Translate

Showing posts with label Navotas Elementary School 1. Show all posts
Showing posts with label Navotas Elementary School 1. Show all posts

Sunday, September 6, 2020

An Essay writing contest: Wika Ng Kasaysayan, Kasaysayan Ng Wika

Congratulations Kirsten Althea A. Garabot
for winning 1st place essay writing contest! 

Althea is now a 6th grade student of Navotas Elementary School 1, NES-1 under the supervision of their class adviser Marilou T. Nava. 

Below is the copy of an essay submitted last Friday, ‎28th of ‎August ‎2020. 
           
Essay Title:
Ang pandemya, Ang problema, 
at Ang Solusyon!

    Pandemya, paano nga ba  nito binago ang buhay ng bawat isa? Marami sa atin ay nawalan ng hanapbuhay.  May mga negosyo ring tuluyang nagsara. May mga magulang na 'di alam kung paano na bubuhayin ang kanilang pamilya at ang pinakamalungkot sa lahat ay may nawalan ng kanilang mahal sa buhay. Dagdag pa dito, ang malaking pagbabago at hamon sa aming kabataan na 'di na makapaglaro at makapamuhay ng gaya ng dati na kahit ang sistema ng pagaaral nila ay tulayan na ring nabago.

    Sa mga pangyayaring ganito, tunay na nasusubok ang ating pagka-Pilipino. At bilang kabataan naisip ko tuloy, paano ba ako makakatulong? Bilang bata pwede akong tumulong kahit sa maliliit na bagay? Ang aking mungkahi, isa na dito ang pagsusuot ng face masks, face shields o kaya ay wag na lamang lumabas ng bahay. Sa paraang ito ay matutulungan natin ang mga frontliners na hindi na muling kumalat ang virus.

    Marami pang paraan para makatulong sa nararanasan nating pandemya.Tulad ng paggamit ng social media platforms gaya ng tiktok, facebook, instagram, youtube at marami pang iba. Halimbawa, ituturo ang wastong paghuhugas ng kamay sa isang awitin at ang pagsasayaw naman upang maituro ng wasto ang tamang pagsusuot ng face masks at face shields.

    Hindi man ako katulad ni Alden Richards na isang "Asia's Multi-media Artist na kinuhang ambassador ng DOH upang maging magandang ehemplo ng karamihan, meron naman akong social media platforms para gaya niya ay maipamahagi ko rin ang ilang magagandang suhestiyon para labanan ang pandemyang ito. Dahil sa pinapairal na quarantine saan man lugar sa Pilipinas at ibang bahagi ng mundo...isantabi na muna ang "travel goals" at sundin ang payo ng isang nagtrending na kanta ng tsinita princess na Kim Chiu na may pinamagatang, sabayan ninyo ako..."bawal lumabas. Oh bawal lumabas."

    Sa panahong ito mas lalo nating kailangang magtulungan. Dapat lahat tayo may pakialam. Maging mapagmatyag sa kung ano ang dapat sundin. Wag maging pasaway at sundin na lamang dahil ang lahat ng ito ay para naman sa ating kapakanan at kabutihan.

This year's theme is in accordance with the celebration of the "Buwan Ng Wika," (language month, August 2020). 

The topic is based on..."Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan Ng Wika, " 
Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan kontra Pandemya. 

Among many entries from the 5th and sixth grades...three student made it to the cut! 

3rd place goes to 
Shane Christine P. Gaso 
Grade 6, Einstein

2nd place is
Chloie Charmin Q. Bautista
Grade 6, Einstein

Each participants has to follow a strict  essay mechanics. 


✅ Participants are only open for students on 5th and sixth grades

✅ The essay should be written in 200-300 words only

✅ Should be hand-written in an intermediate paper

✅ Picture of an essay must be submitted via-messenger through the class adviser

✅ In recognition of this year's winner, each of them will be receiving certificates 

Along with essay criterias... 

