Translate

Showing posts with label Buwan ng Wika. Show all posts
Showing posts with label Buwan ng Wika. Show all posts

Tuesday, August 15, 2017

Si Althea sa kanyang Masining na Pagkukuwento





"At ang nagwagi para sa pinakamahusay na Masining na Pagkukuwento...Number 7!"

Pagkarinig namin ng anunsyong iyon galing sa tagapagsalita...pumanik na agad ang aking anak na si Althea sa entablado upang kunin ang igagawad na medalya at sertipiko sa kanya.

Yun kasi ang kanyang numero, pito. Dahil siya ang ikapitong kalahok sa siyam na mga magaaral sa ikatlong baitang na galing sa distrito ng iba't-ibang eskwelahan sa lungsod ng Navotas.

Ang akala namin ng asawa ko ay siya lamang ang aakyat...pero sinenyasan kami na pumanik din. 
Umakyat ako ng stage na puno ng galak higit sa lahat ang anak naming si Althea na siyang nagkamit ng titulong pinaglabanan ng araw na yun.





PAANO NAPILI SI ALTHEA AT ANG IBA PA...

Sumali noong nakaraang taon si Althea sa isang declamation sa paggunita ng "Buwan ng Wika,'  bagama't nakuha lamang nito ang ikatlong parangal noon...ito pala ang magiging daan para ngayong taon ay maging kinatawan siya ng paaralan.

Siya kasama pa ang iba pang pinagpipitaganang mga magaaral ng Navotas Elementary School 1 (NES1), ang magiging kinatawan ng paaralan sa iba't-ibang kategorya.

May makikipagtagisan ng galing sa "Spelling," o "Iispell mo," ganundin sa larangan ng "Masining na Pagtula," nariyan din ang "Masining na Talumpati," at ang kategorya naman ni Althea na..."Masining na Pagkukuwento."

Hindi biro ang tagisan ng galing na ito dahil kailangang lumaban ng bawat magaaral kasama ni Althea sa iba pang mga magaaral na mahuhusay rin gaya nila sa mga nabanggit na tunggaliang paglalabanan.





SA MISMONG TUNGGALIAN

Isang maagang call time ang itinakda ng araw na iyon 6:30 ng umaga sa mismong eskwelahan nito. Ang naturang labanan ay ginanap sa "Kapitbahayan Elementary School," sa Navotas rin.

Halos ika-siyam na ng umaga nagsimula ang palatuntunan at ang tema ngayong taon...Buwan ng Wika, "Filipino: Wikang Mapagpabago."

Nagkaroon muna ng maiiksing programa. Ngayon ko na lang muling nasaksihan ang kilalang Philippine Folk Dance na..."Pandanggo sa ilaw."



Inilatag rin ng tagapagsalita ang napagkasunduang ng mga hurado na basehan ng mga magkakatunggaling magaaral para sa naturang patimpalak.

Narito naman ang mga panuntunan sa Masining na Pagkukuwento sa kategorya kung saan lumahok si Althea.


MGA PANUNTUNAN...

Kaledad ng boses 25
Audience Impact 15
Kabihasaan sa piyesa 35
Damdamin sa pagkukuwento 25


MGA ESKWELAHANG LUMAHOK SA NATURANG PALIGSAHAN...

-Navotas Central Elementary School
-Bagumbayan Elementary School
-North Bay Blvd Elementary School, South
-North Bay Blvd Elementary School, North
-Dagat dagatan Elementary School
-Kapitbahayan Elementary School
-San Rafael Vicente Elementary School
-Bangkulasi Elementary School
at ang eskwelahan kung saan nagmula si Althea...
-Navotas Elementary School 1 (NES1)




ANG KAKAIBANG ISTILO NI ALTHEA SA PAGLALAHAD NG
MASINING NA PAGKUKUWENTO

Ako bilang kanyang Ama na nakasaksi ng kanyang Masining na Pagkukuwento ay namangha rin.
Hindi sa dahil iniisip kong hindi ito kaya ni Althea pero iba kasi ang ipinakita nito ng mismong patimpalak na.



Walang anumang kaba ito at ganadong-ganado.
Iniisip ko nga habang kinukunan ko siya ng video ay mauutal ito, makakalimutan ang kanyang linya, mabubulol o hihinto, pero talaga namang tuloy-tuloy siya.

