Translate

Tuesday, April 3, 2018

Our First Family Visita Iglesia

Concepcion Church, Malabon City

Hindi ko pa talaga naranasan na mag-Visita Iglesia simula ng nagtrabaho ako.
Para kasing dalawang bagay lang yung pagpipilian ko ang pumasok sa work o magpahinga na lang sa bahay (staycation baga). Pero I always end up working dahil kailangan mong magduty.

So, with that kind of experience before, hindi ko masyadong nararamdaman ang mahal na araw lalo na ang pakahulugan nito sa mga katolikong gaya ko rin.


ANO ANG VISITA IGLESIA AT ANG KAHALAGAHAN NITO?

Ang pagbisita sa ibat-ibang simbahan o VISITA IGLESIA ay ginagawa taon-taon ng mga katoliko saan mang bahagi ng mundo. Sa nakaugalian ito ay isinasakatuparan tuwing "HUWEBES," o "HOLY THURSDAY," kung saan sa nakagawiang tradisyon PATAY PA ANG PANGINOONG HESUKRISTO.

Concepcion Church, Malabon City.


Kung ating mapapansin ang imahe ni Hesus, ang tagapagligtas ng mundo na anak ng Panginoon, kasama ng iba pang mga SANTO ay binabalutan o balut ng kulay "LILA," o "VIOLET," na tela na ang ibig sabihin ay simbolo ng pagluluksa o pagdadalamhati.

Bagamat sinasabi ng ilan na kung gagawin mo ang "VISITA IGLESIA," dapat ay makapito kang simbahan man lang ngunit ang iba dinodoble pa ang bilang nito o higit pa.
Pero ang pakiwari ko rito ay hindi ito paramihan ng simbahang mabibisita o 'tila parang "KARERA," o "RACE," sa iba...susukatin natin dito ang lalim ng ating "PANANAMPALATAYA".

Wala naman din ito sa tagal ng pananatili sa simbahan kundi sa iyong bukal na instensiyon na isa kang katoliko at TAIMTIM na NANANALANGIN sa Panginoon bilang bahagi ng pagpapakita ng iyong DEBOSYON.

Nakakausap ako ng isang matandang babae na una ay nakisuyong kunan ko siya ng larawan sa harap ng simbahang nabisita na nito. Ayon sa kanya, nadismaya siya sa ilang simbahang hindi man lamang naglagay ng "STATION OF THE CROSS," o lugar panalanginan ng mga debotong gaya niya. Idinagdag niya pang ano raw ba ang iniisip ng ibang mga simbahan, hindi na mananalangin ang mga tao?

San Bartolome Church, Malabon City.


Bagamat may ilan ngang simbahan na hindi na nag-abalang maglagay ng mga station of the cross na aming nabisita rin.


UNANG VISITA IGLESIA KASAMA ANG BUONG PAMILYA

San Jose Parish Church, Palm Sunday, Navotas City.

Naalala ko na napag-usapan naming mag-asawa nung kami ay dumalo ng araw ng LINGGO NG PALASPAS na aming paghahandaan ang nalalapit na VISITA IGLESIA sa MAHAL NA ARAW.
Pero pinili naming umalis ng bandang hapon upang iwasan ang nakahahapong init ng araw.

Bukod dito kasama rin kasi namin ang mga bata na kauna-unahang beses lamang ding masusubukan kung ano nga ba at bakit ginagawa ang tradisyomg ito.
Naisip namin na sa kanilang murang edad, mahalaga na ngayon pa lang ay mulat na sila dito gaya din ng ginawa ng aming mga magulang noong kami'y mga bata pa lamang.


VISITA IGLESIA SA MGA SIMBAHAN SA NAVOTAS AT MALABON

San Jose Parish Church, Navotas City.


Nagsimula kaming bisitahin ang PAROKYA ng aming MAHAL na SAN JOSE,
o SAN JOSE PARISH CHURCH sa NAVOTAS.
Dumating kami doon halos ika-lima ng ng hapon at tila magdaraos ng misa ang naturang simbahan.
Malapit sa amin ang simbahang ito, lalo't higit sa akin na dito na lumaking nagsisimba mula pa noon.

Bagama't mayroong malaking gate ang naturang simbahan...bukas ito sa mga taong nais pumunta rito kahit na hindi magsisimba. Dahil maluwag ang ito sa umaga ay puntahin ito ng mga taong gaya ko na madalas ay tumatakbo rito o nage-ehersisyo araw-araw.
Magandang lugar din ito para magsanay ng larong volleyball, basketball, maglaro ng badminton at marami pang iba.



Kami ay panandaliang nanalangin at saka nilisan ang lugar upang magtungo naman sa aming susunod na bibisitahing simbahan.


San Roque Parish Church, Navotas City.


Ang aming pamilya ay dumako naman sa SAN ROQUE PARISH CHURCH," o "PAROKYA NI SAN ROQUE".

Isang maliit lamang na simbahan at dumating kami roon ng may mga nagsisi-awit na CHOIR.
Sa labas ng simbahan makikita mong may bahagi nito kung saan maaari kang magsindi ng iba't-ibang kulay ng kandila PUTI, DILAW, PULA at marami pang iba.
Bagama't walang station of the cross...may isang bahagi na malapit sa sindihan ng mga kandila na lugar upang ikaw ay makapagnilay-nilay rin.