Body or content                     45%
Adherence to the theme       30%
The word appropriateness 
                                                 25%
Total👉                                  100%

The announcement of winners was released on the 3rd of September 2020.

As part also of the celebration of "Buwan Ng Wika," (language month). 
Students of Navotas Elementary School 1, (NES-1), also opens other contests for lower grade levels. 


From Grade 1 and  Grade 2,  is a contest based on "Makalumang Awitin". 
While, Grade 3 and Grade 4 pupils are welcome to join from writing a slogan. 
Just like the essay writing contest mechanics, the students will submit their entries via messenger through their advisers. 
And will also receive certificates as a proof of their recognition. 

This year's honorable judge for an essay writing contest is Ms. Kathlene Ann Mercadejas, class adviser from Navotas Elementary Central. 

As mandated by the Department of Education (DepEd), under blended learning...teachers and students are not allowed to do a face to face interaction (a traditional classroom) set up to prevent the spread of the Corona-virus, COVID-19, pandemic. 



Tuesday, March 27, 2018

Althea's Recognition Day!






Three days ago, I posted a picture of my eldest daughter's HUMBLED achievement.
And it was stated there that in her class as this semester ends SY 2017-2018 she was recognized as student with honor.

And who wouldn't be so HAPPY with this achievement?
I think no PARENTS can HIDE and DENY that kind of FEELING.
This was because YOU know for a fact that the reason he/she STOOD OUT was because they STUDIED well.


BIG DAY



We were all geared up for the RECOGNITION DAY set on a HOLY MONDAY, 26th of March.
We have witnessed everything Althea practiced with the rest of her SCHOOLMATES who were told to receive SPECIAL SET of AWARDS and those who were RECOGNIZED as TOP on their respective grade levels and sections.

Althea even rehearsed for a SPECIAL NUMBER along with her CLASSMATES.
There was even a time, on the last day of her practice...she was vomiting.
I don't know we are not doctors to conclude that it happened because she was too stressed.





The NIGHT before recognition day unfolds Althea was telling us that she was too EXCITED.
We just told her to go to bed early for she has a BIG DAY coming the following day.


THERE'S A SURPRISE

We use to believed in every movie that there's always a HAPPY ENDING.
Who wouldn't want that?
But sometimes even though we knew what to EXPECT...there's this BEAUTIFUL TWIST that even making the STORY more EXCITING.


Althea together with her MOM (Meanne), lined-up with parents and students to.
But on their way going to the stage, Althea's TEACHER asked her to move at the back.
Some of my daughter's parents were wondering why? But they were teased with an answer...SECRET!

And there she was her name got mentioned but the SPIEL from the announcer was DIFFERENT from what was said in the practice.

AND IT SAYS...

ANNOUNCER: "Batang nagkamit ng mataas na karangalan...KIRSTEN ALTHEA GARABOT!

Honestly speaking, I was BUSY RECORDING it at that moment and that VERY PARTICULAR BOLD LINES which says "BATANG NAGKAMIT NG MATAAS NA KARANGALAN," just slipped my ATTENTION.

But AFTER it was ANNOUNCED...everything became SO CLEAR to me when my WIFE SHOWED me my daughter's CERTIFICATE INDICATING that ALTHEA just received an ACADEMIC EXCELLENT AWARD not just "WITH HONOR," but with "HIGH HONORS."




ALTHEA'S ACADEMIC EXCELLENT AWARDS

 Althea began receiving awards back in 2015, at the time she was just a KINDER she was recognized as 2nd HONOR.

Then came another year when she finally entered ELEMENTARY, she was FIRST HONOR, when she was GRADE ONE.

Followed by another year where ALTHEA also ACHIEVED and RANKED 1st again in their class.

This YEAR was another BLESSING we ARE ALL THANKFUL.


ALTHEA SAYS THANK YOU TO...

I believe that Althea got so many people she wanted to personally say THANK YOU too.

Number one, all her TEACHERS who never get TIRED of giving lessons to her everyday.



