Ayan na laman na ng bawat istasyon sa telebisyon, radyo, at mga diyaryo ang balita tungkol sa concert, este protest ng mga Iglesia Ni Cristo.
Ipinaglalaban ng mga ito ang desisyon na ginawa ng kalihim ng Department of Justice (DOJ), na si Leila De Lima, kaugnay ng kasong inihain nito sa mga lider ng Simbahan ng INC.
Ayon sa mga kapanalig ng naturang sekta, hindi dapat pinakikiilaman ni De Lima ang kanilang simbahan at iginigiit ang pinaniniwalaan nilang separation of state and church.
Pero mariin namang naninindigan si De Lima, na wala siyang anumang lihim na motibo sa kanyang aksyon, at ginagawa lamang nito ang kanyang sinumpaaang tungkulin bilang kalihim ng DOJ.
Lumawak na kasi ang kanilang demostrasyon na mula sa Padre Faura sa Maynila, tumungo ang mga ito sa sa Edsa partikular na nga sa Shaw Blvd. at sa makasaysayang Edsa Shrine, sa Ortigas.
At dahil isa rin akong mamamahayag, kabilang ako sa mga nag-abang sa buong kaganapan.
Dahil nga hinarangan nga ng INC ang ilang mga daan, naantala nito ang biyahe ng maraming mamamayan. Karamihan galing at papunta ng kanilang mga trabaho.
Alam ko na kung gaano kahirap ang umuwi at magbiyahe, kaya hindi ko na pinilit ang sarili ko na umalis ng aming opisina.
Sa totoo lamang po, unang beses ko na matulog sa aming opisina. Grabe, ni wala akong dala na kung anuman. Hindi ko rin naman inakala na mangyayari ito.
Mabuti na lang pinahiram ako ng isang editor ko ng kumot at unan. Ang problema ko na lang saan ako matutulog. Malaki ang opisina, pero opisina nga iyon di ba? Kaya mahirap humanap ng lugar na mapagpapahingahan.
Pero sinubukan kong pumuwesto sa isa sa mga lugar sa editing bay ng aming opisina. Tamang-tama may isa pang maliit na unan doon at kumot...hiniram ko muna. Problema ko naman, ang haba ko, medyo maliit yung ispasyo. Kasya kung kasya ako, pero as in para akong bangkay dapat diretso ang higa ko.
Dahil hirap nga ako, inusod ko yung isang drawer na nasa paanan...ayun medyo lumuwag. Extra careful lang ako kasi may mga saksakan ng computer doon, kapag nagkataon electricuted ako.
So dapat, ang bawat galaw ay planado. Para akong sundalo konting kaluskos nagigising. Pero parang praning na rin kasi nga kung anu-ano na ang naiisip ko, like may lilitaw na multo etc.
Pero kailangan ko talagang gumawa ng tulog, dahil duty na naman ako ng 8 ng umaga. Nagawa ko na sana, pero ang mapaglaro at malikot na isa sa mga editor ko na si Carlo, ginulat ako habang natutulog...eh di nagising ako.
Pero balik ako sa pagtulog, awa ng Diyos nagawa ko naman. Though pagising-gising din ako para obserbahan ang paligid. Nandiyang nakatagilid ako, diretso ang higa, kasi nga ang tigas na hinihigaan ko. Hinahanap siguro ng likod ko yung kutson ko sa bahay.
But everything went okay, bumangon ako ng 7am two hours before my shift. Lumabas ako para bumili ng shampoo, para kahit pano makapagshower naman. Sa CR namin ng mga lalaki, sira pala yung shower, amin dapat shower yun kaya lang tanggal na yung dulo nagsplit ng tubig...so para siyang gripo. Okay na rin kasi lukewarm naman yung water.
Na-discover ko rin pala, sira yung door knob niya. Mahirap isara and at the same time mahirap buksan. Sabi ko, bahala na kapag may nagbukas ng pinto...I'll just said SURPRISE!
Eto nga palabas na ako, ayaw bumukas. Kinabahan ako, mabuti na lang may susunod na maliligo nakapila sa labas...so binksan niya yung pinto.
Nakaligo ako but I am wearing the same clothes...TIIS muna. Okay pa naman ang amoy ko.
May tuksuhan lang na amoy FRIDAY daw ako. Ang sabi ko naman naligo ako no.
Iisipin ko na lang na after 10 hours...tapos na kami. Namimiss ko na ang aking pamilya sa bahay. I'll be home soon.