Translate

Showing posts with label Meanne Garabot. Show all posts
Showing posts with label Meanne Garabot. Show all posts

Wednesday, January 10, 2018

Food Poison?






Around 230 ng umaga ng January 8, ginising ako ng wife ko and informed me na sumusuka nga daw si Althea (my eldest).
Pero hindi lang isang beses...marami na.

Medyo hilo pa nga ako nun kasi hindi pa talaga gising ang aking kamalayan.

Pero around 3am, nagsuka na rin si Kayla (my youngest), na parang halos full meal niya nung dinner.

A few minutes after, yung wife ko naman ang nagvomit sa CR na tila kahalintulad ng buntis na dumuduwal.

From there, nagpasiya na akong tumakbo na kami sa pinakamalapit ng ospital sa amin sa Navotas.

Pero while we are on our way, nagsusuka pa rin si Kayla. At hanggang nasa loob na kami ng ospital nagsusuka pa rin.



Maya-maya pa nilagyan na siya destrose. No wonder kasi baby pa siya paunang lunas yun para sa  dehydration.

Siyempre umiyak siya kasi yung fear na tutusukin siya ng karayom at may sakit siyang mararamdaman.

Si Althea ganundin nagsusuka pa rin. Binigyan siya ng dalawang sachet ng DEHYDROSOL na inihalo sa 500ml na tubig. Pinapaubos sa kanya yun para mapalitan yung nawalang tubig sa katawan niya.

Nakalagay dun sa sachet ng DEHYDROSOL na LEMON flavored siya. Pero sabi ni Althea wala naman siyang nalasahan.
Hindi niya rin naubos yun kasi nga hindi niya gusto yung lasa.

Sinaggest ko sa kanya na inumin para makaihi siya dahil she was asked to submit her URINE SAMPLE.
Kaya lang nung umihi naman siya...hindi naman niya nasalo lahat sa CR. Wala pang kalahati yung naipon niya kaya nung dalhin ko sa laboratory we were told na dapat nasa kalahati yung dami ng ihi niya.
At the time, hindi pa siya naiihi kaya I kept on asking her na inumin niya para makapasubmit kami ng ihi niya sa lab at ma-identify yung cause nung pagsusuka niya.

Uminom naman siya pero talagang hindi niya maubos yung 500ml na tubig. So ang ending hindi kami nakapagsubmit ng urine sample niya.

Sa pagmamadali naming umalis nakaligtaan pala ni Misis na kumuha ng diaper ni Kayla pati wet wipes...so umuwi pa ako sa bahay para kumuha ng gamit.

Paguwi ko, saka ko lang nainformed ang mga magulang ko na nasa hospital ang mga MAGIINA KO.



Afterwards, pagbalik ko sa hospital nandun na sila. Natuwa ako kasi malaking bagay sa amin yun, yung MORAL SUPPORT nila at yung PRESENCE nila.

Dun ko tuloy mas na appreciate na maswerte ako kasi "MAY PARENTS PA AKO."
Yung WIFE ko ay ulilang lubos na, may kapatid man siya nasa ibang bansa naman.
Bali yung dalawang Tito lang niya ang nandito pero they were from somewhere pa.

Kahit na nga pagpunta ko sa CR sinundan at tinulungan pa ko ng tatay ko. Nadumi kasi si Kayla, may suot nga siyang PAEDIATRIC URINE COLLECTOR nagleak naman siya.
Kaya panay din ang iyak niya kasi nga naiirita siya dun sa pakiramdam na wet siya at may poops.

Nalagyan nga yung braso ko at yung suot kong shorts. Pero yung poops niya kasi maybe because of the hilab ng tiyan niya...mabaho yung amoy kahalintulad ng PATIS pero parang mas matapang pa dun.

Habang hawak siya ng tatay ko ako naman sinasabon siya. Dahil sa sobrang FOUL NG ODOR nung poops niya...yung suot niyang JOGGING PANTS, nagdecide na kong itapon sa basurahan.



After that, iniwan ko na sila at umuwi sa bahay. Pagdating ko, nakita ko na si MISIS nakahiga na katabi ni Althea pero parang hilo siya.
Hindi ko alam at the time I left them, dun naman siya inatake ng PAGSAKIT NG TIYAN NIYA. Tatlong beses din siyang nagpapabalik-balik sa CR...pero aside from that mataas din ang BP niya.

