Translate

Showing posts with label Pelikula. Show all posts
Showing posts with label Pelikula. Show all posts

Thursday, January 5, 2017

DIE BEAUTIFUL: A MOVIE TO DIE FOR!


At dahil bumisita si Paolo Ballesteros sa CNN Philippines...nagkaroon po tayo ng pagkakataon na makausap at makapagpa-picture sa kanya!

With Paolo Ballesteros at CNN Philippines, January 13, 2017 (Fri)

Metro Manila Film Festival Parade, December 23, 2016 , Friday
Paolo Ballesteros as "Trisha" 

Halos araw-araw natin siyang napapanood sa isang noon time variety show ng GMA7 na "Eat Bulaga," bago pa nito gawin at pagbidahan ang "Indie film," na "Die Beautiful."

Matatandaang nagsimulang magingay ang pelikula ng magwagi si Paolo Ballesteros,  bilang
"Best Actor," sa  nakaraang "29th Tokyo International Film Festival," sa Japan nitong 
November 3, 2016.

From GMA News Online

At makalipas ang mahigit isang buwan...iginawad naman ng
"21st International Film Festival of Kerala India," ang "Special Jury Award  for Outstanding Performance," kay Paolo Ballesteros.

From @pochoy_29 Instagram Account

Pero 'tila ito pa lamang ang simula ng mga magaganda pang oportunidad kaalinsunod ng pagkakabilang ng kanyang pelikula na idinerehe ni Jun Lana nitong November 19, 2016, sa opisyal na listahan ng mga pumasok para sa taunang  "Metro Manila Film Festival." Dahil mula rito ay kinilala muli si Paolo Ballesteros, bilang "pinakamahusay na aktor," sa kanyang 'di matatawarang pagganap bilang "Trisha Echaverria/Patrick," sa pelikulang "Die Beautiful."

Umani rin ng pagkilala bilang "Ikalawang pinakamahusay na aktor," ang kasama nitong artista na si Christian Bables o "Barbs," bestfriend nito sa pelikula.

Ito na rin ang naging basehan ng karamihan, kasama po ang inyong lingkod na panoorin ang naturang pelikula.
Bilang manonood na walang alam o idea sa istorya ng pelikula at 'tila natutong umunawa sa kuwento nito sa pamamagitan lamang ng kanyang pamagat...akala ko po ay tungkol ito sa isang make-up artist na bumubuhay ng patay sa pamamagitan ng pagpapaganda rito at kokupyahin ang isang tanyag na artista o popularidad ngunit lumagpas ito sa aking inaakala at hinigitan pa nito ang ekspektasyon ko sa naturang pelikula.



KAKAIBANG PAGHAHABI NG KUWENTO

Bagama't nagsimula ang kuwento ng pelikula sa isang batang bakla na animo'y kalahok sa isang gaya ng sa Miss Universe pageant  na nagpapalit-palit ng kasuotan na naunsiyame naman dahil sa pagdating ng ama nito na si "Joel Torre,"  matapos nito ay ipinakita na ang eksena kung saan pumanaw na ang bidang artistang si Paolo Ballesteros, o mas kilala sa Pelikula bilang "Trisha Echevarria," at Patrick naman habang kinukubli ang totoong kasarian sa kanyang Ama.

Nakita rito ang gulat na gulat na ampong anak na si "Adora," sa lugar kung saan ibuburol ang kinikilalang ina-inahan nito.
May mga bahagi rin ng pelikula kung saan upang ipakilala ang iba pang mga karakter sa pelikula ng bidang si Trisha/Patrick kailangang balikan ang nakaraan.
Halimbawa, ang pagdating ng asawa na naging ex-boyfriend nito na ginagampanam naman ni Luis Alandy bilang Jesse sa burol nito.

Hindi pangkaraniwan sa nakaugalian na paglalahad ng kuwento ng ilang mga pelikula sa mainstream kung saan ang mga bida ay ipinapakita noong sila ay bata pa.
Naiiba ito dahil naglalahad ng kuwento ang manunulat na minsan ay nasa gitna ang kuwento, babalik sa kasalukuyan, o minsan ay sa kung paano ito magtatapos. 
Bagama't hindi bagong atake, naging tagumpay pa rin ito sa paglalahad kung saan maiintindihan ng lahat ng mga manonood ang buong istorya.


HINIMAY NG MABUTI ANG KARAKTER NG BIDANG ARTISTA

Kung titingnan mo para lang itong kuwento ng isang baklang kontesera (period). Pero hindi po. 
Hindi lang din ito simpleng kuwento ng talambuhay ng bading na nangarap na darating ang panahon mananalo rin ito at kikilalanin bilang isang beauty title holder.
Ipinakita sa pelikula ang ilang mga mahahalagang isyu at pagsubok na pagdaraanan ng isang baklang Una, hindi tanggap ng lipunan ang napili nitong sexual orientation. 
Isa na rito ang kanyang ama na itinaboy na siyang tuluyan dahil pinanindigan nito ang desisyon na maging bakla.

