From @navotenoako Facebook account |
Paano ko nabatid ang tungkol sa paligsahan?
Sa isang social media site na Facebook nakita ko ang anunsiyo tungkol sa paligsahang ito. Bagama't interesado akong sumali...nagdadalawang-isip pa rin ako kung itutuloy ko ba ito o hindi. Dahil una nabatid ko ang tungkol sa naturang paligsahan dalawang araw bago ang itinakdang pagtatapos nito.
Ngunit dahil hilig ko naman ang kumuha ng mga larawan at mag-upload nito sa Internet...naging mas matimbang sa akin ang mabuting layunin ng paligsahan kung saan ang tema ay "navoTaAsNooBabae: Karapatan ng mga Kababaihan Ipaglaban."
Paano ko pinili ang aking photo entry?
Mahirap sumali sa ganitong uri ng paligsahan kung hindi bukas ang iyong kamalayan sa isyu tungkol sa paksa. Nakatulong sa akin ang media upang mabuksan ang aking isipan dito at ang likas kung pagiging mapanuri at mapagtanong.
May mga paksa akong nasa isipan ngunit kailangan ko silang hanapin upang makita kung ang mga ito ay pasok nga sa kategoryang hinihingi ng paligsahan.
Una nakaisip ako ng babaeng naglalako ng Yakult, babaeng nagta-tricycle de-padyak o 'di kaya ay tricycle de-motor.
Aaminin ko nagikot ako sa aming lungsod, bahagi din ito ng ehersisyong paglalakad na ginagawa ko kung ako ay may panahon at pagkakataon.
At sa paglalakad ko malapit na sa aming kalye, doon ko nasumpungan ang pinaka-akmang subject para sa paksa ng patimpalak.
Nasa aktwal na pagtupad nito sa kanyang trabaho ng siya po ay aking nasumpungan, sakay ng bisekleta kasama ang isang 5 galon ng tubig na dadalhin nito sa bahay mismo ng kumuha sa kanila.
Ngunit dahil pagabi na...ipinagpabukas ko na lang ang paghahanap sa kanya.
Ang paghaharap ng akmang paksa para sa tema at ang kukuha ng larawan
Dahil hindi ko nga batid kung saan ko talaga matatagpuan ang akmang paksa para sa naturang paligsahan...sinubukan kong bisitahin ang isang water refilling station sa harap mismo ng eskwelahan kung saan ako nagtapos ng elementarya...ang Daanghari Elementary School sa Navotas.
Naging maingat ako sa pagtatanong lalo na't sa paglalarawan sa aking hinahanap.
Iniisip ko kasi na baka masktan ang mga taong nakakakilala sa kanya kapag hindi ako naging maingat.
Ang natatandaan kong sinabi ko ay isang maliit na babae na medyo maputi na 'tila lalake kung kumilos.
Maya-maya pa ay nakaharap ko na siya at ipinaliwanag sa kanya ang tema ng paligsahan bahagi ng pagkumbinsi sa kanya na pumayag ito.
Malinaw kasing nakasaad sa alituntunin ng patimpalak na kailangan ay batid ng iyong magiging paksa kung saan ito gagamitin.
Kasabay nito ang pagkilala sa tunay niyang pangalan na si Judyann Oliva, (20), o mas kilala ng karamihan sa pangalang "Jude," isang water delivery girl ng Riyuu water refilling station sa Daanghari, Navotas.
Maya-maya pa ay kausap ko na rin ang kanyang among babae na si Angel at kasabay nito ang pagbibigay na rin ng pahintulo't tungkol sa magaganap na patimpalak.
Paano ko nakunan ng litrato si Jude?
Sa mismong araw na iyon kung saan hindi masabi ang panahon, sinundan ko si Jude habang ito ay naghahatid ng tubig sa kanyang mga kustomer.
Sinabihan ko lamang siya na gawin lamang ang kanyang trabaho at susunod ako sa kanya.
Naniniwala ako na ito ang pin aka-mainam na paraan upang makuha ko ang puso ng aking tema.
Oo nababatid ni Jude na kukunan ko siya ngunit hindi ko siya binigyan ng anumang utos kung paano siya gagalaw o aarte sa kamera.
Nahirapan din ako dahil gumagalaw si Jude at bagama't maluwag ang kalsada maraming mga external factors o balakid sa lugar. Mga tao, basang daan, mahirap na anggulo ng kuha at kung anu-ano pa.