ANG HIRAP KASI THIS PARTICULAR SCENARIO TATLO SILA NA SABAY-SABAY.

Pumasok kami around or before 4am.
The two kids were discharged earlier the same day.
Pagkatapos yun na halos maubos yung dextrose ni Kayla.

They were out around 10am.
I was actually too nervous about yung SUMMARY NG BILL.
Nakita ko kasi ang daming sinusulat sa RESIBO.
Siguro pag pinagsama yung kay Althea at Kayla around P1600.
I was praying too na sana mababa lang kasi hindi naman sila nagstay ng matagal at wala namang nirequire na procedure na gagastos sila ng malaki.
But we were again so LUCKY kasi since I am then a Navotas resident...it goes without saying na FREE of CHARGE ako SA BILL.
I just showed my ID na nandun yung name ko at may address na nagpapatunay na taga-NAVOTAS ako.
Same goes with my wife na also free of charge for all the hospital bills.

With my wife's case naman hinintay pang bumuti ang pakiramdam niya. Sinaksakan kasi siya ng gamot para sa humihilab niyang tiyan. Lumabas siya around 12noon na rin.

We just had simple lunch, bumili rin kami para sa mga bata then naghanap din ng gamot nila.

While we were on our way home nakahilig ang misis ko sa akin...I told her "please be better na ha."

But we are very THANKFUL for the FLOOD of PRAYERS we received on our FACEBOOK accounts...MALAKING BAGAY PO ito sa amin lalo na sa panahong kami po ay binabayo ng PAGSUBOK.











But we are THANKFUL kay God because we SURVIVED this!

Sunday, August 20, 2017

Masining na Pagkukuwento: Ikatlong Karangalan sa Pansangay na Paligsahan




Sa pagkakawagi ni Althea sa nagdaang "Masining Na Pagkukuwento," sa buong
District 1 sa Navotas nitong ika-14 ng Agosto 2017, kung saan nakatunggali nito ang walo pang magkakaibang eskwelahan...nito namang nakaraang ika-18 ng parehong buwan at taon kailangan niya muling idepensa ang kanyang titulo sa mga nagwagi pang magaaral sa Pansangay na Paligsahan.

Mula naman sa 9 na kalahok, ngayon anim naman silang maghaharap-harap upang patunayan ang kanilang galing sa naturang paligsahan.



ANO ANG PINAGKAIBA NITO SA UNANG NAGANAP NA MASINING NA PAGKUKUWENTO?

Halos wala namang pinagkaiba...dahil isang libro pa rin ang ang kanilang babasahin mula sa maikling kuwento na pinamagatang..."Bakit matagal ang sundo ko? sa panulat ni Kristine Canon at guhit ni Mariano Ching.

Noon mas marami ang kailangang salaing mga kalahok dahil pinipili pa lamang ang mga mananalo sa bawat distrito sa lungsod ng Navotas partikular na sa unang Distrito nito. Ngunit ngayon, maghaharap ang mga nagwagi sa una, pangalawa at pangatlong puwesto ng pansangay na paligsahan mula sa una at pangalawang distrito ng lungsod.

Kaya mula sa siyam ngayon anim na lamang sila at bukod doon ibang mga hurado na titingin sa kanilang mga galaw, mas mabusisi, at mas partikular sa kanilang nais na makita.




ANO ANG BASEHAN NG MGA HURADO SA MAGWAWAGI?

Ang mga pagbabasehan ay parang hindi nalalayo naman sa naunang panuntunan.
Iba lamang ang bahagdan o puntos na inilagay para sa mga ito upang mabuo ang isangdaang bahagdan.
Dito tiningnan muli ang Audience Impact o reaksyon ng madla sa nagkukuwento, kaledad ng boses, kabihasaan sa piyesa, at damdaming taglay sa pagkukuwento.

Sa anim na naglaban-laban para sa titulo kabilang si Althea nagbunutan muna ang mga ito. Lumaban po si Althea taglay ang bilang numero tatlo.

Naging mabusisi ng husto ang mga hurado sa pagkakataong ito.
dahil nga pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang Agosto at may temang Filipino: Wikang Mapagbago, binigyang diin ang paggamit ng wikang Filipino.