Habang patuloy ito sa kanyang pagkukuwento narinig ko pa nga ang isang guro sa likurang bahagi na nagkumento..."Ang ganda ng boses niya!"

Nasaksihan ko rin na halos karamihan ng mga nasa loob ng maliit na malamig na kuwarto ay nagkaroon ng partisipasyon.

May bahagi kasi sa unang pagkukuwento ni Althea na hiningan nito ng kasunduan ang mga nasa loob, na sa tuwing maririnig at bibigkasin nito ang katagang..."SIGURO," sasagot ang mga ito ng...
"PAPARAPAPAPA, PARATING NA YUN!"

Ginamit din ni Althea ang animo'y malaking entablado at nagawang paliitin ito dahil sa iba't- ibang galaw habang naglalahad siya ng kuwento.
Malinaw ang kanyang boses at nabigyan ng tamang emosyon ang bawat pangyayari habang naglalahad ng kuwento...bagay na sa tingin ko nagpaangat sa kanya sa iba.

Nang matapos ito, walang anumang palakpak na narinig pero ramdam mo sa mga hurado at mga manonood ang pagkagiliw sa kanya.

Naghintay kami ng anunsyo. Halos alas-tres na ng hapon ng ihayag ang mga nagwagi.






MGA SAKRIPISYO NI ALTHEA


Kagaya ng lumang kasabihan na..."Kung walang tiyaga, walang nilaga," ganitong-ganito ang ginawa ni Althea para makamit ang kanyang tagumpay.

Maagang ibinigay ang babasahing kuwento sa kanya na pinamagatang..."Bakit matagal ang sundo ko? sa panulat ni Kristine Canon at guhit ni Mariano Ching. 

Madalas nga kapag bumibisita kami sa bookstore, pupunta ito sa lugar kung saan naroon ang mga libro at magbabasa.
Hindi ko alam pero tila alam nito ang lugar kung saan nakalagay ang babasahing ito.

Bago pa sila halos araw-araw na magsanay pagkatapos ng klase nito nung papalapit na ang naturang kumpetisyon, nageensayo na rin ito sa bahay.
At pagkatapos ng pagsasanay nito makikita mo ang hapong-hapo nitong katawan na agad na hahanapin ang kanyang higaan upang ipahinga ang lupaypay na katawan.

Nakatutok ng husto sa kanya ang kanyang guro na si Ginang Marcelino. Bukod pa dito ang pagsasanay na ginagawa nito sa bahay, ensayo sa harap ng kanyang Lolo Bert at kung kani-kanino pa.


Hindi man ako nakatutok ng husto sa kanya ngayon...ito naman ang bahaging tunay namang tinayaga ng aking asawa, ang kanyang ina na si Meanne.
Naghahatid sa kanya sa school, nagluluto at nagdadala ng pagkain dito at siyang tutok rin at punong-puno ng gabay sa pagsasanay ni Althea sa araw-araw.



Sa sobrang hirap at pagod nagkaroon na ito ng sugat sa katawan. Lumalabas kasi ang mga ito kapag ibinibigay niya ang higit pa sa isangdaang porsyento ng kanyang lakas.

Naaawa kami bilang magulang nito, pero nakikita naman namin ang buo niya determinasyon at pagmamahal sa kanyang ginagawa kaya kami naman ay patuloy ang pagbibigay ng suporta sa kanya.


Alam namin na hindi pa ito ang huling kumpetisyon na lalahukan niya dahil may paghahanda na naman itong kailangang gawin para sa nalalapit na "Division Contest," sa darating na Biyernes.

Lagi lamang kaming naririto at gagawa lagi ng paraan para masaksihan ang anumang pagtatanghal na iyong gagawin.

Ikinararangal ka namin Althea!






Thursday, September 1, 2016

Ang kuwento ni Filemon Mamon sa paglalahad ni Althea




Agosto na naman...ibig sabihin buwan na naman ng wika.
Sa mga paaralan saan mang bahagi ng Pilipinas...hindi mawawala ang talumpatian.
Pinalad na mapili si Althea, ang aming panganay na anak upang magbasa ng isang maikling kuwento.

Sa naturang patimpalak, tiningnan kung mahusay siyang makapagbabasa, at papakinggan ng mga mga magaaral na nanonood at higit lalo't sa mga huradong guro.

Hindi ito ang unang beses ni Althea sa paglahok sa mga paligsahan. Ngunit noong nakaraang taon, nakasali at nanalo ito sa isang tula.