Nung araw na iyon sa Bacog sa Navotas siya naghatid ng tubig.
nagulat nga ako dahil hinusgahan ko agad ang payat nitong katawan...kaya pala nitong buhatin ng sabay ang dalawang 5 galon ng tubig. Hindi rin siya maselan dahil lumulusong ito sa baha, na-aambunan. Pero 'tila ang lahat ng ito ay balewala sa kanya. Bagay na hinangaan ko sa kanya.
Kaya sa puso ko doon pa lang batid ko na ang aking napiling paksa ay may tunay na "Puso," ng isang babaeng walang takot na gagampanan ang kanyang tungkulin maging ang tingin ng karamihan ay para sa mga kalalakihan lamang ito.
At sa mahigit na dalawampung kuha na aking nakunan habang siya ay gumaganap sa kanyang tungkulin pinili ko ang larawang nasa ibaba upang mapabilang sa patimpalak.
Si Judyann Oliva "Jude" photo entry for 1st Navoteno Photo Competition and Exhibition na pinamagatang: Padyak Hatid Tubig |
Pinili ko na isumite ang larawan ng Biyernes ng gabi ng ika-15 ng Hunyo. Isang araw bago ang itinakdang huling araw ng pagpapadala nito. Ngunit pinili ko na ipadala ang larawan kasama ng maiksing kuwento tungkol dito sa pamamagitan ng internet.
Nais ko sanang magtanong pa ng ilang bagay tungkol sa patimpalak, ngunit sa 'di malamang dahilan ang aking mga tawag ay hindi nasasagot.
Iniisip ko at sabi rin sa akin ng aking maybahay na baka ang dahilan ay holiday ng araw na yun kaya walang sumasagot.
Pagkatapos noon, naghintay lamang ako. Pero isang e-mail ang aking natanggap mula sa Public Information Office (PIO), na nagsasabing kailangan kong magsumite ng pinirmahang agreement form. At kinabukasan ng Sabado ng umaga,, mula kay Maggie tauhan sa PIO na siyang humahawak sa mga sasaling kalahok sa patimpalak nabatid ko na kailangan pa rin pa lang magsumite ng Voter's ID, pero kung wala nito kumuha ng barangay certificate, A4 size na kopya ng isusumiteng larawan, maging ang aking resume.
Alas-diyes ako ng umaga tumungo doon, at bumalik ako ng ika-1 ng hapon dala ang lahat ng mga nabanggit.
Kailangan kong tapusin at siguraduhing maisumite ang lahat ng yun dahil ako at ang aking pamilya ay magdiriwang naman ng "Father's Day," ng araw na iyon.
Kaylan ko nabatid na kasama ang aking larawan sa patimpalak?
Lumipas ang Linggo at Lunes na wala akong natanggap na mensahe tungkol sa progreso ng aking isinumiteng larawan.
At habang ginagawa ko noong Martes ng hapon ang aking nakagawiang paglalakad at pagtakbo sa aming simbahan sa San Jose De Navotas Parish Church, isang text message ang aking natanggap.
Nung binasa ko na siya doon ko nalaman na pasok po ang aking entry.
Pero may mga bagay pa silang ipinapagawa na ang ilan ay hindi ko lubusang maunawaan.
Kaya ang magandang resolusyon nito na unang kuha ko ay ibinaba alinsunod sa alituntunin nito.
Ginawa itong 72dpi na lang at 40x30 na sukat nito kasama ang margin na one inch sa bawat sulok ng larawan.
May mga text din akong natanggap mula sa PIO na nagtatanong kung ano ang aking ginamit na pagkuha ng litrato, saan ko ito kinunan at kaylan isinumite.
Kaylan ko nakita ang mga napiling larawan at iba pang mga kalahok para sa patimpalak?
Nalaman ko lamang ang tungkol dito sa pamamagitan ng isang kumare na iti-nag ang ako sa Facebook. Mula doon nakita ko ang boto rin na nakuha ko na medyo mababa kumpara sa ibang mga kalahok. Kaya nagsimula na akong kumilos upang ipaalam sa mga kaibigan sa social media ang naturang patimpalak. Doon ko nakita ang kawalan ng interes ng ilan samantalang ang iba naman ay todo ang pagsuporta.
Ang iniisip ko na lang ngayon, hindi ko naman hahayaang matalo ako kaya hihikayatin ko pa ang aking mga kakilala na bisitahin ang website ng "Navoteno ako," sa Facebook.
Pero sa totoo lamang po para sa akin, isang napalakalaking karangalan na ang mapabilang sa paligsahang ito.
Unang beses akong lumahok pero para sa akin hindi man palarin ay tagumpay na para sa akin.