May mga kalahok kasing hindi sinasadyang gumamit ng salitang "ingles," upang makuha ang partisipasyon ng mga manonood.
Pinuna rin ng mga hurado ang" haba ,"ng mga ginamit na salita kapag tumutugon ang mga manonood sa nagkukuwento.
Kapag madalas daw kasi ito at mahaba sa inaasahan maaring makaapekto ito sa kuwento at konsentrasyon ng taga-kuwento sa entablado.
At higit na binigyang diin pakikipagusap sa mga manonood o "eye to eye contact,' sa mga ito habang isinasagawa ang masining na pagkukuwento.





BINIGYANG DIIN DIN ANG MGA SUMUSUNOD


Sa ibang kategorya naman gaya ng sa "talumpatian," ipinaliwanag ng punong hurado na mas higit nitong pinupukaw hindi ang damdamin kundi ang isipan ng mga nakikinig kaya hindi nararapat na bawat bigkas ng salita dapat ay may katumbas na galaw.
Sa kabilang banda, sa "pagtula" naman ay damdamin ang siyang pinupukaw.
Bukod din sa pagbikas ng malinaw ng mga salita...mahalaga rin sa mga hurado ang pagbigkas ng mga ito ng tama.







MAHIGPIT ANG LABANAN...TUNGGALIAN NG MAHUHUSAY


Bagama't may iba't-bang istilo ang bawat kalahok, ito rin ang magiging basehan ng mga hurado kung sino ang karapat-dapat na magwagi.
Dahil nga pinalad si Althea na magwagi sa walo pang magaaral ng unang distrito sa baitang 3...kailangan niya itong idepensa o ipaglaban ngayon.



Kung mataas ang naunang "Expectation," o inaasahan sa kanya 'tila nadoble pa ito o higit pa.
Ngunit gaya ng lagi naming ipinapayo sa kanya..."Kung para sa iyo ito, ipagkakaloob sa'yo ng Diyos."

Hindi nakasama noon ang kanyang ina sa loob kung saan unang ginanap ang Masining na pagkukuwento...kaya naman nung masaksihan niya ito grabe daw ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa kaba.


SI ALTHEA SA KANYANG NAKAMIT NA TAGUMPAY


Nakamit ni Althea ang "ikatlong puwesto" sa "Masining Na Pagkukuwento" na lubos naming ikinararangal. Bagama't hindi nito nakuha ang pinakaunang puwesto na talaga namang kanyang ikinalungkot ipinaliwanag na lang namin bilang kanyang mga magulang na anuman ang kanyang nakamit ay isang napakalaking karangalan hindi lamang sa kanyang sarili, sa amin na kanyang pamilya ganundin sa eskwelahan kanyang buong tapang na ipinaglaban.



At naniniwala rin kaming ganito rin ang pakiramdan ng iba...isang malaking karangalan ang irepresinta ang kanilang kagalang-galang na mga paaralan.



Muli ang aming pagbati sa lahat ng naguwi ng karangalan at lumaban at higit sa lahat sa aming ALTHEA!


Ikinararangal ka namin Anak!


Tuesday, August 15, 2017

Si Althea sa kanyang Masining na Pagkukuwento





"At ang nagwagi para sa pinakamahusay na Masining na Pagkukuwento...Number 7!"

Pagkarinig namin ng anunsyong iyon galing sa tagapagsalita...pumanik na agad ang aking anak na si Althea sa entablado upang kunin ang igagawad na medalya at sertipiko sa kanya.

Yun kasi ang kanyang numero, pito. Dahil siya ang ikapitong kalahok sa siyam na mga magaaral sa ikatlong baitang na galing sa distrito ng iba't-ibang eskwelahan sa lungsod ng Navotas.

Ang akala namin ng asawa ko ay siya lamang ang aakyat...pero sinenyasan kami na pumanik din. 
Umakyat ako ng stage na puno ng galak higit sa lahat ang anak naming si Althea na siyang nagkamit ng titulong pinaglabanan ng araw na yun.





PAANO NAPILI SI ALTHEA AT ANG IBA PA...

Sumali noong nakaraang taon si Althea sa isang declamation sa paggunita ng "Buwan ng Wika,'  bagama't nakuha lamang nito ang ikatlong parangal noon...ito pala ang magiging daan para ngayong taon ay maging kinatawan siya ng paaralan.

Siya kasama pa ang iba pang pinagpipitaganang mga magaaral ng Navotas Elementary School 1 (NES1), ang magiging kinatawan ng paaralan sa iba't-ibang kategorya.

