Translate

Friday, January 13, 2017

SECURITY BANK...WRONG PIN CASE


I've been hearing about scenarios some of my co-workers encountered with their ATM withdrawals, the very famous was they were being "debited," (no money came out from their ATM's, yet there were told that a certain amount of money were deducted on their account).
Some were shocked, because their ATM's were "eaten by the machine."

But mine was another experience really bothering.
Last night I tried making a withdrawal inside one popular mall in Mandaluyong and apparently, I was told by the machine that I "entered a wrong pin."

Never had any previous scenario before. And really...I do not know how to deal with it.

First thing that entered my mind was to report about the case and also inquired on how to resolve it.
So, it happened. I spoke to the operator and was told about a procedure that I will do to fix it.

I was in the mall making a call using my mobile phone. I don't know, are they existing pay phones inside? But I am in a hurry and worried. So, I dropped the idea of locating one.

Instructions were given, but since I am really uncomfortable with the setting, much of the information that I need to do were not understood. But there's one important detail that was pressed on my mind, I have to fix it using a personal computer.
I began thinking twice doing this. Why? Because I think that renting a computer was a waste of money.
Instead, I began resolving it by calling a co-worker for the instructions and tried accomplishing it using my mobile phone.
Well, I tried harder as in. But it seemed that things I need to click was not there.
Apparently because, our mobile phones has different settings compare to personal computers.

After a long process, I gave up. It was really tiring. I just told my wife to cook for our dinner, supposedly, I was tasked to buy, but because I can't withdraw and only has a hundred plus money on my wallet, I dropped the idea.

And then came another day, at the office later this morning I called for an operator assistance and we were able to unlocked it. I was actually instructed to check after but unfortunately, it was a failure.

So, I called them again and asked for the nearest branch, found one and went there.
The process almost lasted an hour. A 15 to 20 minutes were spent waiting for my number to be called and the remaining time which was I believe too long were allotted waiting for an email response to fix the problem.

I was just lucky to have assisted by a very friendly bank assistant (Maria Zarina Gumba.."Yna," for short), It wasn't actually done but I took the liberty of vacating the bank.

At the time, I was still working and just left the office to personally visit and fixed the problem.
Yna and I exchanged numbers, and we agreed to update me for the progress.
After a while, I was told it was fixed.
The very first thing I did was to visit the nearest ATM Machine in the building...but again on the machine monitor reflected that I again "entered a wrong pin."

I was so dissapointed. I called Yna again and told her about it.
And I end up, going back again to the bank and there what I did was to do an over the counter withdrawal of the only remaining money on my account.

The sad part was, I need to visit the bank again on Monday to make another "over the counter," transaction. And to make the matters worst...drop by again on Friday for securing a new pin, standard operating procedure was 5 working days. This was because, the request was coming from their main office.
And again, I was left with a choice to follow and wait.

I also realized at the end that bank transactions cannot be done by just making a call or by just visiting their website...one that we always have to consider is still a face to face interaction in resolving this.

Hopefully, everything went well after I performed all those mentioned tasks.

-----------



PROGRESS

A week after, finally I was able to change my pin.
I was then assisted by a bank employee named..."Yna."
I am now excited to go to the ATM machine and withdraw directly!


Thursday, January 5, 2017

DIE BEAUTIFUL: A MOVIE TO DIE FOR!


At dahil bumisita si Paolo Ballesteros sa CNN Philippines...nagkaroon po tayo ng pagkakataon na makausap at makapagpa-picture sa kanya!

With Paolo Ballesteros at CNN Philippines, January 13, 2017 (Fri)

Metro Manila Film Festival Parade, December 23, 2016 , Friday
Paolo Ballesteros as "Trisha" 

Halos araw-araw natin siyang napapanood sa isang noon time variety show ng GMA7 na "Eat Bulaga," bago pa nito gawin at pagbidahan ang "Indie film," na "Die Beautiful."

Matatandaang nagsimulang magingay ang pelikula ng magwagi si Paolo Ballesteros,  bilang
"Best Actor," sa  nakaraang "29th Tokyo International Film Festival," sa Japan nitong 
November 3, 2016.

From GMA News Online

At makalipas ang mahigit isang buwan...iginawad naman ng
"21st International Film Festival of Kerala India," ang "Special Jury Award  for Outstanding Performance," kay Paolo Ballesteros.

From @pochoy_29 Instagram Account

Pero 'tila ito pa lamang ang simula ng mga magaganda pang oportunidad kaalinsunod ng pagkakabilang ng kanyang pelikula na idinerehe ni Jun Lana nitong November 19, 2016, sa opisyal na listahan ng mga pumasok para sa taunang  "Metro Manila Film Festival." Dahil mula rito ay kinilala muli si Paolo Ballesteros, bilang "pinakamahusay na aktor," sa kanyang 'di matatawarang pagganap bilang "Trisha Echaverria/Patrick," sa pelikulang "Die Beautiful."

Umani rin ng pagkilala bilang "Ikalawang pinakamahusay na aktor," ang kasama nitong artista na si Christian Bables o "Barbs," bestfriend nito sa pelikula.

