Isa, isang beses kong sinabi na hinding-hindi ako
manonood ng pelikulang yan.
Bakit ang daming nanonood maganda ba yan?
Dalawa, dalawang beses akong nakatulog habang pinapanood
ko siya. Pagod kasi ako galing sa work.
Tatlo, tatlong beses ko siyang paulit-ulit na pinanood
upang makagawa ng magandang blog kasi nga maganda ang pagkakagawa ng pelikula.
DISCLAIMER: Hindi ko kayang mag-enumerate ng mula isa
hanggang sampung dahilan gaya ni Lea at Tonyo...masyadong marami at mahaba. Ha ha
ha!
BAKIT DAPAT PANOORIN
MO ANG PELIKULA?
Kung hindi ka pa nakakarating o nakakabiyahe papuntang
Japan iminumungkahi ko na panoorin ito.
Dahil nga isang “Tourist
Guide,” si Lea ang isa sa mga bida (dalawa lang pala sila ditong
pangunahing aktor, yung isa si Tonyo), iiikot niya kayo sa mga tourist spots doon.
Gaya ng “OTARU
CANAL,” na kung saan unang nag”DATE,” ang dalawa.
Nandiyan din ang “SASHIME
STREET,” na pabirong binanggit ni Tonyo sa pelikula na kung saan sinabi
naman ni Lea na ang tamang pangalan ng lugar ay “FUSHIMI-INARI SHRINE.”
Nakita rin natin na binisita ng dalawa ang “MOUNT MOIWA OBSERVATION DECK,” na
matatagpuan din naman pala sa SAPORRO
CITY. Dito nakitang nagkalembang ng kampana o “bell,” ang dalawa. Kasama
rin ng isa pang eksena kung saan gumamit sila ng “LOVE PADLOCKS.”
Ang “ODORI PARK,”
ay ginamit ring lokasyon sa pelikula dito matatandaang hinintay ni Lea ang
kasalukuyang “fiancee’,” niyang si Novu.
At ang “MOERENUMA
PARK,” na nasa “HIGASHI-KU, SAPORRO,” kung
saan makikita ang glass pyramid na dinisenyo ng Japanese-American artist and
landscape Architect na si Isamu Noguchi.
Yung lugar naman kung saan maraming makukulay na bulaklak ay
nasa “BIEI,” (Kamikawa) na sa
Hokkaido rin sa Japan. Pero yung mismong lugar ay kilala sa tawag na...”SHIKISAI HILL,” isang malawak na park
na may iba’t-ibang kulay ng mga bulaklak na tanim gaya ng yellow Sunflowers at
marami pang iba.
Maging ang lugar kung saan matatagpuan ang pinakamataas na
bundok sa HOKKAIDO, ang...”MOUNT ASAHI (HIGASHIKAWA) ay
makikita mo rin sa pelikula kapag binisita mo ang “DAISETSUZAN NATIONAL PARK.”
At ang resort kung saan nagbabad ng mga paa si Lea at si
Tonyo ay sa “ASAHIDAKE ONSEN, isang
maliit na hot spring at Japanese public bath na kung tawagin ay “ASHIYU!”
HITIK ANG PELIKULA SA
MAGAGANDA AT NAKAKATAWANG LINYA
“Kung saan ka man
wag ka ng magpapakita sa ‘kin. ‘Wag ka ng magpaparinig sa akin.”-LEA
“Ano mga
plants...kaya ninyo pa bang maging plants? Papunta na kasi kayo sa Zombies.”
–TONYO
“Mas matangkad ba
ko sayo? –LEA
Huwag kang maingay
sayo ko lang sasabihin ‘to...hindi pa kasi ako tuli.” –TONYO
“Hindi mo siya
kailangang makita, parang sa CR yun pag-jingle mo yung huling patak...kikiligin
ka.” –TONYO
“Ewan ko feeling
ko ang tagal tagal na nating magkakilala.”-LEA
Oo. Ay Oo
magdadalawang liggo na di ba? –TONYO
“Humuling ka kaya
dito sa Sashimi Street. “-TONYO
“Fushimi-Inari
Shrine!”-LEA
“Nagluto ako ng
adobo at saka lumpiang hubad.”-TONYO
MATUTO NG ILANG
LENGWAHENG HAPONES
Kung gusto mong sabihin ang salitang “See you later,”
Bigkasin lang ang salitang “Ja ne.”