Ang mahalaga kasi ay makatulong din ako sa layunin ng lungsod na pataasin ang kamalayan ng mga mamamayan nito sa pantay na karapatan ng mga kababaihan sa lipunan sa kanilang tema..."navoTaAsNooBabae: Karapatan ng mga Kababaihan Ipaglaban.
Dahil may mga kapatid akong mga babae, ang aking ina ay babae rin, maging ang aking asawa at dalawang anak...nababatid ko na may tungkulin ako sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa isang paksang minsan ay hindi nabibigyan ng pansin ng ilan o binabalewala.
Doon ako sa magandang layunin, pangalawa o huli na lamang ang pagkilala o anumang parangal na aking makakamit kung ako'y papalarin.
Ngunit humihingi pa rin ako ng patuloy na suporta sa aking mga kaibigan hanggang ika-22 na lang ng hunyo ang botohan. Bisitahin lamang ang website ng lungsod ng Navotas na "Navoteno ako," at hanapin ang post na 1st Navoteno Photo Competition and Exhibition at piliin ang aking isinumiteng larawan na may titulong..."Padyak Hatid Tubig."
Kanina lamang din ng huwebes ng 2:30 ng hapon ako napadako sa lugar.
Navotas City, June 21, 2018 |
Ang inyo pong abang lingkod katabi ang larawan na kalahok sa 1st Navoteno Photo Competition and Exhibition, Navotas City Sports Complex, June 21, 2018, Thursday |
Photo entry: Padyak Hatid Tubig |
Bago pa nito, lalo po akong nagalak ng padalhan ako ng mga larawan kasama ang kuha ng aking photo entry ng isang kakilala at kaibigan sa dating trabaho.
Photo courtesy: Seymour Sanchez |
Photo courtesy: Seymour Sanchez |
Photo courtesy: Seymour Sanchez |
Photo courtesy: Seymour Sanchez |
Bagama't kagaya ng ilan sa mga lumahok sa paligsahan nangarap rin po ako na makakuha ng mataas ng boto sa pamamagitan ng pag-LIKE o PUSUAN ito.
Ngunit gaya ng mga naunang paligsahan may lalamang o mauungusan ako ng iba pang mga kalahok.
Ganunpaman, malaki ang pasasalamat ko sa mga taong malapit sa aking puso na bumoto sa aking photo entry ganundin sa mga taong hindi ko naman kakilala na hindi nagdalawang-isip na ipagkaloob sa akin ang kanilang boto.
Kabuuang bilang ng boto mula sa like at puso sa Facebook ng Navoteno ako, June 23, 2018, 1:40am |
Samantala narito ang Top 16 na listahan ng mga pangalan ng mga lumahok at ang larawang kanilang isinumite...
• AMAZONA - Maxie Agustin
• BAKAL-BOTE - Erika Faminial
• BIYUDA - Maynard Amantillo
• BOUNDARY - Michael Angelo Ang
• GALING NG BABAENG NAVOTEÑO - Bill Philip Ariega
• HANGGANAN - Rasal Lhaque Caseñas
• HAYUMA - Chad Ryan Mallari
• IBANG RELIHIYON, ISANG KARAPATAN - Joana Marie Masangkay
• KAKABAHAN - Marvin Martinez
• LIBRO - Pauline Eingel Nicole Calayag
• LOLA: NEGOSYO AT BENEPISYO - Dareth Layson
• LOVE > RIGHT - Guia Marielle Cruz
• PADYAK HATID TUBIG - Rodolfo Garabot
• PARA - Lucy Dela Cruz
• SHE KNEW - John Carl Marabi
• WOMEN'S PRIDE CHICKEN - Jastine Carasig
• BIYUDA - Maynard Amantillo
• BOUNDARY - Michael Angelo Ang
• GALING NG BABAENG NAVOTEÑO - Bill Philip Ariega
• HANGGANAN - Rasal Lhaque Caseñas
• HAYUMA - Chad Ryan Mallari
• IBANG RELIHIYON, ISANG KARAPATAN - Joana Marie Masangkay
• KAKABAHAN - Marvin Martinez
• LIBRO - Pauline Eingel Nicole Calayag
• LOLA: NEGOSYO AT BENEPISYO - Dareth Layson
• LOVE > RIGHT - Guia Marielle Cruz
• PADYAK HATID TUBIG - Rodolfo Garabot
• PARA - Lucy Dela Cruz
• SHE KNEW - John Carl Marabi
• WOMEN'S PRIDE CHICKEN - Jastine Carasig