Pangalawa, ang mga taong nasa lipunan na nakakahon din ang pananaw sa isang uri ng kasarian. 
Gaya ng isang eksena kung saan hindi pinapayagan ng bouncer si Trisha na gumamit ng palikuran ng mga babae sa isang Club kahit na bihis at kilos babae naman ito. Bagkus ay pinipilit siya nitong sa banyo ng mga lalaki pumunta.

Pangatlo, ang laging turing sa kanila na isang "Sugar Mommy,"  o "Palabigasan,"
ibibigay ang lahat sayo ibigin mo lang sila.

Bahagi ng pelikula ang pagbisita ng magkaibigang Trisha at Barbs sa isang Gay Bar, kung saan nakilala nito ang isang macho dancer na kalaunan ay naging karelasyon o boylet na nito. 
Isang matinding sakripisyo ang ginawa nito dahil imbes na unahin ang sarili sa operasyong kailangan niya upang maging ganap na babae ang katawan niyang "Adan," ipinagawa na muna nito ang malaking ilong ng karelasyon.
Na sa kalauna'y, hindi rin naman naging happy ang ending dahil ipinagpalit rin siya nito sa isa ring bakla.

At ang ikaapat, pinakamatinding bahagi yung itinuturin sila bilang isang "Sex Object," o isang parausan.
Isang matinding eksena, kung saan sumama si Patrick sa crush na crush nitong binatang basketball player. Ang sumunod na eksena pinagpapasasaan na ito ng naturang lalaki na sinundan pa ng tatlong lalaki pa. 
Nabanggit sa pelikula na pumayag naman ito ng kusa sa kondisyon na mauuna ang crush nito na makipagtalik sa kanya...pero huli na ng maramdaman nito na naaabuso na siya.


MAHALAGANG MENSAHE NG PELIKULA


Ang lahat ng bagay ay may kasalungat.
Alam natin na may umaga, at magkakaroon din ng takip-silim.
May maligayang bahagi ng buhay at minsan ay kalungkutan naman.
Isang malinaw na mensahe ng pelikula ay ang paghahanda ng bawat nilalang sa pagtatapos ng ating buhay.
Dahil ang pagsilang ay direktang kasalungat ng kamatayan.
Isang bagay na alam naman nating lahat, ngunit iniiwasang gawing paksa o pagusapan.

Naipakita rin sa pelikula na hindi dapat pinahahalagahan ang katawang lupa, dahil kagaya ng lahat ng mga bagay na nilikha at umusbong, tatanda at mamatay at babalik ito sa pagiging abo.
Bagama't inangat ng pelikula ang bahagi kung saan kagandahan ang mahalaga...sa huli mawawalang saysay rin ang lahat ng mga bagay na ito.
























Monday, December 5, 2016

The Super Parental Guardians: The Movie Review


The Super Parental Guidance
From: starcinema.abs-cbn.com

Binulaga tayo ng isang pambungad na eksena kung saan sa isang slum area ay may dalawang grupo ng gang na nagtutunggali.
Ang isang grupo ay kinabibilangan ni Coco Martin, "Paco," sa naturang pelikula.
Hampasan ng baseball bat, sipaan, suntukan, tulakan, paggamit ng sumpak, at ang kapansin-pansin na paghahagis ng isang bagay na sumasabog.
Isang maaksyong simula, ngunit nakababahala dahil marahas ang makikita sa eksena 'di angkop sa mga batang manonood.
Ganunpaman, isang kamangha-manghang eksekyusyon mula sa direktor na si Bb. Joyce Bernal.

Kahanga-hanga dahil hindi naman ito ang nakagisnang tema ng pelikulang dinedirehe nito.
Matatandaang kilalala si Bb. Joyce Bernal sa mga pelikulang umiikot ang istorya sa pagibig, magaan, nakakakilig...pero sa kanyang panimula kabigla-bigla, kahanga-hanga.


MENSAHENG DALA NG PELIKULA

Sa isang malinaw na teaser ng pelikula ang tema nito ay isang "Komedya," pero napakahusay ng pelikula sa pagbibigay ng mensahe sa kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan.

Bagamat't itinago ang pagatake sa kasalukuyang suliranin ng lipunan sa pamamagitan ng isang sindikatong pumapatay ng walang dahilan.
Harap-harapan naman nitong binubuksan ang isipan ng karamihan sa nagaganap na "Extra-Judicial Killings," sa ating bansa.

Ang pelikula ay hindi bunga lamang ng isang masining na pagsusulat...behikulo ito upang maghatid ng isang mensahe sa karamihan.
Bagay na pinagtagumpayan ng pelikula.