Bagama't hindi ito ang mismong lugar kung saan ako nagsisimba kasama ang aking pamilya tuwing linggo, paminsan-minsan noon ay napupunta rin ako sa lugar. Ganunpaman, ito ang unang beses na napadako ang aking pamilya sa simbahang ito.

Sto. Nino Church, Navotas City.

Sunod naman naming pinuntahan ang STO. NINO CHURCH, isang maliit ngunit maaliwalas na simbahan. Hindi ko maalala kung nagsimba na ako dito noon, pero ang alam ko kasi ito ay isang maliit na kapilya na kaylan lang muling nagkaron ng Pari o regular na nagdaraos ng misa tuwing linggo.




Ang aking alaala sa lugar ay libreng nakakapagburol ng patay sa tabi ng simbahan nito.
Hindi rin naman kami nagtagal sa lugar na yun at tumungo na susunod na simbahan.

Ang susunod naming destinasyon ay kailangang lumabas ng NAVOTAS dahil ang simbahang ito ay matatagpuan sa MALABON. Ngunit dahil halos magkalapit lamang ang dalawang siyudad na ito at kalimitang pinag-uugnay lamang ng mga malilit na tulay madali itong puntahan ninuman.

Mas pinili namin ang madaling paraan upang marating ang naturang simbahan, sa transportasyong hindi gamit ang dyip, tricycle de motor o de-padyak kundi sa pamamagitan ng pagsakay ng isang bangka.

Family Banca Ride going to Malabon

Isa sa mainam na at matipid na biyahe papuntang Malabon ay ang pagtawid sa isang bangka.
Sa aming lugar may dalawang tawiran ng bangka doon, ang sa amin ay sa Tres samantalang ang isa pang tawiran ay matatagpuan malapit sa San Roque sa Navotas.
Sa halagang limang piso nakakasakay ka na ng bangka kasama ang iba pa, pero kung nais mo naman ng SPECIAL TRIP o MAG-ISA dahil ika'y nagmamadali...kailangan mo lang magbayad pa ng halagang sampung piso.
Pero madalas hindi ka rin mag-isang sakay ng bangka, kadalasa'y isinasabay ka na rin sa iba pang mga gusto ring tumawid.

Sakay ng bangkang ito...makatatawid ka na papuntang MALABON para sa iyong sunod na VISITA IGLESIA sa simbahan ng CONCEPCION o CONCEPCION CHURCH.

Conception Church, Malabon City.

Bago ka tuluyang pumasok sa loob nito, sa labas nito ay bubungad sayo ang napakalaking imahe ni KRISTO.





Sa labas sa gilid ng simbahan makikita ang STATION OF THE CROSS.
Kapansin-pansin ang mga KRUS na nakatindig gamit ang MONOBLOCK na mga bangkuan.





Mula sa Simbahang ito, hindi nalalayo ang SAN BARTOLOME CHURCH, isang malaking simbahan na itinayo pa noong 1861.
Ito ang pinaka-kilalang simbahan sa Malabon.

San Bartolome Church, Malabon City.

Naging bahagi ito ng aming buhay ng pinili naming binyagan ang aming bunsong anak na si Mikayla noong Nobyembre taong 2015.




Nagdaraos ang simbahan ng misa ng kami ay dumating...at matapos maglaan ng maiksing panalangin lumabas na kami at sa labas nito naroroon ang kanilang STATION OF THE CROSS.
























Matapos naming bumisita sa naturang simbahan, nagdesisyon na kaming maghapunan na muna.
Sa huling simbahan na aming binisita sa labas nito bumungad sa ami ang mga NAMAMANATA sa pamamagitan ng "PENITENSIYA".



Medyo matagal na ng huli akong nakakita ng mga taong nilalatayan ang kanilang likod, at pagkakita ko rito lumapit ako agad tiningnan ng malapitan. Buhat ko noon ang aking dalawang-taon gulang na anak na hindi ko naisip na matatakot at mabibigla sa kaniyang makikita.
Ngunit hindi rin naman kami nagtagal pa...maya-maya ay pumasok na rin kami sa loob.

San Ildefonso Church, Malabon City.

Kilala ito bilang SAN ILDEFONSO CHURCH, na ngayon ay kasalukuyang UNDER RENOVATION. Maliit lamang ang simbahang ito at ang kaniyang lokasyon ay sa baba ng tulay o pagakyat ng tulay papuntang MALABON rin.

Halos tatlong oras din sa kabuuan ang inabot para lamang mapuntahan namin ang mga simbahang aking nabanggit. May maliit pa sana kaming simbahang pupuntahan ngunit ang maliit na kapilyang ito ay sarado noon.


Ang alaala ko noon ng MAHAL NA ARAW ay ang pagpila naming buong pamilya sa isang simabahan sa TONDO na kilala ng lahat na simbahan ng BANGKULASI.
Hindi ko yun makakalimutan dahil sobrang haba ng pila ang kailangan mong tiisin, mapasok lamang ang simbahan. Marami rin kasing gaya namin noon ang nais na bumisita doon.


HULING PANALITA

Bagama't hindi matutumbasan ninuman ang sakripisyong ginawa ng PANGINOON sa pagkamatay ng kanyang BUGTONG NA ANAK na si HESUKRISTO upang tubusin ang ating mga kasalanan...isa ito sa pinaniniwalaang sakripisyo ng mga KATOLIKO saan mang bahagi ng mundo upang maipakita ang kanilang PANANAMPALATAYA sa DIYOS patay man o BUHAY.


No comments:

Post a Comment