sa bookstore, pupunta ito sa lugar kung saan naroon ang mga libro at magbabasa.
Madalas nga kapag bumibisita kami sa bookstore, pupunta ito sa lugar kung saan naroon ang mga libro at magbabasa.
Hindi
ko alam pero tila alam nito ang lugar kung saan nakalagay ang babasahing ito.
Bago pa sila halos araw-araw na magsanay pagkatapos ng klase nito nung papalapit na ang naturang kumpetisyon, nageensayo na rin ito sa bahay.
At
pagkatapos ng pagsasanay nito makikita mo ang hapong-hapo nitong katawan na
agad na hahanapin ang kanyang higaan upang ipahinga ang lupaypay na katawan.
Nakatutok
ng husto sa kanya ang kanyang guro na si Ginang Marcelino. Bukod pa dito ang
pagsasanay na ginagawa nito sa bahay, ensayo sa harap ng kanyang Lolo Bert at
kung kani-kanino pa.
Hindi man ako nakatutok ng husto sa kanya ngayon...ito naman ang bahaging tunay namang tinayaga ng aking asawa, ang kanyang ina na si Meanne.
Naghahatid sa kanya sa school, nagluluto at nagdadala ng pagkain dito at siyang tutok rin at punong-puno ng gabay sa pagsasanay ni Althea sa araw-araw.
Sa
sobrang hirap at pagod nagkaroon na ito ng sugat sa katawan. Lumalabas kasi ang
mga ito kapag ibinibigay niya ang higit pa sa isangdaang porsyento ng kanyang
lakas.
Naaawa
kami bilang magulang nito, pero nakikita naman namin ang buo niya determinasyon
at pagmamahal sa kanyang ginagawa kaya kami naman ay patuloy ang pagbibigay ng suporta sa kanya.
Alam
namin na hindi pa ito ang huling kumpetisyon na lalahukan niya dahil may
paghahanda na naman itong kailangang gawin para sa nalalapit na "Division Contest," sa darating na Biyernes.
Lagi
lamang kaming naririto at gagawa lagi ng paraan para masaksihan ang anumang
pagtatanghal na iyong gagawin.
Ikinararangal
ka namin Althea!
No comments:
Post a Comment