Translate

Wednesday, October 11, 2017

MRT 3...HERE WE GO AGAIN!!!




Pagbaba ko ng North Avenue mga around 8:50 ng umaga normal naman...wala ngang pila sa ibaba.
Indication kasi yun na smooth naman ang flow o takbo ng train.
Na-hold man ako sandali kagaya ng iba dahil may pila na paakyat ng North Ave. Station after 10 minutes siguro the lines started to move and it has moved.

TECHNICAL PROBLEM!

Binabaybay na namin yung way going to Ortigas na walang anu-ano huminto siya then next ng nawala yung kuryente and then came in the announcement nga na mayroon nga daw "Technical Problem."

Pero naalala ko bago pa man kami huminto sa halos gitna o gitna, basta patungong Ortigas Station, nag-stopped na rin siya on our way to "Santolan Station." Pero since gumalaw nga siya we all thought na minor problem lang at maaayos din...well naayos naman.

Kaya lang yung paghinto namin going sa Ortigas Station, halos tumagal na siya ng 20minutes.
I even remembered yung driver announcing na kailangan lang siyang pumunta sa kabilang dulo ng train to fix something.



Pero yung 5 minutes naging 10 and more. Naramdaman kong tumutulo na ang pawis ko sa noo at naririnig ko na rin ang maraming pasahero na dumadaing dahil naiinitan na sila. May dalawang babaeng estudyante pa nga na nagpalipat malapit sa bintana ng train para lang makasagap ng hangin.
Pero kahit nakabukas na siya...sa dami ng TAO talagang kakapusin ka ng hangin.
Ako nga mismo halos nagsisimula na ring makaramdam ng sophocation...pero nagpakaalisto ako at hindi na gumawa pa ng mga unnecessary movements para hindi ako magpawis lalo at kapusin ng hangin.

And then mga past 10am na yun, nag-announced na yung driver na ibababa na niyang lahat ng pasahero ng train sa Ortigas kasi nga hindi na daw kayang magbiyahe talaga.

It was again a very DISSAPOINTING moment for the MRT3...lagi na lang ganyan.
Pero ano pa nga bang magagawa ko at ng lahat ng commuters...MAGTIIS at MAGALIT!

Maliit lang naman na abala ang nagawa niya...naLATE ako sa trabaho ng 30minutes at umaga pa lang naramdaman ko na ang STRESS hindi pa ko nagsisimula sa work ha.

But you know when I came at the office despite the hindrances from the morning travel going to work...I never knew that I will be getting goodnews and a very remarkable achievements today.


WHAT I HAVE ACCOMPLISHED TODAY





Just when I thought that I wouldn't be able to undergo our scheduled annual physical examination at the office earlier sa maniwala kayo o hindi natapos ko yung walong steps that I have to go through.

Bonus pa yung perfect pa rin ang result vision ko na 20/20 tapos I was able to submit my stool and urine sample that day. Yun ang maganda sa akin walang pili-pili ang aking puwet pagdating sa pagdumi. He he!

Hindi rin masakit yung needle at the time of the blood extraction. Takot po ako dun sa totoo lang pero parang wala lang yung kanina. Mahusay yung nurse na babae na kumuha ng dugo.

And from last year, naalala ko halos ilang araw sa katawan ko yung bakat ng suction para sa ECG pero ngayon wala talaga...UNBELIEVABLE!




And lastly, yung dream ko na mapasama sa marathon na magaganap week after this week...JUST GOT LUCKY pasok po ako at umabot sa Pang 10!

Nakakatuwa yun kasi yung mapasok ka dun sa 10 only means FREE ka sa babayaran para makalahok sa marathon. Sa totoo lang na-miss ko talaga ang pagtakbo pero hindi ko alam kung kaya ko pa po yung 5 kilometer run. Siguro I need to do some preparations para sa mismong araw na tatakbo ako ay nasa kondisyon naman ako.

At the end of the day ngayon...
naniniwala na ako na kahit gano man kasama ang mangyari sayo that day...may maganda at maganda pa ring ending o surpresa sa huli!


No comments:

Post a Comment