Ngayon nagkaroon siya ng pagkakataon na magbasa ng kuwento tungkol sa isang matabang bata na ang pangalan ay si "Filemon Mamon."



Bilang paghahanda para sa kumpetisyon, ilang araw din siyang nagsanay. Bukod ang ginagawang pagsasanay niya sa eskwelahan kasama ang kanyang guro at maging sa aming tahanan kapiling naman ang kanyang ina.
Nagkaroon din naman ako ng pagkakataon na marinig ang kanyang pagbabasa, at nagbigay din ng ilang suhestyon kung pano higit na mapabubuti pa ito.

Tinuruan namin siya ng tamang pagbaybay at pagbigkas ng mga salita, kasama rin ang ilang mga kaaya-ayang galaw upang aliwin at makuha ang atensyon ng mga manonood na magaaral at mga huradong guro.

Hindi gaya ng mga nagdaang patimpalak, walang malaking manonood na nakinig. Ginawa lamang kasi ito sa isang klasrom.
Medyo iba ngayon, hindi lamang galing sa iisang baytang ang mga magtutunggalian, sa madaling salita, makakalaban rin niya ang iba pang mga magaaral sa ikatlo at ikaapat na baytang ng naturang eskwelahan.

Naging basehan ng mga hurado ang mga sumusunod sa pagpili ng magwawagi...

Mga Pamantayan sa Pagkukuwento

Paraan ng Pagkukuwento 35%
Kalidad ng tinig 25%
Pagbibigay kahulugan 30%
Dating sa madla 10%
Kabuuan 100%

Sa kabuuan, may siyam na kalahok na nagtunggalian.
May mga kani-kaniyang paraan ng pagku-kuwento.
May mahina at halos hindi marinig ang boses, may ubod ng lakas, mayroon ding isinama ang mga manonood sa pagkukuwento, ang iba nama'y kinabisado ang buong kuwento, may umawit din at sumayaw upang makuha ang atensyon ng mga hurado at nakikinig.

Bagama't may iba't-iba silang istilo, si Althea naman ay gumamit ng mga visual aids sa kanyang kuwento gaya ng larawan ni Santa Klaus, Andres Bonifacio, Prayle, mga ulam na gaya ng adobo at lechong paksiw, mga junk food at softdrinks at siyempre ang bida sa kuwento na si ..."Filemon Mamon!"



Siyempre, bukod sa mga guro na nagorganisa ng patimpalak, naroon din ang mga magulang na todo ang suporta sa kanilang mga anak.




Pero papahuli ba naman kami, kami ang ilan sa mga magulang ng mga batang naniniwala na ang presensiya namin sa naturang tunggalian ay makakatulong ng malaki upang palakasin ang loob ng aming anak.



Matapos marinig ang lahat ng mga magaaral, dumating na ang paghahatol.
Nakakatutuwa na pinalad na makuha ng aming anak na si Althea ang ikatlong puwesto, samantalang nagwagi naman ang isang katunggali na galing sa ikaapat na baytang, at ang pangalawang puwesto ay nakuha naman ng ikatlong baytang na magaaral.
Bagama't nalungkot si Althea na hindi nito nakuha ang unang parangal, sinabi na lang namin na mayroon pa namang susunod.
Hindi kasi nito maitago ang pakiramdam na sa mga nagdaang sinalihang kumpetisyon lagi nitong inuuwi ang unang parangal.



Pero bilang magulang naunawaan din namin siya.
Ang sa amin din kasi, marahil mas mainam kung magkakaparehong baytang ang nagtunggalian sa pagbabasa ng kuwento.
Dahil sa totoo lamang po, tunay na makakakuha ng lamang o puntos ang lalaban na nasa mataas na baytang dahil sa edad nito at lawak na rin ng karanasan sa pagsali sa mga labanan.



Ngunit, salamat pa rin at nakuha nito ang ikatlong puwesto at malaki ang aming pasasalamat sa kanyang guro na si Mam Edelyn DueƱas na nagturo at nagbigay ng suporta sa kanya hanggang sa huli.




"Natutuwa kami sa iyong tagumpay Althea...ang mahalaga may bago ka na namang karanasan na magagamit mo sa susunod 
mong haharaping laban.
Kami ng iyong ina na si Meanne ay tunay na maligaya sa iyong tagumpay.
Muli, ang aming masayang pagbati!"