Translate

Friday, August 28, 2015

Mga paraan ni Sir. Bong para hindi malate sa pagpasok (Pero LATE pa rin)


Lahat naman tayo di ba ayaw ma-late sa pagpasok?
Ewan ko na lang sayo, baka kasi talagang pasaway ka sa kumpanya ninyo.
Pero kung paulit-ulit na nangyayari ang isang bagay dapat gawan mo na ng paraan para maresolba.

Apat na sunod-sunod na araw na akong hindi umaabot sa grace period ng time-in ko.
At first, sabi ko baka talagang nagkataon traffic lang talaga.
Pero, umulit ng umulit ng umulit at umulit pa ulit.
Ang sabi ko gagawa na ako ng alternatibong ruta ko para hindi ako malate.

Normally kasi, nagbibigay ako ng isang oras at kalahati para sa biyahe ko pagpasok. Pero sa tingin ko, kulang yun so ginawa ko ng dalawang oras.

And then, nagisip ako kanina ng bagong paraan para iwasan ang traffic.
Lalo na sa bahagi papuntang Balintawak at Munoz.

Sa usual daily trips ko, sumasakay ako ng Jeep, tapos Bus and then MRT.
Pero dahil mabigat ang traffic sa mga lugar na aking nabanggit...dapat talaga iwasan ko siya.

So, kanina, inisip ko na pagkatapos ng Jeep, Bus, sumakay pa ako ng isang Tren pa...which is LRT1.
From 5th Avenue ako sumakay. Okay na naka-akyat naman ako agad ng tren dahil hindi naman pala matao sa lugar na yun ng ganung oras.

Kaya lang, 11:59am nandun na ko nakatayo...hay naku, nakasakay na ako ng tren ng around 12:10pm. halos sampung minuto rin na paghihintay.

Pero ganunpaman, maluwag ang LRT1, walang tulakan na naganap at nakaupo pa ako after one or two stations from Munoz.

At dahil literal na hindi nga magkakabit yang mga tren na yan. Kailangan ko na namang bumaba at sumakay ng Bus.
So lakad at hintay ng kaunti.

Siyempre, punuan na. wala akong choice kundi tumayo. Sabi ko malapit lang naman, ilang sandali pa nasa MRT3, North Avenue station na ko.

Pero dahil, wala akong Stored Value Card...PILA na naman ako at hintay ng ilang sandali pa.
Pero pagdating ko dun sa Platform ng MRT sa loob...wala pa ring tren...ulit uli, hintay na naman ako.

Tumatakbo ang oras, pagtingin ko 12:30 na ng hapon. Sabi ko, hopeless na sinubukan ko naman eh. Pero, talagang hindi na ako aabot kahit sa grace period ng time-in ko sa work.

Ngayon tuloy, nagiisip na akong matulog na lang sa work ko.
Pwede ba yun?
Baka sipain ako ng guard palabas ng istasyon.

Pero, this is something really very serious.
Pano ba natin haharapin at su-sulosyunan ang traffic?

Dapat hinaharap na natin ito. Kasi sa totoo lang ang laki ng mga bagay na nasasayang at nawawala.

Kaya imbes na magreklamo tayo araw-araw, makibahagi na tayo sa paglikha ang mainam na solusyon.
Dahil sa totoo lang, lahat tayo ay may responsibilidad dito. 




No comments:

Post a Comment