|
The Super Parental Guidance From: starcinema.abs-cbn.com |
Binulaga tayo ng isang pambungad na eksena kung saan sa isang slum area ay may dalawang grupo ng gang na nagtutunggali.
Ang isang grupo ay kinabibilangan ni Coco Martin, "Paco," sa naturang pelikula.
Hampasan ng baseball bat, sipaan, suntukan, tulakan, paggamit ng sumpak, at ang kapansin-pansin na paghahagis ng isang bagay na sumasabog.
Isang maaksyong simula, ngunit nakababahala dahil marahas ang makikita sa eksena 'di angkop sa mga batang manonood.
Ganunpaman, isang kamangha-manghang eksekyusyon mula sa direktor na si Bb. Joyce Bernal.
Kahanga-hanga dahil hindi naman ito ang nakagisnang tema ng pelikulang dinedirehe nito.
Matatandaang kilalala si Bb. Joyce Bernal sa mga pelikulang umiikot ang istorya sa pagibig, magaan, nakakakilig...pero sa kanyang panimula kabigla-bigla, kahanga-hanga.
MENSAHENG DALA NG PELIKULA
Sa isang malinaw na teaser ng pelikula ang tema nito ay isang "Komedya," pero napakahusay ng pelikula sa pagbibigay ng mensahe sa kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan.
Bagamat't itinago ang pagatake sa kasalukuyang suliranin ng lipunan sa pamamagitan ng isang sindikatong pumapatay ng walang dahilan.
Harap-harapan naman nitong binubuksan ang isipan ng karamihan sa nagaganap na "Extra-Judicial Killings," sa ating bansa.
Ang pelikula ay hindi bunga lamang ng isang masining na pagsusulat...behikulo ito upang maghatid ng isang mensahe sa karamihan.
Bagay na pinagtagumpayan ng pelikula.
MGA HINDI MALILIMUTANG EKSENA
Sa kabilang banda, bagama't tanyag ang pangunahing artista nito na si Vice Ganda sa komedya, sa isang mainam na direksyon naramdaman nating matakot sa eksena ng pagpapakita ni "Matet De Leon," na humihingi ng hustisya sa pagkamatay nito.
Maihahalintulad ang nakakatakot na eksena sa "Feng Shui," kasabay ng nakakahihindik na paglapat ng nakakatakot na musika.
Sino naman ang hindi matatawa sa payabangan ng batang si
"Awra," habang kabatuhan nito ng linya si
"Vice Ganda."
Isang eksena kung saan nagpapa
siklaban ang dalawa sa kanilang nilutong spaghetti sa mga makikisig na kalalakihan at sa isa pang bidang artista na si Coco Martin.
Kakaiba ang batang si Awra, bagama't bata pa hindi ito natakot at nagpaiwan sa pagarte kaharap si Vice Ganda.
Nakakatuwa ang "Spaghetti," na nagtataglay ng kung anu-anong sangkap gay
a ng "Glutathione," at kung anu-ano pa...makapagyabang lang o maibida ang niluto nila.
Hindi rin makakalimutan ang eksena sa
"Family Day," kung saan nagpabibo si Awra at Vice Ganda.
Grabe pa lang sumayaw ang batang si Awra
"PAK na PAK!"
Para siyang walang buto.
Pero higit na umangat ang eksena ni Vice Ganda kung saan ipinakita nito na wala siyang kaalam-alam sa produksyong gagawin nila ni Awra.
Sa una'y kakabahan ka dahil sa hinahagis na si Awra, pero mas matindi pa pala ang gagawing paghagis kay Vice Ganda.
Dito ako kasama ng aking pamilya ay humahagalpak na sa katatawa.
Ito yung nakakaiyak na eksena, naiyak kami sa sobrang katatawa.
Lalo pang nakadagdag sa katatawanan ang arte ni Vice Ganda na 'tila inaatake na sa puso dahil nga sa
"Buwis-buhay," na sayaw nito.
At siyempre ang eksena bago tuluyang magtapos ang pelikula, kung saan inakala ni Paco na kasama ng sumabog si Arci sa loob ng tren.
Isang
"Spoof," o panggagaya ng kanta ng isang sikat ring teleserye ni Coco Martin...
"Ang Probinsiyano," kung saan sa bawat malungkot na kaganapan ay nilalagyan ng malungkot na musika o awit.
Ang tinutukoy ko ay ang awitin ni Gary Valenciano na
"Wag ka ng Umiyak," na literal na kinanta ni Coco Martin sa pelikula...
"Kung wala ka ng maintindihan, kung wala ka ng makapitan. kapit lang sa akin, kumapit ka sa akin...hindi kita bibitawan."
Pero hindi pa yan, mula sa nasusunog na tren mahahawi ang usok lalabas si Vice Ganda at aawit din.
Pero siya may hawak na mikropono.
Pero dahil halos taon-taon pumapasok ang pelikula ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival pati ito ay nakatikim ng pasaring.
Kahit na nga alam natin na
"dubbing," na lamang ito hindi orihinal na linya ng nasa script, nakakatawa pa rin ng sambitin ni Vice Ganda habang kunwaring tumatangis ang mga katagang...
"Bakit hindi tayo kasama sa MMF?!"
"Dahil sa batang 'to hindi tayo napasama sa MMFF." Habang buhat at yakap si Awra.
Magaan ang aming naging pakiramdam paglabas ng sinehan. At masaya rin ang aking mga anak at ang aking maybahay.
IBA PA...
Meron nga lamang kaming kaunting puna ngunit sa labas na ito ng pelikula.
Paglabas kasi namin ng sinehan, dahil unang palabas...may nakaabang na tagapanayam dito.
Ayos lang naman na tanungin ka kung ano ang masasabi mo sa pelikula, pero dapat wala itong nilalabag na
"will," o kagustuhan ng isang tao.
Isa lamang kasi ang binuksang daanan palabas, hangad nito kasi na masala ang mga dumadaang mga nanood para sa komento sa pelikula.
Pero, lumalabas kasi na inutusan ang taga-kolekta ng tiket para bantayan at isara ang isa pang daanan para hindi makalabas ang mga manonood.
Pero ang punto po kasi ang gagawin po ay isang ambush interview.
Ang
" Ambush," interview ay isang panayam na ginagawa upang makakuha ng tsantsa sa isang interbyu at hindi sapilitan.
Hindi naman pinipilit lahat magbigay ng kanilang opinyon sa pelikula, pero hindi po kasi lahat ng mga manonood ay walang pinoprotektahang pagkakakilanlan.
Gaya ng yung iba ayaw makita kasi nga nagtatrabaho sa ibang istasyon o lubhang mahiyain talaga.