Secondly, she also draws inspiration to all her classmates who somehow sometimes (with or without intention) UNDER ESTIMATED her CAPACITY.
But at the time she's going HOME and narrating SAD stories about it, we just BOOST her MORALE.
But that's ONE GREAT characteristic of ALTHEA she knows how to focus on THINGS that MATTERS.

And ALTHEA never even FORGOTTEN to say thank you to people WHO WAS SO DEAR to her specifically her aunties and uncle and her GRANDPARENTS as well.

FINALLY, saying WARM THANK YOU to us her PARENTS.
She even made a CARD that has a VERY INSPIRING MESSAGE that actually came from the VERY BOTTOM of her HEART.

And giving EMPHASIS that..."IF IT WASN'T FOR US...THIS ACADEMIC ACHIEVEMENT WOULDN'T BE POSSIBLE!"




Just like the rest of the PARENTS/GUARDIANS out there WE are very PROUD of YOU!



____________________________

Althea's recognition day was held last 26th of March 2018 at Navotas Elementary School Central, San Jose Navotas City.












Sunday, August 20, 2017

Masining na Pagkukuwento: Ikatlong Karangalan sa Pansangay na Paligsahan




Sa pagkakawagi ni Althea sa nagdaang "Masining Na Pagkukuwento," sa buong
District 1 sa Navotas nitong ika-14 ng Agosto 2017, kung saan nakatunggali nito ang walo pang magkakaibang eskwelahan...nito namang nakaraang ika-18 ng parehong buwan at taon kailangan niya muling idepensa ang kanyang titulo sa mga nagwagi pang magaaral sa Pansangay na Paligsahan.

Mula naman sa 9 na kalahok, ngayon anim naman silang maghaharap-harap upang patunayan ang kanilang galing sa naturang paligsahan.



ANO ANG PINAGKAIBA NITO SA UNANG NAGANAP NA MASINING NA PAGKUKUWENTO?

Halos wala namang pinagkaiba...dahil isang libro pa rin ang ang kanilang babasahin mula sa maikling kuwento na pinamagatang..."Bakit matagal ang sundo ko? sa panulat ni Kristine Canon at guhit ni Mariano Ching.

Noon mas marami ang kailangang salaing mga kalahok dahil pinipili pa lamang ang mga mananalo sa bawat distrito sa lungsod ng Navotas partikular na sa unang Distrito nito. Ngunit ngayon, maghaharap ang mga nagwagi sa una, pangalawa at pangatlong puwesto ng pansangay na paligsahan mula sa una at pangalawang distrito ng lungsod.

Kaya mula sa siyam ngayon anim na lamang sila at bukod doon ibang mga hurado na titingin sa kanilang mga galaw, mas mabusisi, at mas partikular sa kanilang nais na makita.




ANO ANG BASEHAN NG MGA HURADO SA MAGWAWAGI?

Ang mga pagbabasehan ay parang hindi nalalayo naman sa naunang panuntunan.
Iba lamang ang bahagdan o puntos na inilagay para sa mga ito upang mabuo ang isangdaang bahagdan.
Dito tiningnan muli ang Audience Impact o reaksyon ng madla sa nagkukuwento, kaledad ng boses, kabihasaan sa piyesa, at damdaming taglay sa pagkukuwento.

Sa anim na naglaban-laban para sa titulo kabilang si Althea nagbunutan muna ang mga ito. Lumaban po si Althea taglay ang bilang numero tatlo.

Naging mabusisi ng husto ang mga hurado sa pagkakataong ito.
dahil nga pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang Agosto at may temang Filipino: Wikang Mapagbago, binigyang diin ang paggamit ng wikang Filipino.



