Translate

Monday, October 9, 2017

Althea sa Science Quizbee




Heto naman siya pagkatapos ng isang nakakapagod at ubos lakas na paligsahan sa "Masining na Pagkukuwento," pagkalipas pa lang yata ng isa o dalawang linggo sumabak na naman ito sa isa na namang panibagong laban.


Matatandaang nagwagi si Althea ng unang gantimpala ng lumaban ito sa "Masining na Pagkukuwento sa District level 1 ng buong Navotas".
At naitanghal at nakuha naman ang ikatlong puwesto noong lumaban naman ito sa Division level sa parehong paligsahan.



Kung noon sa maayos na pagbabasa siya at pagkukuwento hahatulan...ngayon aalamin naman ang talas ng kanyang isipin sa isang "Quizbee sa Science."


PAANO BA ITO NAPASAMA?



Naging basehan nila ang nagdaang pagsusulit sa kanilang paaralan kung saan si Althea ay muling nanguna rito.
May isa pa nga itong kaklaseng lalaki na pabirong sinabing "Si Althea na naman, 'di bale sa math babawi ako."






At gaya ng mga nagdaang paligsahan, kailangan muling maglaan ni Althea ng oras at panahon para rito.
Isang linggo bago ang naturang quizbee, kailangan muli nitong maglaan ng isa pang oras para sa kanilang review. Kung ang iba nitong mga kaklase ay uuwi na para mananghaliaan at magpahinga siya ay maiiwan sa kanilang eskwelahan upang maghintay ng oras ng rebyu nito.

Dinadalhan na lamang ito ng pagkain at susunduin pagkatapos.


ANG ARAW NG PALIGSAHAN

Lahat ng pwedeng magamit na kailangang rebyuhin ay binasa at pinagaralan ni Althea.
Ang aking bahagi dito bilang ama niya ay i-print ang mga naturang reviewer na may kinalaman sa paligasahan na haharapin nito.
Samantalang ang kanyang Ina ay nakatutok naman sa kanya sa pagaaral at pagbabasa kasama ng pagmememorya ng napiling subject na paglalabanan.

Isang pamilyar na lugar muli idinaos ang quizbee sa "Kapitbahayan Elementary School."
At bukod doon tila ilang mga pamilyar na mukha rin ang muli niya haharapin sa laban.
Sa katunayan yung nanalo sa District level para sa Masining na Pagkukuwento ay muli nitong nakatapat sa naturang paligsahan.
Naisip ko tuloy... "grabe ang mga batang ito...ayaw magaral."


PINALAD PO SI ALTHEA NA MAIUWI ANG IKA-ANIM NA PUWESTO





Halos inabot din hanggang alas-tres ng hapon ang naturang paligsahan pero naiparating na sa amin na kanyang mga magulang na si Althea ay nasa Ika-anim na puwesto bago mag-alas dos ng hapon.

Nakakatuwa kasi labing-anim na eskwelahan ang kasama nitong nag-exam.
Bagama't hindi namin batid ang nakuhang score ng iba pang nanalo...ang alam namin may kabuuang 23 puntos ang nasa unang puwesto at maswerte namang nakakuha ng kabuuang score na 17 si Althea.

Ibinase ang nakuhang kabuuang puntos sa bawat tamang sagot. Bahagi ng pagsusulit ang iba't-ibang level gaya ng  "Easy," "Average," at "Difficult."

Maraming salamat muli sa mga nanalig at nagtiwala sa kanya.
Sa kanyang butihing guro sa Science na si Ms. Nikki Del Valle.
At sa aking Misis na si Meanne, na ina ni Althea na siyang gumabay at tumutok sa kanya.
Sa kanyang eskwelahan salamat at maging sa Lola nito na si Aling Tessie at higit sa lahat sa poong maykapal.

----------------------
Ang naturang paligsahan ay ginanap nitong buwang ng Oktubre, petsa a siyete sa Kapitbahayan Elementary School sa Navotas.
Si Althea ay representative naman ng kanyang eskwelahan sa Navotas Elementary School 1, Baitang 3, pangkat 1.

No comments:

Post a Comment