At matutong magpasalamat sa kanilang wika sa pagsasabi
ng...”Arigato Guzaimaso.”
At kung ikaw naman ay talagang palabati simulan ang
pagsasabi sayong mga makakasalubong ng...”Konichiwa,”
o “Hello!”
Ilan ito sa mga binigkas na linya na madaling intindihin
kasabay ng mga simpleng galaw na kasama sa pagbigkas ng mga ito.
Bagamat may mga salitang madaling maintindihan, marami
rin namang mga salita sa wikang hapon na mahirap talagang maintindihan. Kagaya ng usapang naganap sa pagitan ng
dalawang hapones habang itinotour sila ni Lea.
Maging yung eksena kung saan kinakausap ni Lea yung bata
sa park ay nangangailangan din ng translation.
At ang paguusap ni Novu at Lea habang pinapanood sila ni
Tonyo mula sa malayo.
ANG MALALAPIT NA
KUHA
Angkop na angkop ang mga piniling kuha tuwing magkakaroon
ng eksena si Lea at Tonyo...malapitan upang madama higit sa lahat ang nabubuong
relasyon ng dalawa.
Bagama’t maganda ang lokasyon ng bawat lugar higit na
binigyang pansin ang malapitang galaw ng mga aktor kung saan nagkakaroon ng pagkakataon ang mga manonood na mapasok
ang saloobin at damdamin ng karakter na ginagampanan ng dalawa kaya naman
naka-relate ng husto ang mga manonood.
Hindi gaya ng ibang mga pelikulang ginawa na marami ang
mga karakter...ang pelikulang ito ay nakatuon lamang sa bidang si Lea at Tonyo.
ISTILO NGPELIKULA
UPANG MAGKUWENTO
Magkadikit ang kasalukuyan at nakaraan bagay na
nakakatulong upang mabilis na maintindihan ng mga manonood ang pelikula.
Gumamit ng numero mula isa hanggang sampu upang ilarawan
ang bawat nararamdaman at nakalipas na karanasan.
Pareho ng istilo si Lea sa pagpapakita ng galit sa nooy
dating nobyo na niloko siya at sa kabilang banda naman si Tonyo sa paglalarawan
kung paano namukadkad ang kanyang pagibig sa noo’y tinatanging si Lea kasama ng
mga naging nakarang karanasan nito.
Sa pelikula ipinakita rin na hindi pala si Tonyo ang
unang nakakita kay Lea kundi si Lea pala ang naunang nakakita kay Tonyo. Bagay
na malinaw na naikuwento sa pelikula.
MGA DI
MALILIMUTANG EKSENA
Nangunguna diyan yung pumasyal si Tonyo at Lea sakay ng
isang bangka sa OTARU CANAL.
Simple lang yung eksena magkatabi sila tapos para
makapagkuwento ng istorya at makita ang nabubuong relasyo ng dalawa...pinutol
putol ng eksena kung saan naguusap lamang sila, simple pero romantic at tunay
na nakakatawa.
Si Lea ng tunguhin nito ang bahay ng noo’y yumaong si
Tonyo at nakita at binasa ang sulat na iniwan sa kanya. Ang sulat ay naglalaman
ng mga bagay na hindi pa alam ni Lea tungkol sa kanya.
At ang huling bahagi kung saan kukurot sa iyong puso ang
eksena kung saan binalikan lahat ni Lea ang mga lugar na kanilang pinuntahan ni
Tonyo noong nabubuhay pa ito. Pero upang malinaw na mabalikan ang nakaraan
gumamit ito ng panyo upang piringan ang kanyang mga mata.
Ang eksenang ito ay lalo pang pinag-alab ng awitin o OST
ng pelikula na “Two Less Lonely People
in the world,” na bersyon naman ni KZ
Tandingan.