Courtesy: Balitaan, CNN Philippines Pinky Webb, Program Anchor |
Batid ng karamihan na ang CNN Philippines ay gumagamit ng wikang ingles sa pagsusulat at pagbabalita.
Ngunit sa kagustuhan nga nito na makuha pa ang ibang manonood...ipinanganak at sumahimpapawid ang "Balitaan," kasama si Pinky Webb sa CNN Philippines sa wikang sariling atin naman.
Bagama't hindi ito ang naunang balita na tagalog ang wika, naroon pa rin ang pagaasam nito na mauna sa pagbibigay ng pinakasariwang balita dito at maging sa iba pang bahagi ng mundo.
Nagkaroon po ng pagkakataon ang inyong lingkod na higit na makilala pa ang programa ngayong araw kung saan may isang Co-Associate Producer na lumiban upang bigyan naman ang sarili ng panahon na maipagdiwang rin ang kapaskuhan.
MGA NAKATUTUWANG BAGAY SA PROGRAMA
Maaga ang paglalagay ng mga istorya.
Dalawang oras pa lang bago sumahimpapawid ito, makikita mo na agad na may laman na ang
rundown nito.
Kapansin-pansin rin na isang oras naman bago ito umere ay gawa na ang "Headlines."
Bagay na nakakapanibago, pero malaking tulong sa programa.
Ito kasi ay nilalakapan pa ng boses ng Anchor ng programa, lalagyan din ng musika at ilalapat higit sa lahat ang mga nakalap na magagandang bidyo upang bigyan ng paunang silip ang mga manonood kung ano ang mga dapat nilang abangan sa kabuuan nito.
Binabanggit ang mga kailangan ng Programa.
Mahalaga ang bahaging ito, upang mabatid din namin ng maaga bilang mga Associate Producer ng programa ang mga dapat naming higit na bigyan ng pansin.
Kung may kailangang anunsyo na pagagawan ng graphics, ano ang pambungad na gustong mangyari.
Gaya halimbawa ng kung gagawan ba ito "Whip Around," may kailangang kunin na reaksyon ng ating mga netizens sa isang social media, may kailangang i-download na bidyo sa ating mga news source. Lahat ng mga nabanggit ay mahalaga.
Pagbibigay diin din na mahalagang naguusap ang "Producer," at ang AP nito.
Para kung anumang nasa isip ng Producer nababatid ng AP, at nakikita ng higit sa lahat ng mga masugid nating mga manonood.
Hindi ginagalaw ang laman ng balita.
Bagama't alam natin na ang balita o ang eksaktong magaganap na balita ay hindi mo mahuhulaan, mahalagang kinokonsidera rin ng mga "Producer," na dapat hindi maya-maya ay binabago ang laman ng rundown.
O kung sa mga 'di inaasahang pagkakataon na talagang kailangang baguhin ito, dapat ay may antisipasyon na o "back-up," kung ano ang pwedeng ipalit kapag
hindi umobra ang orihinal na plano.
Bagama't ang pinsalang dulot ng bagyong si "Nina," ang naging ulo ng mga iniulat ngayon, nanatiling matibay ang desisyon ng producer na hindi palitan o baguhin ang mga ito.
Siguro marahil ay malaking tulong na wala namang dumarating na bagong balita na dapat pagtuunan ng pansin.
Bakit kailangang tumutok sa Balitaan...mga mahahalagang dahilan.
May mga maaagang programa rin sa ibang istasyon na naghahatid ng balita dito at sa labas ng ating bansa kasama na nga rin ng mga programa natin dito sa CNN Philippines.
Ganunpaman, ang Balitaan ay nagbibigay ng bintana sa mga balita na maaaring maganap pa lamang.
Hindi nga ba napakahalagang bagay na alam mo na ang balita bago pa man ito mangyari?
Kinukuha rin nito ang panig ng mga mahahalagang personalidad upang tanungin ng direkta sa mga isyu na patok sa kasalukuyan.
Hihimayin upang masagot ang mga tanong na gustong marinig ng karamihan upang sila'y maliwanagan.
"Mahalaga ang balita, ito'y bahagi na ng buhay ng bawat mamamayan.
Mamimili ka lang sa dalawa...
walang alam?
o may alam?"
Kaya gawin na nating bahagi ng ating buhay ang makibalita at piliin ang programang tutugon sa araw-araw ninyong pangangailangan...ang "Balitaan!"
No comments:
Post a Comment