May mga kalahok kasing hindi sinasadyang gumamit ng salitang "ingles," upang makuha ang partisipasyon ng mga manonood.
Pinuna rin ng mga hurado ang" haba ,"ng mga ginamit na salita kapag tumutugon ang mga manonood sa nagkukuwento.
Kapag madalas daw kasi ito at mahaba sa inaasahan maaring makaapekto ito sa kuwento at konsentrasyon ng taga-kuwento sa entablado.
At higit na binigyang diin pakikipagusap sa mga manonood o "eye to eye contact,' sa mga ito habang isinasagawa ang masining na pagkukuwento.





BINIGYANG DIIN DIN ANG MGA SUMUSUNOD


Sa ibang kategorya naman gaya ng sa "talumpatian," ipinaliwanag ng punong hurado na mas higit nitong pinupukaw hindi ang damdamin kundi ang isipan ng mga nakikinig kaya hindi nararapat na bawat bigkas ng salita dapat ay may katumbas na galaw.
Sa kabilang banda, sa "pagtula" naman ay damdamin ang siyang pinupukaw.
Bukod din sa pagbikas ng malinaw ng mga salita...mahalaga rin sa mga hurado ang pagbigkas ng mga ito ng tama.







MAHIGPIT ANG LABANAN...TUNGGALIAN NG MAHUHUSAY


Bagama't may iba't-bang istilo ang bawat kalahok, ito rin ang magiging basehan ng mga hurado kung sino ang karapat-dapat na magwagi.
Dahil nga pinalad si Althea na magwagi sa walo pang magaaral ng unang distrito sa baitang 3...kailangan niya itong idepensa o ipaglaban ngayon.



Kung mataas ang naunang "Expectation," o inaasahan sa kanya 'tila nadoble pa ito o higit pa.
Ngunit gaya ng lagi naming ipinapayo sa kanya..."Kung para sa iyo ito, ipagkakaloob sa'yo ng Diyos."

Hindi nakasama noon ang kanyang ina sa loob kung saan unang ginanap ang Masining na pagkukuwento...kaya naman nung masaksihan niya ito grabe daw ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa kaba.


SI ALTHEA SA KANYANG NAKAMIT NA TAGUMPAY


Nakamit ni Althea ang "ikatlong puwesto" sa "Masining Na Pagkukuwento" na lubos naming ikinararangal. Bagama't hindi nito nakuha ang pinakaunang puwesto na talaga namang kanyang ikinalungkot ipinaliwanag na lang namin bilang kanyang mga magulang na anuman ang kanyang nakamit ay isang napakalaking karangalan hindi lamang sa kanyang sarili, sa amin na kanyang pamilya ganundin sa eskwelahan kanyang buong tapang na ipinaglaban.



At naniniwala rin kaming ganito rin ang pakiramdan ng iba...isang malaking karangalan ang irepresinta ang kanilang kagalang-galang na mga paaralan.



Muli ang aming pagbati sa lahat ng naguwi ng karangalan at lumaban at higit sa lahat sa aming ALTHEA!


Ikinararangal ka namin Anak!


Tuesday, August 15, 2017

Si Althea sa kanyang Masining na Pagkukuwento





"At ang nagwagi para sa pinakamahusay na Masining na Pagkukuwento...Number 7!"

Pagkarinig namin ng anunsyong iyon galing sa tagapagsalita...pumanik na agad ang aking anak na si Althea sa entablado upang kunin ang igagawad na medalya at sertipiko sa kanya.

Yun kasi ang kanyang numero, pito. Dahil siya ang ikapitong kalahok sa siyam na mga magaaral sa ikatlong baitang na galing sa distrito ng iba't-ibang eskwelahan sa lungsod ng Navotas.

Ang akala namin ng asawa ko ay siya lamang ang aakyat...pero sinenyasan kami na pumanik din. 
Umakyat ako ng stage na puno ng galak higit sa lahat ang anak naming si Althea na siyang nagkamit ng titulong pinaglabanan ng araw na yun.





PAANO NAPILI SI ALTHEA AT ANG IBA PA...

