2nd shot scheduled antirabies 21st of November 2019 Navotas Wellness Center |
May alaga kaming maliit na kuting na pusa sa bahay.
Alaga, as in pinapakain ng tama, may maayos na tulugan at pinapaliguan kapag kailangan na. In short, border na free ang board at lodging.
Nakita ko siya noon sobrang liit pa, kinakausap ko sumasagot sa pagmiyaw niya, puting-puti at may asul na kulay na mga mata. In short, kaakit-akit alagaan kaya dinala ko na sa bahay.
"Mina" The four-legged feline creature |
Pero sa kabila nito, hindi dapat natin inaalis ang pangamba na maaaring magdulot ito ng panganib sa ating mga buhay...dahil sa rabies na dala nito na maaaring makuha sa pamamagitan ng kalmot o kagat ng alagang pusa o aso.
Hindi nalalayo ang usaping ito sa nangyari sa aking panganay na anak na si Althea.
Kung saan sa hindi inaasahang pangyayari, nakalmot ito ang aming alagang pusa na si "Mina".
Isang mahabang kalmot sa kanyang kanang braso ang naiwan pagkatapos magpumiglas ang pusa na kumawala sa pagkakabuhat nito.
Sunod na eksena nagkukumahog na kami patungo sa Ospital ng Navotas at doon kami pinayuhan na dalhin ito sa San Lazaro Hospital upang maturukan ng kinakailangang antirabies.
Pero nung magawi kami doon ng gabi, iminungkahi nilang magbalik ng kinabukasan ng alas-otso ng umaga.
At mula doon, nagpagpasiyahn naming magasawa na dalhin na lamang sa pinakamalapit na Wellness Center sa Navotas kung saan makapagbibigay sila doon ng libreng turok ng mga antirabies na kinakailangan nito upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na mikrobyo sa katawan nito.
Facade of Navotas Wellness Center 19th of November 2019 Navotas City |
Ngunit 'tila hindi umaayon ang sitwasyon at pagkakataon sa aming pamilya...dahil sa isang maliit na coupon bond size na papel nakalathala ang anunsyong ubos na ang libreng antirabies vaccine para sa mga nakalmot o nakagat ng pusa, aso, daga at marami pang iba.
Nakakabigla pa na sa impormasyong ibinigay ng staff ng Wellness Center tatlong magkakaibang gamot ang kailangang iturok dito.
Una, ang speeda na ang halaga sa Mercury Drug ay P1, 199 pero pwedeng maghanap ng isa pang pasyente doon at maghati ang dalawa sa pagbili nito.
Speeda |
Nagbibigay daw ito ng immunity sa sinumang nakagat o nakalmot ng hayop matapos mangyari ang insedente.
Nariyan din ang "Equirab" na nagkakahalaga naman ng P1800 pero bibilhin ng pasyente ng magisa. Na para sa akin ay napakabigat sa bulsa ng pangkaraniwang pamilya.
Equirab |
Ang equirab naman ay nagtataglay ng antiviral substances na nakuha mula sa healthy blood serum ng isang kabayo na naimmunized upang lumaban o magprotekta sa katawan ng taong nagkaroon ng rabies.
Pero minabuti namin na sa unang araw ng pagbisita dahil mahal nga ang gamot ay maghagilap na lang muna kami ng halagang ipambibili dito.
Navotas Wellness Center Office |
Antitetanus shot for Althea |
Tinurukan din si Althea ng antitetanus bago ito umalis na meron naman ang Wellness Center.
Nakakabagabag ang madaliang pagkaubos ng mga nabanggit na antirabies na kailangan ng bawat pasyente sa aming lungsod.
Dahil kami nga mismo ay hirap na bilhin ito, paano pa ang ilan sa mga kababayan nating nagdarahop sa buhay?
Bago ang nasabing pagturok, standard operating procedure ng mga ito na siguraduhing walang anumang nakababahalang reaksyon sa katawan ng pasyente ang mga antirabies.
Sa pamamagitan ng isang injection, bibilugan ang maliit na bahagi ng tinurukan gamit ang ballpen. Dito na rin ilalagay ang oras na tatagal ng labin-limang minuto, reaksyon ng balat ng bata sa itinurok na antirabies.
Mainam naman at walang anumang reaksyon si Althea. Kapag naman lumagpas sa bilog ang marka, mangangailangan ang sinumang pasyente ng mahal na gamot na ayon sa manggagamot ay mabibili lamang sa San Lazaro Hospital at nagkakahalaga ng tumataginting na P8, 000.
Navotas Wellness Center |
Galing po ang inyong lingkod sa Medya, at nagkaroon po tayo ng personal na numero ng kasalukuyang alkade ng lungsod na si Toby Tiangco.
Nagpadala po tayo ng mensahe sa pamamagitan ng text tungkol sa sitwasyong ito. At inatasan ang isang pinagkakatiwalaang kawani na si Dr. Padolina upang tugunan ang kasalukuyang hinaing.
A text conversation with Mayor Toby Tiangco City Mayor, Navotas |
Nagkaroon po tayo ng pagkakatataon na makausap si Dr. Padolina sa pamamagitan ng tawag sa cellphone.
At doon nga, nabanggit nito na nakipagunayan na siya sa DOH para kawalan ng supply ng antirabies sa Navotas. Ngunit wala pa rin daw kasing tugon ang mga ito sa kanyang isinulat.
Nakipagusap na rin ito sa mga LGU's na magbigay agad ng tugon kung may maibabahagi pang antirabies sa mga kalapit na lungsod.
Pero habang ginagawa ang prosesong ito, na sa tingin ko po ay magtatagal pa...wala ng natitirang panahon sa aming anak na si Althea kaya walang kibit-balikat naming tinanggap ang sitwasyon at hinarap ang mga gastos.
Ang bawat pasyente na nakagat o nakalmot ng mga hayop ay kailangang turukan ng apat na beses ng mga nabanggit na antirabies upang hindi ito mauwi sa pagkawala ng buhay.
Sa mga hindi po nakababatid partikular na po sa lungsod ng Navotas sa pagkakapasa ng batas tungkol sa tamang pagaalaga ng hayop, ay obligasyon po ng mayari na siya ang magbayad ng anumang medical expenses ng nakagat na biktima.
Kaya kung kayo naman po ay responsible pet owners dalhin po ang inyong mga alagang hayop, irehistro sila at pabakunahan.
Equirab injection 21st November 2019 Navotas Wellness Center |
Muli po nagpapaalala po tayo sa ating mga kababayan na hindi po dapat binabalewala o ipinagsasawalang bahala ang maliit man o malaking kagat/kalmot ng mga hayop.
May dala po silang nakakamamatay na rabies na maaaring kumitil sa buhay ng iyong minamahal.
Sa paunang lunas, hugasan po sa running water ang nakalmot o nakagat na bahagi ng katawan sa loob ng limang minuto at gamitan ng sabong panlaba dalhin mas malilinis nito ang bahaging maaaring infected na ng rabies.
Ngayon po, gaya namin huwag ng magdalawang-isip na ipatingin at ipagamot sila. Laging tatandaan..."Prevention is better than cure!"