May makikipagtagisan ng galing sa "Spelling," o "Iispell mo," ganundin sa larangan ng "Masining na Pagtula," nariyan din ang "Masining na Talumpati," at ang kategorya naman ni Althea na..."Masining na Pagkukuwento."

Hindi biro ang tagisan ng galing na ito dahil kailangang lumaban ng bawat magaaral kasama ni Althea sa iba pang mga magaaral na mahuhusay rin gaya nila sa mga nabanggit na tunggaliang paglalabanan.





SA MISMONG TUNGGALIAN

Isang maagang call time ang itinakda ng araw na iyon 6:30 ng umaga sa mismong eskwelahan nito. Ang naturang labanan ay ginanap sa "Kapitbahayan Elementary School," sa Navotas rin.

Halos ika-siyam na ng umaga nagsimula ang palatuntunan at ang tema ngayong taon...Buwan ng Wika, "Filipino: Wikang Mapagpabago."

Nagkaroon muna ng maiiksing programa. Ngayon ko na lang muling nasaksihan ang kilalang Philippine Folk Dance na..."Pandanggo sa ilaw."



Inilatag rin ng tagapagsalita ang napagkasunduang ng mga hurado na basehan ng mga magkakatunggaling magaaral para sa naturang patimpalak.

Narito naman ang mga panuntunan sa Masining na Pagkukuwento sa kategorya kung saan lumahok si Althea.


MGA PANUNTUNAN...

Kaledad ng boses 25
Audience Impact 15
Kabihasaan sa piyesa 35
Damdamin sa pagkukuwento 25


MGA ESKWELAHANG LUMAHOK SA NATURANG PALIGSAHAN...

-Navotas Central Elementary School
-Bagumbayan Elementary School
-North Bay Blvd Elementary School, South
-North Bay Blvd Elementary School, North
-Dagat dagatan Elementary School
-Kapitbahayan Elementary School
-San Rafael Vicente Elementary School
-Bangkulasi Elementary School
at ang eskwelahan kung saan nagmula si Althea...
-Navotas Elementary School 1 (NES1)




ANG KAKAIBANG ISTILO NI ALTHEA SA PAGLALAHAD NG
MASINING NA PAGKUKUWENTO

Ako bilang kanyang Ama na nakasaksi ng kanyang Masining na Pagkukuwento ay namangha rin.
Hindi sa dahil iniisip kong hindi ito kaya ni Althea pero iba kasi ang ipinakita nito ng mismong patimpalak na.



Walang anumang kaba ito at ganadong-ganado.
Iniisip ko nga habang kinukunan ko siya ng video ay mauutal ito, makakalimutan ang kanyang linya, mabubulol o hihinto, pero talaga namang tuloy-tuloy siya.

Habang patuloy ito sa kanyang pagkukuwento narinig ko pa nga ang isang guro sa likurang bahagi na nagkumento..."Ang ganda ng boses niya!"

Nasaksihan ko rin na halos karamihan ng mga nasa loob ng maliit na malamig na kuwarto ay nagkaroon ng partisipasyon.

May bahagi kasi sa unang pagkukuwento ni Althea na hiningan nito ng kasunduan ang mga nasa loob, na sa tuwing maririnig at bibigkasin nito ang katagang..."SIGURO," sasagot ang mga ito ng...
"PAPARAPAPAPA, PARATING NA YUN!"

Ginamit din ni Althea ang animo'y malaking entablado at nagawang paliitin ito dahil sa iba't- ibang galaw habang naglalahad siya ng kuwento.
Malinaw ang kanyang boses at nabigyan ng tamang emosyon ang bawat pangyayari habang naglalahad ng kuwento...bagay na sa tingin ko nagpaangat sa kanya sa iba.

Nang matapos ito, walang anumang palakpak na narinig pero ramdam mo sa mga hurado at mga manonood ang pagkagiliw sa kanya.

Naghintay kami ng anunsyo. Halos alas-tres na ng hapon ng ihayag ang mga nagwagi.






MGA SAKRIPISYO NI ALTHEA


Kagaya ng lumang kasabihan na..."Kung walang tiyaga, walang nilaga," ganitong-ganito ang ginawa ni Althea para makamit ang kanyang tagumpay.

Maagang ibinigay ang babasahing kuwento sa kanya na pinamagatang..."Bakit matagal ang sundo ko? sa panulat ni Kristine Canon at guhit ni Mariano Ching. 