MGA HINDI MALILIMUTANG EKSENA


Sa kabilang banda, bagama't tanyag ang pangunahing artista nito na si Vice Ganda sa komedya, sa isang mainam na direksyon naramdaman nating matakot sa eksena ng pagpapakita ni "Matet De Leon," na humihingi ng hustisya sa pagkamatay nito.
Maihahalintulad ang nakakatakot na eksena sa "Feng Shui," kasabay ng nakakahihindik na paglapat ng nakakatakot na musika.

Sino naman ang hindi matatawa sa payabangan ng batang si "Awra," habang kabatuhan nito ng linya si "Vice Ganda."
Isang eksena kung saan nagpapasiklaban ang dalawa sa kanilang nilutong spaghetti sa mga makikisig na kalalakihan at sa isa pang bidang artista na si Coco Martin.
Kakaiba ang batang si Awra, bagama't bata pa hindi ito natakot at nagpaiwan sa pagarte kaharap si Vice Ganda.
Nakakatuwa ang "Spaghetti," na nagtataglay ng kung anu-anong sangkap gaya ng "Glutathione," at kung anu-ano pa...makapagyabang lang o maibida ang niluto nila.

Hindi rin makakalimutan ang eksena sa "Family Day," kung saan nagpabibo si Awra at Vice Ganda.
Grabe pa lang sumayaw ang batang si Awra "PAK na PAK!"
Para siyang walang buto.
Pero higit na umangat ang eksena ni Vice Ganda kung saan ipinakita nito na wala siyang kaalam-alam sa produksyong gagawin nila ni Awra.
Sa una'y kakabahan ka dahil sa hinahagis na si Awra, pero mas matindi pa pala ang gagawing paghagis kay Vice Ganda.
Dito ako kasama ng aking pamilya ay humahagalpak na sa katatawa.
Ito yung nakakaiyak na eksena, naiyak kami sa sobrang katatawa.

Lalo pang nakadagdag sa katatawanan ang arte ni Vice Ganda na 'tila inaatake na sa puso dahil nga sa "Buwis-buhay," na sayaw nito.

At siyempre ang eksena bago tuluyang magtapos ang pelikula, kung saan inakala ni Paco na kasama ng sumabog si Arci sa loob ng tren.
Isang "Spoof," o panggagaya ng kanta ng isang sikat ring teleserye ni Coco Martin..."Ang Probinsiyano," kung saan sa bawat malungkot na kaganapan ay nilalagyan ng malungkot na musika o awit.
Ang tinutukoy ko ay ang awitin ni Gary Valenciano na "Wag ka ng Umiyak," na literal na kinanta ni Coco Martin sa pelikula...
"Kung wala ka ng maintindihan, kung wala ka ng makapitan. kapit lang sa akin, kumapit ka sa akin...hindi kita bibitawan."
Pero hindi pa yan, mula sa nasusunog na tren mahahawi ang usok lalabas si Vice Ganda at aawit din.
Pero siya may hawak na mikropono.

Pero dahil halos taon-taon pumapasok ang pelikula ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival pati ito ay nakatikim ng pasaring.
Kahit na nga alam natin na "dubbing," na lamang ito hindi orihinal na linya ng nasa script, nakakatawa pa rin ng sambitin ni Vice Ganda habang kunwaring tumatangis ang mga katagang...
"Bakit hindi tayo kasama sa MMF?!"
"Dahil sa batang 'to hindi tayo napasama sa MMFF." Habang buhat at yakap si Awra.

Magaan ang aming naging pakiramdam paglabas ng sinehan. At masaya rin ang aking mga anak at ang aking maybahay.

IBA PA...

Meron nga lamang kaming kaunting puna ngunit sa labas na ito ng pelikula.
Paglabas kasi namin ng sinehan, dahil unang palabas...may nakaabang na tagapanayam dito.

Ayos lang naman na tanungin ka kung ano ang masasabi mo sa pelikula, pero dapat wala itong nilalabag na "will," o kagustuhan ng isang tao.

Isa lamang kasi ang binuksang daanan palabas, hangad nito kasi na masala ang mga dumadaang mga nanood para sa komento sa pelikula.
Pero, lumalabas kasi na inutusan ang taga-kolekta ng tiket para bantayan at isara ang isa pang daanan para hindi makalabas ang mga manonood.

Pero ang punto po kasi ang gagawin po ay isang ambush interview.
Ang " Ambush," interview ay isang panayam na ginagawa upang makakuha ng tsantsa sa isang interbyu at hindi sapilitan.
Hindi naman pinipilit lahat magbigay ng kanilang opinyon sa pelikula, pero hindi  po kasi lahat ng mga manonood ay walang pinoprotektahang pagkakakilanlan.
Gaya ng yung iba ayaw makita kasi nga nagtatrabaho sa ibang istasyon o lubhang mahiyain talaga.