I've been living in Navotas for more than 33 years now. Dito na ako lumaki at nagkaisip.
Namulat ako noon sa isang simpleng pamumuhay, kung saan ang pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residenteng nakatira rito. Kaya nga ito tinaguriang..."Fishing Capital of the Philippines."
Walong taon na ang nakakaraan, June 24, 2007, ng madeklarang Lungsod o City ang Navotas.
Bago pa nito wala pang mga pagunlad sa komersyo at talaga namang mabibilang mo lamang ang mga namumuhunang negosyo sa naturang lungsod.
Naaalala ko nga noon, sa harap ng naturang Munusipyo bago pa ito masunog, Dunkin Donuts at Mercury Drugs lang ang mga negosyong naroroon.
Minsan na itong nagkaroon ng Chowking, pero marahil hindi nito naabot ang inaasahang sales o kita, hindi rin ito nagtagal. Ngayon isang matatag na fast food chain ang nakatayo malapit rito gaya ng Jollibee, at noong nakaraang taon lamang tagumpay na naitayo at namayagpag ang direct competitor ng naunang nabanggit na Mcdonalds.
Sumulpot na rin ang maliit na supermarket gaya ng Ever na malapit sa munusipyo ng Siyudad at San Roque supermarket at marami pang iba.
Pero ang hindi malilimutang milestone sa lungsod ay ang pagkakaroon ng sariling Ospital na tinaguriang..."Navotas City Hospital," na ganap na binuksan sa pagdiriwang nito ng ika-8 anibersaryo ng Navotas, petsa ng mismong araw kung saan opisyal ng lungsod ito.
Kanina lang ay dinala namin ang aming bunso sa naturang pagamutan.
Nakakamangha ang mahusay na pagkakatayo nito, kung saan fully air-conditioned ang buong loob. Magalang at approachable naman ang mga hospital staff nito.
Pero may mga bagay lamang kaming napansin na dapat sana ay higit ding pinagtuunan ng pansin ng mga nangangasiwa nito.
Una, kulang ito sa mga signage kung saan siyang magsisilbing guide ng mga nagpapagamot rito.
Meron kung meron. Pero ang mga ito ay mismong nakalagay sa pinto kung saan ang tanggapan nito.
Pero mas makabubuti kung mayroong mismong mga arrow sa pasukan o hallway nito na magtuturo sa mga pasyente kung saan ang eksaktong lokasyon.
Kanina nga may dalawang bumisita rito na nagtanong din sa akin, nasaan daw ang Philhealth?
Tanong na hindi ko rin nasagot. Umakyat pa tuloy ng hagdan ang mga ito, ngunit pagkalipas ng ilang minuto...bigong bumaba ulit at naghanap.
Pangalawa, magkakadikit ang lugar kung saan komukunsulta ang mga buntis, mga sanggol o bata sa mga OPD or outpatient na adults na may karamdaman din.
I'm just worried because they are well babies na pwedeng mahawa ng ubo o kung anuman dahil nga magkakadikit sila.
Pangatlo, under-staff ang naturang Ospital.
Sa aming personal na karanasan, batid namin ng asawa ko na alas-otso ng umaga ang bukas nito. Pero dahil hindi nga namin alam o kabisado ang sistema...dumating kami ng mas maaga. Kung gaano kaaga? Ala-siyete kinse ng umaga.
Batid namin na kapag walang referal ng clinic, kami ay magbabayad ng halagang P200, para sa konsultasyon sa manggagamot na titingin. Ayos lang naman sa amin dahil kung ikukumpara sa iba mababa na ito at sulit.
Pero nakita namin na may kakulangan sa staff nung hanggang halos alas-diyes na, wala pa rin ang nakatalagang Pedia.
Nakausap ko ang isang Nars na nakaduty. At sa kanyang pagku-kuwento nabatid namin na ang Pedia na titingin sa anak ko at sa mga pasyenteng bata na naghihintay rin ay nasa ER o Emergency Room.
Ang sabi ko sa Misis ko, kapag sumapit na ang Alas-Diyes ng umaga at hindi pa dumarating ang Doktor...ay aalis na kami.
Dahil wala naman akong luxury ng time para maghintay pa. Hindi ako nag-leave sa trabaho dahil iniisip ko may maayos na sistema ang Ospital at kami naman ay agad na matutunugunan sa aming pakay.
Limang minuto, bago sumapit ang itinakdang oras ng aming sanay pagalis na sa Ospital, habang hinihele ko ang aking anak...tinawag ang kanyang pangalan.
Mabait at maasikaso naman ang Pedia na tumingin sa aming anak. At sa tantsa ko, sa loob lamang ng humigit kumulang, 10minuto natapos ang aming konsultasyon rito.
Pero ang bottomline kasi, mas mahaba ang oras na aming ipinaghintay.
Kung kakulangan sa manggagamot ang problema...bakit hindi ito muna ang unang tugunan.
References:
The declaration of Navotas as City: http://en.wikipilipinas.org/index.php/Navotas_City
Official Website of the City Government of Navotas: Website: http://www.navotas.gov.ph/2011/Accomplished.aspx
No comments:
Post a Comment