Translate

Monday, June 17, 2013

Cheche Lazaro Presents...Si Ser Chief, Si Maya, at ang Teleserye.


Isang makatawag pansin ang naging paksa at sentro ng dokumentaryo.Nagawa nitong pukawin ang atensyon ng mga manonood. Marami kasi sa ating mga pinoy ang sumusubaybay sa naturang teleserye.

Nakakatuwang panoorin ang ginawang pagtalakay dahil iminulat tayo nito sa mga bagay na dapat nating malaman.
Aaminin ko, isa ako sa ilang masugid na tagasubaybay ng naturang dokumentaryo at hindi man madalas na nonood ng teleseryeng..."Be Careful with My Heart" ay alam ko kung pa'no tumatakbo ang istorya.

Sa paggamit ng paksa, may ilan lamang akong mga kapuna-punang bagay na nakita.
Ang ilan sa mga ito ay magiiwan sa'yo  ng katanungan... mapapaisip ka ha? Bakit ganun?

Una, ang dokumentaryo ay dapat na ginawa upang alamin kung bakit nahuhumaling ang tao sa teleserye. Hindi sa kung anong teleserye ang sikat na sikat ngayon.

Pero ang pagpili ng pamagat ay isang mainam na paraan upang makatawag ng pansin ng mga manonood. Kung baga doon sa titulo pa lang alam mo na kung ano ang iyong dapat abangan.

Isang sinasadyang pagkakataon upang paboran ang istasyon ng telebisyon na gumawa at nagpapalabas nito. Upang mas lalo pang pag-usapan ang teleserye ni Ser Chief at ni Maya.
Sa madaling salita...isang promosyon.

Pangalawa, pinapakita lamang nito na ang mga manonood na nabighani sa ganda ng teleserye ay na-kondisyon na ang mga isipan na ang pantasya ay maaaring hindi malayong mangyari sa tunay na buhay?
Gaya ng nakasaad sa kuwento ng teleserye na may posibilidad na ang Amo ay maaaring mahulog ang loob sa isang katulong o taga-alaga ng bata.  
Matindi ito at nakababahala. Ang emosyon na nakapaloob sa teleserye ang siyang ginamit na behikulo upang hindi na magisip ang karamihan.
Sa madaling salita, puso muna ang paganahin bago ang isip.

Pangatlo, ang pagkakagawa ng dokumentaryo ay mag-aangat pang lalo sa mga lumalabas, lumabas na, at lalabas pang mga teleserye ng isang partikular na istasyon.
Sa madaling salita...negosyo.



No comments:

Post a Comment