Translate

Monday, June 4, 2018

Althea is back to SCHOOL!


"Grade 4 na yan iwan niyo na!"

Oo nga pala Grade 4 na sila...akala namin kinder pa. Ang pabirong sambit ng ngayon ay guro ng anak kong si Althea. Na pareho na lang naming sinang-ayunan ng isa pang kasama kong magulang at kumare na si Nath.



Tama nga naman ang kanyang guro malalaki na sila at hindi na kailangan pang bantayan. Ngunit hindi naman natin maaalis sa mga magulang na gaya ko na tiyakin una ang seguridad nila.
Dahil hindi sa masyado tayong "CINYCAL,' o nagaalala nais lamang nating magingat.
Dahil bukod sa babae ang aking anak maraming banta o panganib na nakaabang sa kanila na maaaring mangyari kung hindi sila magagabayan.



Alas-onse na ako nagising ng umaga at sa pagmulat ng aking mata nakita ko ang aking anak na si Althea na nakapaligo na at handa ng pumasok sa eskwela. Habang ang aking asawa naman ay nagluluto na ng aming pananghalian.



EXCITED si Ate Althea sa pagpasok makikita mo yun sa kanyang mga galaw. Hindi pa nga dumadating ang kanyang sundo...nakaabang na siya sa gate at lumabas pa ng bahay upang tiyakin kung nagaabang na ito sa kanya sa highway.

Dahil unang araw nga, inihatid ko talaga si Althea. Ang eskwelahan kung saan ito nagaaral ay nagpapasok pa ng mga magulang ngayon kaya naman naihatid ko siya hanggang sa loob nito.




Parang ganun pa rin naman, parehong silid-aralan, parehong mga kaeskwela, maaaring may nadagdag o nawala pero sa tingin ko halos lahat naman sila ay hindi na gaanong maninibago dahil halos wala naman itong ipinagkaiba sa nakaraang taon...ngayon lang ay maliwanag na mula sa ikatlong baytang, ngayon ay nasa ika-apat baytang na sila!



MGA ILANG KAPANSIN-PANSING MGA BAGAY

Ako nga ang naghatid kay Althea sa kanyang eskwelahan kanina ngunit yung aming sinasakyang de-padyak na tricycle ay hindi na pinapasok sa loob. Kaya kami ay naglakad na lang patungo doon.

Dahil nga bukod sa mga papasok na mga mag-aaral, halos kasabay rin ng mga ito ang mga mag-aaral ring uuwi dahil tapos na ang kanilang klase.

Ang isa sa mga napansin ko ay yung mga pribadong sasakyan na pumapasok o dumadaan sa harap ng kanilang eskwelahan. Ang kahabaan kasi ng gilid ng San Jose De Navotas Parish Church ay dinadaanan sa kasalukuyan ng mga sasakyang palabas ng Navotas. Kung mababago sana ang kanilang ruta mas luluwag ang kalsada at matitiyak din ang kaligtasan ng mga magaaaral na dadaan dito.
Ngunit sa kasalukuyan, kasabay ng pasukan at palapit na tag-ulan ay ginagawa ang mga kalsadang dapat sana'y maaaring daanan ng mga pribadong sasakyan na ito.
Sa akin pong pagkakaalam kung bukas sana ang kalsada nito dito dapat sila dadaan o ito ang ruta na kanilang babaybayin.

Isa rin sa mga nakakaabala sa daraanan ng mga estudyante ay ang mga de-padyak na tricycle na mga nakaparada sa labas ng eskwelahan na "DOUBLE SIDE PARKING," pa ang ilan.

Nababatid naman natin na ang mga ilan sa mga ito ay naghihintay ng kanilang mga susunduing mga magaaral pero kung sasabayan sila ng mga papasok ng mga pribadong sasakyan halos wala ng dadaanan ang mga ito palabas. Kagaya ng nangyari sa amin kanina ng aking anak na si Althea na gayun din sa ilang magaaral at mga magulang hirap na ring dumaan.

Dapat bago pa nagpasukan nagawan na ito ng paraan. Baka lamang po makaisip ng iba pang alternatibo sa problemang ito. Dahil naniniwala po akong may mga tao naman po tayong dapat ay tumutulong sa pagresolba nito.

Nababatid ko na hindi sapat ang isang tao para malutas ito...kaya bahagi ng panulat na ito ang paggising sa ilan upang AKSYUNAN na agad.

Naniniwala ako sa NAVOTAS at sa mga TAONG nakatira rito.

At gaya ng ng lagi nating SINASABI..."ANGAT NAVOTAS!"


----------

MGA PAGBABAGO

Nakakatuwang isipin na mabilis ang pagkilos at pag-AKSYON ng mga kinauukulan sa lungsod ng NAVOTAS. Dahil nung maghatid ako kahapon sa aking anak na si Althea ay may pagbabago na sa labas ng kanilang eskwelahan.
Ngayon ay may ligtas ng daanan para sa mga magaaral at mga magulang na naghahatid ng kanilang mga anak sa eskwela. Patunay rito ang dilaw na linya na nakalagay sa harap mismo ng Navotas Elementary School Central kung saan malaya ng makadadaan ang sinumang lalabas at papasok dito.
Sa orihinal sa itsura ng lugar noong pasukan ay puno po ito ng mga naghihintay na tricycle-de padyak na siyang bumabara sa daraanan ng sinumang taong dadaan sa lugar.
Nawala na rin ang double parking sa lugar at ngayon ay malaya ng nakadaraan ang mga pribadong sasakyan na lalabas naman ng Navotas.
Ganunpaman, ang progresong ito ay dapat na bantayan ngayon at maging hanggang sa katapusan ng kanilang school year o pagsasara ng klase.
Dahil sa katotohanan lamang po kapag wala ang pusa...maglalaro ang malulupit na daga.
Ang kapakanan ng mga magaaral at ang mga mamamayan ng mga nakapaligid dito ay dapat na patuloy na binabantayan at pinangangalagaan.



Alisin na lamang ntin o sitahin ang mga ilang AMBULANT VENDORS na magtitinda sa lugar dahil sila ay makakabara sa daraanan ng mga magaaral lalo na sa oras kung saan sabay na papasok at uuwi ang mga ito.



Marami na ring ipinakalat na mga TRAFFIC CONSTABULARIES sa lugar kung saan bumibigat ang daloy ng TRAPIKO. Nagbilang po ako at nakakita ng APAT na aktibong nagbabantay sa lugar.
Malaking bagay po ito upang patuloy na MADISIPLINA natin ang ilang mga mamamayan ng lungsod na gagawa ng dahilan upang maging MABAGAL o MABIGAT ang daloy ng TRAPIKO sa ilang mga LUGAR gaya ng mga PAARALAN.



Saan man sa bahagi ng PILIPINAS at sa MUNDO ay may PAGASA kung tayo pong lahat ay may GAGAWING AKSYON tungo sa PAGBABAGO.

ANGAT NAVOTAS!


No comments:

Post a Comment