Translate

Tuesday, May 26, 2015

Working Girls:The Movie Review


Sabi nila may "battle of sexes," between male and female. And it originated sa mga bagay na kayang gawin ng mga lalaki na hindi raw magagawa ng mga kababaihan. But I was one of the many people, na hindi na naniniwala dito. No offense for some guys like me, iba na ang mga babae ngayon...kayang-kaya na nilang makipagsabayan sa anumang larangan.
Isa sa mga pelikulang nagawa noon na aking hinangaan ay ang kuwento ng mga..."Working Girls."
Hindi po natin pinaguusapan ang isa pa ring pelikula na may kaparehong titulo na ginawa ng dekadang ito, kundi ang pelikula noong dekada otsenta o 80's movie na likha ng batekang direktor na si Ishmael Bernal.
Bagama't nahahawig ito sa isang ring kaparehong titulo sa Hollywood ang "Working Girls," ni Oliver Stone at at nang kay Michael Nichol's na "Working Girl," masasabi nating orihinal ang kuwentong ito.

Click the link below for more details:
http://www.spot.ph/entertainment/56367/retro-review-working-girls


ANG BUOD NG KUWENTO

Sa isang maunlad na siyudad sa Makati iikot ang kuwento ng pitong magkakaiba ngunit magkakaugnay ng mga babae ng isang prestiyosong kumpanya ang "Premium Bank."
Si Hilda Koronel (Carla Asuncion), isang Top Executive ng nasabing kumpanya na ang nature ng business ay mag-approve ng mga loans. Ang kanyang desisyon na pahiramin lamang ng maliit na halaga ang businessman na si Mr. Jefferson Lee, ang kalauna'y magluluklok sa kanya sa kumpanya bilang Senior Vice President nito. Bagama't pilit na binabalanse nito ang karera at ang pagibig sa kasintahang si Roy, ang promosyon nito ang magiging daan na unahin muna ang trabaho at talikuran ang minamahal.
Mayroon mang sariling kinahaharap na problema, siya ang tutulong sa kanyang sekretarya na si Rio Locsin (Isabel), na noon ay may secret affair at kalauna'y mabubuntis ng isa ring top executive na si Tommy Abuel (Raul Leuterio.)
Sa isang konprontasyon kay Raul sa pelikula...igigiit ni Carla ang karapatan ni Isabel, na magiging daan para makakuha ng suportang pinansyal ang batang dinadala nito.
Si Raul ay gaganap na biyudo na may kaliwa't kanang love affair sa mga kababaihan...kasama na ang artistang si Baby Delgado (Amanda), na kasalukuyang namang nililigawan nito.
Ngunit kasabay nito pilit namang pipikutin ng Alaherang si Gina Pareno (Nimfa), si Raul na ang tanging nais ay magkaroon ng Amang taga Makati at isang executive ang bastardong anak. Ngunit dahil tuso ito, hindi man niya nakuhang magpakasal sa kanya ang lalaki...tatakutin naman niya ito sa tulong ng ilang mga kakilala upang makunan ng malaking halaga ng salapi.
Sa isang banda, ipakikilala rin ang katauhan ni Chanda Romero (Ann), isang maybahay na may lumalagong karera sa buhay. Pero ang kanyang tagumpay ang pagmumulan nang away nilang magasawa na mauuwi sa hiwalayan. Dahil hindi kasing successful ni Ann ang asawa...iisipin nitong may iba itong kalaguyo at pagseselosan ang isang kaibigan at kasamahan sa trabahong si Robert Arevalo (Ed Gonzales). Isang Byudo at nanliligaw naman kay Ann sa pelikula.
Kung pagibig ang problema ni Ann, sa pera naman maiipit si Maria Isabel Lopez (Rose), kaliwa't-kanan ang utang sa mga kasamahan sa trabaho kaya't kalauna'y  mapipilitang gamitin ang ganda at katawan para makabayad ng utang at masustentuhan ang luho. Pero sa pagtanggap nito sa panibagong hamon ng buhay, hindi inaasahang may darating na bagong pagibig sa kanya. Ngunit sa 'di inaasahang pagbabagong buhay, mabibigo ito dahil madi-diskubreng minsan na niyang nakasiping sa kama ang Ama ng kaniyang pakakasalan.
At ang maharot, maingay at malanding karakter ni Carmi Martin (Suzzane Galang),  na isang ring sekretarya ng iisang kumpanya na nagpapalipat-lipat at sumisiping sa kanyang boss dahil sa ambisyong manatili sa posisyon at guminhawa ang buhay.
Hindi nito inaasahan na darating si Mr. Right sa kanya sa katauhan ni Edu Manzano (Danny Prado), na sa kalauna'y mahuhulog din naman ang loob sa kanya.

MAHUSAY NA PAGLALAHAD NG KUWENTO

Akala ko noon (nung 80's era) hindi pa uso ang paghahabi ng kuwento kung saan maraming mga karakter na magkakaugnay o kabit-kabit.
Parang nanonood tuloy ako ng mga banyagang pelikula gaya ng "Valentines," at "What to expect when you're expecting," na ang daming mga involved na characters sa istorya.
Pero aaminin ko na namulat ako sa ganitong istilo ng pagku-kuwento nung makita ko ang pelikula na gaya ng "Jologs" ng Star Cinema at ang "One Night Only," na under rin ng Viva.
Nakasanayan ko kasi ang mga pelikulang iilan lamang ang mga bida na karaniwan ay mga sikat na aktor at aktres ang gumaganap...ibang-iba sa "Working Girls," ni Bernal.
Dito hindi ka maiinip kasi nga sa dami nila maaaliw ka. Lalo mo tuloy tututukan kasi nga interesting ang mga characters at walang dull moment.
Sa kagaya kong manonood tila napaka-palad ko kasi nga sinusulit nito ang pera na ibinayad ko para magpunta ng sinehan at manood ng hindi lang iisang kuwento kundi higit sa lahat nagtataglay ito ng isang makabuluhang paghahabi ng mga kuwento.