Ito na rin ang naging basehan ng karamihan, kasama po ang inyong lingkod na panoorin ang naturang pelikula.
Bilang manonood na walang alam o idea sa istorya ng pelikula at 'tila natutong umunawa sa kuwento nito sa pamamagitan lamang ng kanyang pamagat...akala ko po ay tungkol ito sa isang make-up artist na bumubuhay ng patay sa pamamagitan ng pagpapaganda rito at kokupyahin ang isang tanyag na artista o popularidad ngunit lumagpas ito sa aking inaakala at hinigitan pa nito ang ekspektasyon ko sa naturang pelikula.



KAKAIBANG PAGHAHABI NG KUWENTO

Bagama't nagsimula ang kuwento ng pelikula sa isang batang bakla na animo'y kalahok sa isang gaya ng sa Miss Universe pageant  na nagpapalit-palit ng kasuotan na naunsiyame naman dahil sa pagdating ng ama nito na si "Joel Torre,"  matapos nito ay ipinakita na ang eksena kung saan pumanaw na ang bidang artistang si Paolo Ballesteros, o mas kilala sa Pelikula bilang "Trisha Echevarria," at Patrick naman habang kinukubli ang totoong kasarian sa kanyang Ama.

Nakita rito ang gulat na gulat na ampong anak na si "Adora," sa lugar kung saan ibuburol ang kinikilalang ina-inahan nito.
May mga bahagi rin ng pelikula kung saan upang ipakilala ang iba pang mga karakter sa pelikula ng bidang si Trisha/Patrick kailangang balikan ang nakaraan.
Halimbawa, ang pagdating ng asawa na naging ex-boyfriend nito na ginagampanam naman ni Luis Alandy bilang Jesse sa burol nito.

Hindi pangkaraniwan sa nakaugalian na paglalahad ng kuwento ng ilang mga pelikula sa mainstream kung saan ang mga bida ay ipinapakita noong sila ay bata pa.
Naiiba ito dahil naglalahad ng kuwento ang manunulat na minsan ay nasa gitna ang kuwento, babalik sa kasalukuyan, o minsan ay sa kung paano ito magtatapos. 
Bagama't hindi bagong atake, naging tagumpay pa rin ito sa paglalahad kung saan maiintindihan ng lahat ng mga manonood ang buong istorya.


HINIMAY NG MABUTI ANG KARAKTER NG BIDANG ARTISTA

Kung titingnan mo para lang itong kuwento ng isang baklang kontesera (period). Pero hindi po. 
Hindi lang din ito simpleng kuwento ng talambuhay ng bading na nangarap na darating ang panahon mananalo rin ito at kikilalanin bilang isang beauty title holder.
Ipinakita sa pelikula ang ilang mga mahahalagang isyu at pagsubok na pagdaraanan ng isang baklang Una, hindi tanggap ng lipunan ang napili nitong sexual orientation. 
Isa na rito ang kanyang ama na itinaboy na siyang tuluyan dahil pinanindigan nito ang desisyon na maging bakla.

Pangalawa, ang mga taong nasa lipunan na nakakahon din ang pananaw sa isang uri ng kasarian. 
Gaya ng isang eksena kung saan hindi pinapayagan ng bouncer si Trisha na gumamit ng palikuran ng mga babae sa isang Club kahit na bihis at kilos babae naman ito. Bagkus ay pinipilit siya nitong sa banyo ng mga lalaki pumunta.

Pangatlo, ang laging turing sa kanila na isang "Sugar Mommy,"  o "Palabigasan,"
ibibigay ang lahat sayo ibigin mo lang sila.

Bahagi ng pelikula ang pagbisita ng magkaibigang Trisha at Barbs sa isang Gay Bar, kung saan nakilala nito ang isang macho dancer na kalaunan ay naging karelasyon o boylet na nito. 
Isang matinding sakripisyo ang ginawa nito dahil imbes na unahin ang sarili sa operasyong kailangan niya upang maging ganap na babae ang katawan niyang "Adan," ipinagawa na muna nito ang malaking ilong ng karelasyon.
Na sa kalauna'y, hindi rin naman naging happy ang ending dahil ipinagpalit rin siya nito sa isa ring bakla.

At ang ikaapat, pinakamatinding bahagi yung itinuturin sila bilang isang "Sex Object," o isang parausan.
Isang matinding eksena, kung saan sumama si Patrick sa crush na crush nitong binatang basketball player. Ang sumunod na eksena pinagpapasasaan na ito ng naturang lalaki na sinundan pa ng tatlong lalaki pa. 
Nabanggit sa pelikula na pumayag naman ito ng kusa sa kondisyon na mauuna ang crush nito na makipagtalik sa kanya...pero huli na ng maramdaman nito na naaabuso na siya.


MAHALAGANG MENSAHE NG PELIKULA


Ang lahat ng bagay ay may kasalungat.
Alam natin na may umaga, at magkakaroon din ng takip-silim.
May maligayang bahagi ng buhay at minsan ay kalungkutan naman.
Isang malinaw na mensahe ng pelikula ay ang paghahanda ng bawat nilalang sa pagtatapos ng ating buhay.
Dahil ang pagsilang ay direktang kasalungat ng kamatayan.
Isang bagay na alam naman nating lahat, ngunit iniiwasang gawing paksa o pagusapan.

Naipakita rin sa pelikula na hindi dapat pinahahalagahan ang katawang lupa, dahil kagaya ng lahat ng mga bagay na nilikha at umusbong, tatanda at mamatay at babalik ito sa pagiging abo.
Bagama't inangat ng pelikula ang bahagi kung saan kagandahan ang mahalaga...sa huli mawawalang saysay rin ang lahat ng mga bagay na ito.