Sumali noong nakaraang taon si Althea sa isang declamation sa paggunita ng "Buwan ng Wika,'  bagama't nakuha lamang nito ang ikatlong parangal noon...ito pala ang magiging daan para ngayong taon ay maging kinatawan siya ng paaralan.

Siya kasama pa ang iba pang pinagpipitaganang mga magaaral ng Navotas Elementary School 1 (NES1), ang magiging kinatawan ng paaralan sa iba't-ibang kategorya.

May makikipagtagisan ng galing sa "Spelling," o "Iispell mo," ganundin sa larangan ng "Masining na Pagtula," nariyan din ang "Masining na Talumpati," at ang kategorya naman ni Althea na..."Masining na Pagkukuwento."

Hindi biro ang tagisan ng galing na ito dahil kailangang lumaban ng bawat magaaral kasama ni Althea sa iba pang mga magaaral na mahuhusay rin gaya nila sa mga nabanggit na tunggaliang paglalabanan.





SA MISMONG TUNGGALIAN

Isang maagang call time ang itinakda ng araw na iyon 6:30 ng umaga sa mismong eskwelahan nito. Ang naturang labanan ay ginanap sa "Kapitbahayan Elementary School," sa Navotas rin.

Halos ika-siyam na ng umaga nagsimula ang palatuntunan at ang tema ngayong taon...Buwan ng Wika, "Filipino: Wikang Mapagpabago."

Nagkaroon muna ng maiiksing programa. Ngayon ko na lang muling nasaksihan ang kilalang Philippine Folk Dance na..."Pandanggo sa ilaw."



Inilatag rin ng tagapagsalita ang napagkasunduang ng mga hurado na basehan ng mga magkakatunggaling magaaral para sa naturang patimpalak.

Narito naman ang mga panuntunan sa Masining na Pagkukuwento sa kategorya kung saan lumahok si Althea.


MGA PANUNTUNAN...

Kaledad ng boses 25
Audience Impact 15
Kabihasaan sa piyesa 35
Damdamin sa pagkukuwento 25


MGA ESKWELAHANG LUMAHOK SA NATURANG PALIGSAHAN...

-Navotas Central Elementary School
-Bagumbayan Elementary School
-North Bay Blvd Elementary School, South
-North Bay Blvd Elementary School, North
-Dagat dagatan Elementary School
-Kapitbahayan Elementary School
-San Rafael Vicente Elementary School
-Bangkulasi Elementary School
at ang eskwelahan kung saan nagmula si Althea...
-Navotas Elementary School 1 (NES1)




ANG KAKAIBANG ISTILO NI ALTHEA SA PAGLALAHAD NG
MASINING NA PAGKUKUWENTO

Ako bilang kanyang Ama na nakasaksi ng kanyang Masining na Pagkukuwento ay namangha rin.
Hindi sa dahil iniisip kong hindi ito kaya ni Althea pero iba kasi ang ipinakita nito ng mismong patimpalak na.



Walang anumang kaba ito at ganadong-ganado.
Iniisip ko nga habang kinukunan ko siya ng video ay mauutal ito, makakalimutan ang kanyang linya, mabubulol o hihinto, pero talaga namang tuloy-tuloy siya.

Habang patuloy ito sa kanyang pagkukuwento narinig ko pa nga ang isang guro sa likurang bahagi na nagkumento..."Ang ganda ng boses niya!"

Nasaksihan ko rin na halos karamihan ng mga nasa loob ng maliit na malamig na kuwarto ay nagkaroon ng partisipasyon.

May bahagi kasi sa unang pagkukuwento ni Althea na hiningan nito ng kasunduan ang mga nasa loob, na sa tuwing maririnig at bibigkasin nito ang katagang..."SIGURO," sasagot ang mga ito ng...
"PAPARAPAPAPA, PARATING NA YUN!"

Ginamit din ni Althea ang animo'y malaking entablado at nagawang paliitin ito dahil sa iba't- ibang galaw habang naglalahad siya ng kuwento.
Malinaw ang kanyang boses at nabigyan ng tamang emosyon ang bawat pangyayari habang naglalahad ng kuwento...bagay na sa tingin ko nagpaangat sa kanya sa iba.

