Translate

Wednesday, September 23, 2015

Hanggang sa muli...kaibigang Boni!

Bonnie Andrew "Boni" Cruz



Nakilala ko si Bonnie Andrew Cruz, a.k.a. "Boni," when I was in UE during my College days.
One of the creative and intelligent people I know. Plus factor pa yung pagkakaroon niya ng "Bubbly," na personality.

Maliit lang kasi ang bilang nung A.B. Comm. Arts nun sa UE kaya sigurado magkakakilala kaming lahat.
Ang alam ko kay Boni, he's always a leader.
Kapag may class presentation for sure siya ang magiging leader.

I remember, we formed a group, Christmas season nun siya yung gumawa ng tula ng ipe-present ng grupo. Sabayang bigkas siya, so siya yung coach namin how to deliver every words.
Something like this yung content nung tula...
"Ito ba ang Belen ng bagong panahon, sira-sirang bubong at dingding na gawa sa kahon.
Magulong paligid o anong hirap mula roon. "

Isa pang memory, I had with Bonnie was when we were in the field kasama naman si Roman Cruz noon, kumakanta kami ng OST ng "Ang TV."'
Wag ka, ang ganda ng blending naming tatlo.

And also natatandaan ko nun, mahilig din siyang makipagpaligsahan sa isa naming kaklase na si Violet Grosser.
Yung palaliman ng English tapos ano yung meaning nun. Matatawa ka kasi kahit na alam nating mas marami siyang alam, minsan kapag may bago si Violet, iaadmit niya na ..."aba bago yun ah, hindi ko alam yun ha." At saka iisip ulit ng bagong ingles, lalabanan ulit si Violet.

Meron din chapter noon na pagkatapos ng klase namin, sabay-sabay kaming pupunta dun sa Tatay ni Nina Komiyama na masarap
magluto ng pagkain. That I believe, na si Bonnie rin nagendorse at nagpakilala sa amin.
At kung hindi naman at may mga pera pa kaming natira sa aming baon, dun kaming lahat magstay sa Mcdonalds sa Victoneta, Monumento.

And then, a few years after nung natapos ko na yung studies ko sa UE Caloocan, reality check ang hirap pala talagang humanap ng work.
Thru a common friend, I think si Cecil yun, nagsabi daw si Bonnie na need nila ng mga researchers sa "Balitang K," show ito ni Korina Sanchez sa Channel 2, bago pa naging "Rated K," siya sa ating generation now.
In short, nakapasok ako sa show na yun at dahil yun sa kaniya.

Mahirap nun ang work ko sa Balitang K, ang daming ginagawa ng isang Researcher.
I remember, halos 3 days ako sa ABS hindi na umuuwi.
And then, later on, even pati yung tinitirhan nilang maliit na bahay, inoffer niya pa sa akin na pwede rin naming tulugan kung hindi na kami makauwi.
That's how Bonnie care and love a friend.

Actually, hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sinc in yung pagkawala niya.
Parang nasasayangan nga ako kasi nga dahil sa dami ng talent ng taong ito...malamang at sigurado na malayo ang kanyang mararating.

Pero sa buhay ni Bonnie, nagiwan din siya ng isang mahalagang mensahe na dapat laging alagaan ang sarili.
Lalo na't kung ikaw ang inaasahan ng iyong pamilya, dapat wag kalimutang alagaan din ang sarili.

Malungkot ako at ang mga taong nagmamahal sayo sa pagkawala mo.
Pero gusto kong sabihin na salamat kaibigan sa isang napakagandang alaala.
Hindi ka namin malilimutan.

No comments:

Post a Comment