Translate

Monday, May 14, 2018

Barangay Election na...BUMOTO ka na ba?




Ilang beses ding napostpone ang eleksyong ito...finally we are now pushing for it and nangyayari na.
So I expect with that very LONG time given, handang-handa na silang lahat para hindi lang MAIHALAL kundi MAKAPALINGKOD sa BAYAN!



Pinili kong magtungo sa eskwelahan kung saan ako bumoto ng tirik na ang araw, umaga sana pero 'tila napahimbing ako sa pagkakatulog.

Muli na naman akong bumalik sa aking Paaralan kong saan ako nagtapos ng elemetarya ang "Daanghari Elementary School," sa lungsod namin sa Navotas. 
Ikukuwento ko lang po ng konti na malayong-malayo na ito sa eskwelahang aking kinamulatan noon pang 1986. Ang tagal na po kasi...at mula noon, ngayon ay may makikita ka ng pagbabago dahil may mga bago ng building, at makikita mong inaalagaan ito dahil parang tila ang itsura'y parang laging bagong pintura.

Bago nito, dumaan muna ako sa aking Ina upang kamustahin ito kung siya ba ay bumoto na at saka tumungo doon. Mula sa aking Ina nalaman kung saan kami presinto nabibilang para makaboto.



Dahil nga batid ko na kung saan ako magtutungo, diretso na ako sa building na binanggit niya. Pero para makasiguro hinanap ko pa rin ang aking pangalan sa mga listahang nakapaskil sa pasilyo at pintuan ng bawat silid-aralan na naroroon.
Mahirap pala yung ganoong proseso, kasi nga literal na titingin ka sa mga listahan.
Medyo natagalan ako doon hanggang sa may nakapansin sa akin na mga Election Officers at nagmungkahi na maaari akong magpa-assist sa COMELEC, ibigay lamang ang aking pangalan at madali ko ng mahahanap kung ano bang presinto ako nakatalaga.

Hindi ko naman napansin ito sa aking pagpasok, dahil hindi naman sila nakabungad sa gate ng eskwelahan nasa gilid pala sila nakapuwesto. Nagtanong sila ng aking pangalan at sinabing isulat ko ito sa isang papel, pero ibinigay ko na lang ang aking SSS Id para mapadali ang proseso.
Maya-maya pa ay iniabot na sa akin ang listahan na may nakalagay na Pangalan ko, PRECINT NO., CLUSTER NO., at DES BLDG.

Kaya po pala hindi ko matunton ay dahil sa mali pong building ako nagtungo. Kaya ang mainam na gawin lumapit po tayo sa mga OTORISADONG tao na tutulong sa atin para mapadali ang paghahanap sa ating mga pangalan.

Nakaakyat na po ako sa building kung saan ako nakatalaga para bumoto at doon ko nakita hindi lamang ang pangalan ko and naroon kundi maging ang mga pangalan ng buong pamilya ko na REHISTRADONG bumoto.

Matapos po akong pumirma iniabot na sa akin ang ELECTION BALLOT na walang nakasulat na anuman. Pero nakapagtatakang bago ako magtungo sa upuan kung saan ako maglalagay ng mga PANGALAN ng mga IBOBOTO ko ay NILAGYAN na agad ng INDELIBLE INK ang aking daliri.
Nakapagtataka ano? dahil dapat ay inilalagay ito MATAPOS kang bumoto at hindi BAGO KA PA BUMOTO.

Hindi ako nagtanong bagkus ay nagpatuloy. Nag-OOBSERBA rin ako upang malaman kung nagagawa ba ng tama ang PROCEDURE ng mga ELECTION OFFICERS kapag boboto at ang mga botante.

Ang sabi ng aking Ina, nangyayari o ginagawa daw ito kasi nga yung iba pagkatapos bumoto ay hindi nagpapalagay ng INDELIBLE ink kaya upang MASIGURO na hindi na uulit ang mga ito para bomoto pa...nilalagyan na sila ng mga indelible ink.


Bago pa man ang itinakdang araw ng ELEKSYON marami ng mga SK at mga KAGAWAD ng nagiikot-ikot upang IKAMPANYA ang kanilang mga sarili.
Pero ito po ang karaniwang OBSERBASYON na akin pong nakita na madalas ay sasabihin lamang o ipakikilala lamang nila ang kanilang mga sarili at madalas NAKAKALIMUTANG banggitin ang kanilang mga PLANO kapag sila ay NAIHALAL na.

Isa lang naman ang gusto ng mga MAMAMAYAN ang MAPABUTI ang PAMUMUNO sa kanilang mga BARANGAY. Dahil lahat naman tayo ay nais ng PAGBABAGO kaya nga may ELEKSYON para tuluyan na itong MAISAKATUPARAN.

Mali po na boboto tayo para lamang masabing nakaboto na tayo. Dapat po ang PANGUNAHIN nating LAYUNIN ay MAIHALAL ang mga NARARAPAT na MAGLINGKOD sa BAYAN.

Sa mga MAGWAWAGI sana naman po PATUNAYAN natin na may MAGAGAWA tayo para MABAGO ang mga MALI at MATUTULUNGAN natin ang ating mga nasasakupan sa ating mga BARANGAY.

Babalikan po namin kayo upang alamin kung GINAWA nga po ninyo ang inyong SINUMPAANG TUNGKULIN dahil ito po ang TUNAY na DAHILAN kung bakit kayo NAHALAL. 





No comments:

Post a Comment