ANG KUWENTO AY NAGLALARAWAN NG KUWENTO MO AT KUWENTO KO

Ilan nga ba sa atin ang hindi pipiliin ang magandang karera sa trabaho para talikuran ang pagibig?
Hindi ba maraming ganitong uri ng mga desisyon?
Baka nga isa ka sa mga Carla Asuncion sa pelikula.

Ilan naman sa atin ang kagaya ni Isabel na magkakamali at magkikibit balikat na akuin na lang ang responsibilidad magisa at pipiliin na maging isang single mom na lang...kapalit ng walang habas na paghusga sa kanya ng mga tao sa kanyang lipunang ginagalawan?

At ilan namang Rose ang papipitas kung kani-kanino at kakapit sa patalim para kumita ng pera?
Aminin man natin o hindi may mga ilan na ganito na ang nakagawiang buhay.
Kung saan nilunok na nilang lahat ang pride at kahihiyan mabuhay lamang ang pamilya at sarili.

Ilan naman sa atin ang magiging tuso gaya ni Nimfa at manlalamang sa mga gaya rin niyang mapagsamantala?
Sa madaling salita, kaysa sa ikaw nga naman ang malamangan, sila na lang ang lamangan mo.

At wala bang kagaya rin ni Suzzane na laging iisipin ang kapakanan at gagamitin ang angking ganda ng katawan at kabataan upang makapang-akit ng iba?
Maaaring isang mapangahas na galaw, pero kung ito nga lamang ang makapagpapanatili sa kanya sa isang matatag na posisyon...bakit nga naman hindi.

Bakit hindi mo nga rin naman pipiliin na magmahal at magpakasal sa kagaya mong mayaman at may sinasabi at posisyon na rin sa isang kumpanya?
Hindi nalalayo ito sa naging desisyon ni Amanda.
Dahil batid nito na ito ang pinakamainam na paraan upang mapanatili ang maganda niyang estado sa kasalukuyan at maging sa hinaharap.

At ilan naman sa atin ang inaaalok ng magandang career pero nagdadalawang-isip na kunin dahil isinasaalang-alang ang masasaktang pride nang asawa.
Isang desisyon na bumabagabag kay Ann...kasama na ang isang manliligaw na very perfect for him biyudo, mayaman, matalino at may mataas na posisyon sa isang kumpanya.

Ilan lang ito sa mga karakter na buhay at sumasalamin sa bawat isa sa atin na masasaksihan sa pelikula ni Bernal.

MGA KAPUNA-PUNANG EKSENA SA PELIKULA

Sa paglalahad ng kuwento ng pelikula, maraming bahagi sa eksena ang may kasamang "sex scene." May eksena kung saan naroon ang mga bida sa loob ng hotel o condo. Marahil bahagi ito talaga ng kuwento o isang mainam na kalakip na sangkap upang mas maging maganda at maipakilala ang mga karakter na mga gumaganap sa pelikula.
Pambihirang halikan ang ipinakita ni Gina Pareno (Nimfa), at Tommy Abuel (Raul Leuterio), sa kanilang eksena hindi mo tuloy makikita na inaarte lamang nila itong pareho...naging makatotohanan ito dahil sa torid nilang kissing scene. Kung baga sa pabalbal na salita, naroon ang hinihinging "Libog," sa eksena.
Bagama't sana ay mas higit na naipakita ang libog sa pakikipagtalik ni Maria Isabel Lopez (Rose), sa mga kalalakihang pumapayag siyang sumiping...sa bahaging iyon pa nagkulang.
Iniisip ko na lang na mahigpit din ang "Censorship," noon kaya hangga't maari walang maselang parte ng katawan at mahalay pang eksena ang makikita sa pelikula.
Pero halos lahat ng bida sa "Working Girls," ay mayroong bed scene, bukod sa dalawang unang nabanggit, mayroon din nito si Carmi Martin (Suzzane Galang), at kunwari'y bedscene ni Hilda Koronel (Carla Asuncion), sa Nobyo nitong si Roy at ni Chanda Romero (Ann), kay Robert Arevalo (Ed Gozales).

IBA'T-IBANG KINAHANTUNGAN NG MGA BIDA SA PAGTATAPOS

Ganun naman talaga ang buhay, hindi laging nagtatagumpay at hindi rin naman laging nabibigo.
Ganito ang kinahantungan ng pito sa mga pangunahing karakter ng pelikula. Minsan kahit na masama ang ugali mo gaya ng babaerong si Raul Leuterio, maaari ka pa ring magkaroon ng magandang buhay. Mali nga lamang dahil ginagamit mo ang iyong kapangyarihan at salapi para makamit ito. Na gaya naman din ni Suzzane Galang, na gumawa muna ng hindi magagandang bagay bago tuluyang sumaya at maging suwerte sa buhay.
Pero sa totoo lamang, ikaw ang gagawa ng sarili mong kapalaran. Totoo na minsan kailangan mong magkamali. Pero ang mahalaga matuto ka rito. At isang katangahan kung mauulit muli ito na 'tila parang nakasanayan muna. Isa lang ang totoo, para magtagumpay sa buhay, gawin at piliin mo ang tamang daan at landas. Desisyon lang 'yan, Pero ito ang bagay na magdadala sayo sa anumang larangan na gusto mong magtagumpay.























No comments:

Post a Comment