Nang matapos ito, walang anumang palakpak na narinig pero ramdam mo sa mga hurado at mga manonood ang pagkagiliw sa kanya.

Naghintay kami ng anunsyo. Halos alas-tres na ng hapon ng ihayag ang mga nagwagi.






MGA SAKRIPISYO NI ALTHEA


Kagaya ng lumang kasabihan na..."Kung walang tiyaga, walang nilaga," ganitong-ganito ang ginawa ni Althea para makamit ang kanyang tagumpay.

Maagang ibinigay ang babasahing kuwento sa kanya na pinamagatang..."Bakit matagal ang sundo ko? sa panulat ni Kristine Canon at guhit ni Mariano Ching. 

Madalas nga kapag bumibisita kami sa bookstore, pupunta ito sa lugar kung saan naroon ang mga libro at magbabasa.
Hindi ko alam pero tila alam nito ang lugar kung saan nakalagay ang babasahing ito.

Bago pa sila halos araw-araw na magsanay pagkatapos ng klase nito nung papalapit na ang naturang kumpetisyon, nageensayo na rin ito sa bahay.
At pagkatapos ng pagsasanay nito makikita mo ang hapong-hapo nitong katawan na agad na hahanapin ang kanyang higaan upang ipahinga ang lupaypay na katawan.

Nakatutok ng husto sa kanya ang kanyang guro na si Ginang Marcelino. Bukod pa dito ang pagsasanay na ginagawa nito sa bahay, ensayo sa harap ng kanyang Lolo Bert at kung kani-kanino pa.


Hindi man ako nakatutok ng husto sa kanya ngayon...ito naman ang bahaging tunay namang tinayaga ng aking asawa, ang kanyang ina na si Meanne.
Naghahatid sa kanya sa school, nagluluto at nagdadala ng pagkain dito at siyang tutok rin at punong-puno ng gabay sa pagsasanay ni Althea sa araw-araw.



Sa sobrang hirap at pagod nagkaroon na ito ng sugat sa katawan. Lumalabas kasi ang mga ito kapag ibinibigay niya ang higit pa sa isangdaang porsyento ng kanyang lakas.

Naaawa kami bilang magulang nito, pero nakikita naman namin ang buo niya determinasyon at pagmamahal sa kanyang ginagawa kaya kami naman ay patuloy ang pagbibigay ng suporta sa kanya.


Alam namin na hindi pa ito ang huling kumpetisyon na lalahukan niya dahil may paghahanda na naman itong kailangang gawin para sa nalalapit na "Division Contest," sa darating na Biyernes.

Lagi lamang kaming naririto at gagawa lagi ng paraan para masaksihan ang anumang pagtatanghal na iyong gagawin.

Ikinararangal ka namin Althea!






Friday, March 10, 2017

Little Miss Ecosaver 2017!


Althea with her trophy as
2nd Place winner Little Ms. Ecosaver 2017,

March 3, 2017 (Friday)
Navotas Elementary School 1, Navotas City. 

It was always every girls dream to join a beauty contest and won the title.
And many of them like my daughter is really following this trail.

I must say, that joining a pageant similar to the recent one was not her first time.
Prior to the Ecosaver contest she joined and luckily won the title of "Mini-Me, a look-alike," pageant in the same school way back 2015.

Althea also got to ramp like a real model year 2014 when she was chosen to model a summer outfit of one popular kid brand in Shangri-la Plaza in Mandaluyong.

You might began to wonder how come Althea chooses this kind of path?
Althea's influences actually began when she recognizes "Barbie."
She watches every film about it, and began imitating and dreaming to become a successful one like her idol.
Like "Barbie," Althea can sing and can dance. But I and her mom believed that this was really a God-given talent for her that was enhanced as year goes by.