Madalas nga kapag bumibisita kami sa bookstore, pupunta ito sa lugar kung saan naroon ang mga libro at magbabasa.
Hindi ko alam pero tila alam nito ang lugar kung saan nakalagay ang babasahing ito.

Bago pa sila halos araw-araw na magsanay pagkatapos ng klase nito nung papalapit na ang naturang kumpetisyon, nageensayo na rin ito sa bahay.
At pagkatapos ng pagsasanay nito makikita mo ang hapong-hapo nitong katawan na agad na hahanapin ang kanyang higaan upang ipahinga ang lupaypay na katawan.

Nakatutok ng husto sa kanya ang kanyang guro na si Ginang Marcelino. Bukod pa dito ang pagsasanay na ginagawa nito sa bahay, ensayo sa harap ng kanyang Lolo Bert at kung kani-kanino pa.


Hindi man ako nakatutok ng husto sa kanya ngayon...ito naman ang bahaging tunay namang tinayaga ng aking asawa, ang kanyang ina na si Meanne.
Naghahatid sa kanya sa school, nagluluto at nagdadala ng pagkain dito at siyang tutok rin at punong-puno ng gabay sa pagsasanay ni Althea sa araw-araw.



Sa sobrang hirap at pagod nagkaroon na ito ng sugat sa katawan. Lumalabas kasi ang mga ito kapag ibinibigay niya ang higit pa sa isangdaang porsyento ng kanyang lakas.

Naaawa kami bilang magulang nito, pero nakikita naman namin ang buo niya determinasyon at pagmamahal sa kanyang ginagawa kaya kami naman ay patuloy ang pagbibigay ng suporta sa kanya.


Alam namin na hindi pa ito ang huling kumpetisyon na lalahukan niya dahil may paghahanda na naman itong kailangang gawin para sa nalalapit na "Division Contest," sa darating na Biyernes.

Lagi lamang kaming naririto at gagawa lagi ng paraan para masaksihan ang anumang pagtatanghal na iyong gagawin.

Ikinararangal ka namin Althea!






Saturday, May 6, 2017

Mikayla Turns 2: A Happy Celebration!




Our youngest we named Mikayla Ysabelle Garabot also known by many as "Kayla," is fascinated with a lot of things.
Kayla when watching TV at home always sing and dance and this came with her improvised microphone. At times, you couldn't figure out some lyrics she's saying but some were getting clear as she was able to pronounce it.
And when it comes to food not unlike other growing kids she's not so picky. Kayla enjoyed almost anything.
But when we think of celebrating her special day, we believe that one of the closest thing in her heart is a party with one of her enjoyed and most visited fast food chain...Jollibee!

We came up with a very small number of visitors comprises of our family from my side and my wife's side and closed friends that has been a part of our heart and Kayla's too.



Kayla's 2nd birthday was very special for one, the party venue was a dream come true for her.
The whole family was thrilled to see how she was so delighted upon seeing a life-sized favorite stuffed toy that she used to play at home, now come alive...Jollibee!

It's like they were best of friends, no need for introduction they're very first meeting was a bold sign that they've established a raporrt for a very long time.


It wasn't our first time celebrating party with Jollibee.
Exactly, 7 years ago...Kayla's sibling Althea also had fun there.


Secondly, the cake and cupcakes for give aways were baked by my wife Mary Anne.
The same photos were posted on our social media sites @letstalkaboutsweets on Instagram and Facebook accounts.
My wife came up with a theme that was very close to Kayla's favorite cartoon character "Minnie Mouse!"






And lastly, Kayla celebrated it with family and closed friends.












And of course, a party wouldn't be complete without parlor games. And because most of our visitors were adults I, my wife and the rest of small group guests played to complete the fun!









Again we wanted to thank people who came in, with the effort you have showed 
us we want you to know that it was highly appreciated. We are looking forward for more occasions that all of you can join us and celebrations of your families that we can join as well.













We just wish you good health Kayla as always and may all your dreams come true.
Again, HAPPY HAPPY BIRTHDAY TO YOU KAYLA...WE LOVE YOU SO MUCH!
God Bless You!



Special thanks to Ms. Jemima Abanes
for all the photos taken

NOTE: Kayla's birthday celebration was held last 30th of April, at Jollibee, Navotas City branch
from 1:00pm to 3:00pm
It was an advance celebration...her birthday was May 3rd.