Magkakaroon po ng bakuna para sa Measles at Tetanus Diptheria ang mga batang nagaaral ng grade 1 at 7.
Ito po ay sa pamamahala ng DOH at pakikipagtulungan ng mga pampublikong paaralan sa Navotas.
Ito po ay nationwide na aktibidad sa buong buwan ng Septyembre ngayong taon sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa. Alinsunod sa memo ng DepEd Memorandum No.82 na nilagdaan noong Ika-31 ng Hulyo.
Sila po ay babakunahan sa kanan at kaliwang braso.
Hinihiling ng eskwelahan na dalhin ang record ng immunization ng inyong anak noong ito ay bata pa. Ito kasi ang magiging basehan kung ilang dosis na bakuna sa tigdas ang ibibigay.
Kung wala, sila ay otomatikong tatanggap ng dalawang turok ng bakuna laban sa tigdas na may isang buwan ang pagitan.
Mga posibleng epekto ng Bakuna
Fainting (pagkawala ng malay)
Swelling (pamamaga ng bahaging nabakunahan)
Fever (pagkakaron ng lagnat)
Rashes (pamumula ng balat o pagkakaron ng butlig)
Kung lalagnatin at may pamamaga sa bahaging nabakunahan...ipinapayong painumin ng paracetamol kada 4 na oras ang bata hanggang sa ito'y mawala.
Sa iba pong sintomas, gaya ng pagkawala ng malay at pagkakaron ng Rashes...dalhin at kumunsulta sa pinakamalapit na health centers.
Mga magulang sigaduhin lamang po na pakainin ang inyong anak bago gawin ang bakuna. At basahin ng mabuti ang lalagdaang kasunduan na galing sa DOH bago ito pirmahan.
No comments:
Post a Comment