THE STORY BEHIND HER PARTICIPATION

Aside from her teacher's idea that they want Althea to represent their section's level...the remaining many more percentage of encouragement was really coming from us plus more to Althea herself.

We talked about it many times at home that if ever we will join that means our "TIME," and our "MONEY," will be put to it.

But since, we have seen how willing Althea was at the time...we let her participate.
And we also think as parents that pageant will give her the very opportunity to open her knowledge more on it, for experience purposes.

But really, it was her very hard working Mom (my wife Meanne), who's been with her all-the time.
And that is not just "figuratively," speaking but meant "literally."

From material research for her costume, scouting where to find it, traveling here and there, looking for a tailoring shop, personally designing her dress, accessorizing it, everything from hair down to the shoes Althea will be wearing for the pageant.

My wife even stayed late many nights sometimes until 5 in the morning fixing and preparing anything and everything Althea's needs before the pageant approaches.
So, I really salute and admire my wife for all her hard work.

While on the other side, Althea practiced her song piece over and over again.
But even at the time you see her really tired...Althea don't give up, she was really determined to finish polishing everything up to the last drop of her energy.
One good trait that I really admire about her.

As the day of the pageant unfolds, Althea surprisingly received two minor awards...
"Miss Ecosaver Photogenic," AND "Best in Modeling!"







We were all very HAPPY about it...that she was able to rose from other contenders.
And even with those awards presented to her...we felt that Althea at the time was a winner.

After that we do not expect anything more...for we know that her standing at "SLAM JUNK," was really far from the rest of the candidates.
The student or candidate who will sell the highest junk will have more edge on winning the contest.

But come the announcement of the major awards Althea's name were called as "3rd Place!"

We were all happy at the time, but wait there's more after a few more minutes a special announcement was made again.
But this time, telling everyone especially candidates that there was a mistake in the announcement of runners-up.

With Althea in her so called "mistakenly," 3rd Place winner
Eventually Althea hold the title of "2nd Place for Little Ms Ecosaver 2017," and that for all of us was a real blessing from God.

Althea with other candidates winners of major awards, Little Mr. and Ms. Ecosaver 2017
We would like to thank her beloved teacher Mam Dueñas for supporting Althea and of course her classmates as well. Along with her former teacher Mam Dianne.

Althea with Mam Dueñas and Mam Dianne

With Althea's Grade 2 Diamond Classmates in their wackier posing 

More of them with Althea
We concluded that joining wasn't easy,
we told Althea not to join anymore. And that give her other classmates a chance to also showcase their talents.
But let's see, because when she's happy...the set rules and earlier agreements will be forgotten.

Again, Congratulations Althea!

To God Be The Glory.



--------------------
The pagent took place March 3, 2017 Friday, at Navotas Elementary School 1, Navotas City. Philippines.















Thursday, September 1, 2016

Ang kuwento ni Filemon Mamon sa paglalahad ni Althea




Agosto na naman...ibig sabihin buwan na naman ng wika.
Sa mga paaralan saan mang bahagi ng Pilipinas...hindi mawawala ang talumpatian.
Pinalad na mapili si Althea, ang aming panganay na anak upang magbasa ng isang maikling kuwento.

Sa naturang patimpalak, tiningnan kung mahusay siyang makapagbabasa, at papakinggan ng mga mga magaaral na nanonood at higit lalo't sa mga huradong guro.

Hindi ito ang unang beses ni Althea sa paglahok sa mga paligsahan. Ngunit noong nakaraang taon, nakasali at nanalo ito sa isang tula.

Ngayon nagkaroon siya ng pagkakataon na magbasa ng kuwento tungkol sa isang matabang bata na ang pangalan ay si "Filemon Mamon."



Bilang paghahanda para sa kumpetisyon, ilang araw din siyang nagsanay. Bukod ang ginagawang pagsasanay niya sa eskwelahan kasama ang kanyang guro at maging sa aming tahanan kapiling naman ang kanyang ina.
Nagkaroon din naman ako ng pagkakataon na marinig ang kanyang pagbabasa, at nagbigay din ng ilang suhestyon kung pano higit na mapabubuti pa ito.

Tinuruan namin siya ng tamang pagbaybay at pagbigkas ng mga salita, kasama rin ang ilang mga kaaya-ayang galaw upang aliwin at makuha ang atensyon ng mga manonood na magaaral at mga huradong guro.

Hindi gaya ng mga nagdaang patimpalak, walang malaking manonood na nakinig. Ginawa lamang kasi ito sa isang klasrom.
Medyo iba ngayon, hindi lamang galing sa iisang baytang ang mga magtutunggalian, sa madaling salita, makakalaban rin niya ang iba pang mga magaaral sa ikatlo at ikaapat na baytang ng naturang eskwelahan.

Naging basehan ng mga hurado ang mga sumusunod sa pagpili ng magwawagi...

Mga Pamantayan sa Pagkukuwento

Paraan ng Pagkukuwento 35%
Kalidad ng tinig 25%
Pagbibigay kahulugan 30%
Dating sa madla 10%
Kabuuan 100%

Sa kabuuan, may siyam na kalahok na nagtunggalian.
May mga kani-kaniyang paraan ng pagku-kuwento.
May mahina at halos hindi marinig ang boses, may ubod ng lakas, mayroon ding isinama ang mga manonood sa pagkukuwento, ang iba nama'y kinabisado ang buong kuwento, may umawit din at sumayaw upang makuha ang atensyon ng mga hurado at nakikinig.

Bagama't may iba't-iba silang istilo, si Althea naman ay gumamit ng mga visual aids sa kanyang kuwento gaya ng larawan ni Santa Klaus, Andres Bonifacio, Prayle, mga ulam na gaya ng adobo at lechong paksiw, mga junk food at softdrinks at siyempre ang bida sa kuwento na si ..."Filemon Mamon!"



Siyempre, bukod sa mga guro na nagorganisa ng patimpalak, naroon din ang mga magulang na todo ang suporta sa kanilang mga anak.




Pero papahuli ba naman kami, kami ang ilan sa mga magulang ng mga batang naniniwala na ang presensiya namin sa naturang tunggalian ay makakatulong ng malaki upang palakasin ang loob ng aming anak.



Matapos marinig ang lahat ng mga magaaral, dumating na ang paghahatol.
Nakakatutuwa na pinalad na makuha ng aming anak na si Althea ang ikatlong puwesto, samantalang nagwagi naman ang isang katunggali na galing sa ikaapat na baytang, at ang pangalawang puwesto ay nakuha naman ng ikatlong baytang na magaaral.
Bagama't nalungkot si Althea na hindi nito nakuha ang unang parangal, sinabi na lang namin na mayroon pa namang susunod.
Hindi kasi nito maitago ang pakiramdam na sa mga nagdaang sinalihang kumpetisyon lagi nitong inuuwi ang unang parangal.



Pero bilang magulang naunawaan din namin siya.
Ang sa amin din kasi, marahil mas mainam kung magkakaparehong baytang ang nagtunggalian sa pagbabasa ng kuwento.
Dahil sa totoo lamang po, tunay na makakakuha ng lamang o puntos ang lalaban na nasa mataas na baytang dahil sa edad nito at lawak na rin ng karanasan sa pagsali sa mga labanan.



Ngunit, salamat pa rin at nakuha nito ang ikatlong puwesto at malaki ang aming pasasalamat sa kanyang guro na si Mam Edelyn Dueñas na nagturo at nagbigay ng suporta sa kanya hanggang sa huli.




"Natutuwa kami sa iyong tagumpay Althea...ang mahalaga may bago ka na namang karanasan na magagamit mo sa susunod 
mong haharaping laban.
Kami ng iyong ina na si Meanne ay tunay na maligaya sa iyong tagumpay.
Muli, ang aming masayang pagbati!"