Ang sabi ko ano bang magandang gawin ngayong Pasko?
Naisip ko para maiba naman at hindi sa bahay lang bakit hindi na lang kami lumabas at manood ng sine?
Pero yung naisip ko talaga na panoorin yung pelikulang entry ni Vice Ganda ngayon sa MMFF 2017 ang..."Gandarrapiddo: The Revenger Squad!"
AND we say congratulations for winning MMFF 2017's... "People's Choice Award!"
Courtesy: Facebook/The Revengers Squad |
BUOD NG PELIKULA
Dati ng Superhero si Gandarra at ang apat na nitong kasamahan na si Barna (Carla Estrada), Flawlessa (Lassy Marquez), Higopa (MC Calaquian) at Pospora (Wacky Kiray), o mas kilala sa tawag na "The Revenger Squad."
Sa kanilang huling pakikipaglaban sa grupo ni "Madman," (RK Bagatsing), bagama't nagwagi ang mga ito...nagkaron naman ng amnesia si "Gandara," o Vice Ganda.
Nailigtas nila ang batang si Rapiddo o (Daniel Padilla) at naitabi ang bertud ng lipistik nito...nalason naman ng kalaban ang isipan ng kapatid nitong si Cassey a.k.a. "Kweenie," na ginagampanan naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Dahil nga hindi na maalala ni Gandara ang lahat, itinago at namuhay na lang ng mga normal na nilalang ang mga ito. Ngunit kailangan nilang muling ibalik ang nawalang memorya ng kaibigan.
Kasabay nito sa pagsapit ng ika-dalawaput-isang kaarawan ni Chino a.k.a. Rapiddo magbabalik ang kapangyarihan nito na minana sa amang si Madman na pwedeng gamitin sa mabuti o kaya sa kasamaan. Bilang tumatayong magulang na si Gandarra pipigilan niyang magamit ito sa paghahasik ng kasamaan. Sa kabilang banda, kailangan nitong pigilan sa pagpapakalat ng "FAKE NEWS," ang kapatid nitong si Cassey a.k.a. Kweenie at maibalik ang nawalang tiwala nito sa kanya.
Magsasanib puwersa kasama ang The Revengers Squad upang talunin ang bagong anyo ng kaaway sa katauhan ni "Mino," Ejay Falcon.
ON VISUAL EFFECTS
Higit na kinakailangan ngayon ng pelikula ang kakaibang visual effects dahil nga una mapapanood ng karamihan ang mga "Superhero," na kayang lumipad, mabilis gumalaw, may taglay na mga super powers.
Sa transformation o pagpapalit ng anyo ng mga bida at iba pang aktor hitik na ito sa visual effects.
Mandidiri ka sa kakaibang powers ni "Flawlessa," dahil sa mga kulay "PINK," na tigyawat na siyang lumalaban sa kasamaan.
Makikita rin sa unang bahagi ng pelikula ang kakaibang mundong lumulutang kung saan nagtunggalian ang kasamaan at kabutihan.
Magugustuhan mo rin ang "BILIS EFFECT," sa galaw ni "Rapiddo," hindi ko alam kong napansin yun ng asawa ko...panay kasi ang banggit nito na ang guwapo ni "Daniel Padilla!"
MGA TAWAG-PANSIN NA EKSENA
Hindi ko alam kung nanibago ba kayo na gaya ko dahil sa pelikulang ito...si Vice Ganda ang sinasaktan ng mga co-actors nito.
Isang eksena kung saan kailangan nilang maibalik ang alaala ni Gandarra na siya ay isang "Superhero." Magugulat ka dahil siya ang hinahampas ng diyaryo at kung anu-ano pa.
Bagay na nakakatawa pero siyempre sa totoong konteksto nito sinasaktan siya, medyo may pagkabayolente.
Siyempre, tawag pansin din ang hindi ang "GANDA," ni Pia Wurtzbach kundi ang kakaibang level ng ACTING na pinakita rin nito sa pelikula. In-fairnerss, you will never HATE her here. Bagay na nagtagumpay ang film outfit sa pagbuo ng karater nito.
Masasabi rin nating nakipagsabayan din ito ng pagarte, pero hindi MAGASLAW ang kanyang kilos...bagay na parang masasabi mong hindi nito nakalimutan kahit umaarte ang kanyang titulo sa mundo ng MISS UNIVERSE.
MENSAHE NG PELIKULA
Alam ng scriptwriter na ang mga manonood o tatangkilik ng pelikula ay pamilyang pilipino.
Hindi man tunay na babae si Vice Ganda sa pelikula ngunit siya ang tumayong INA at AMA sa itunurin nitong anak na si Daniel Padilla. Bagama't walang tumatayong LALAKI o asawa ni Vice Ganda sa pelikula...ang mga kaibigan nito na kasama sa bahay ang bumuo sa panibagong kahulugan ng PAMILYA.
Nakatutuwa ang huling bahagi ng pelikula kung saan nagtitipon-tipon sa isang salo-salo ang pamilya ngunit bago kumain ay NAGDASAL muna ang mga ito. Pagpapakita na ang pamilyang Pilipino at ang bawat tahanan nito ay may pagkilala at pananalig sa Diyos.
Itinaas din sa pelikula ang pagmamahal sa anak, kapatid, at mga kaibigan at ang pagpapatunay na kailanman hinding-hindi magagapi ng kasamaan ang kabutihan sa puso ng bawat isa.
NAKAKATAWANG BIRUAN AT EKSENA
Nagsimula magtanong ang isa sa mga REVENGER SQUAD...kung anong uri ng sasakyan ang maraming naisasakay?
Sumagot ang isa...JEEP. Kasi kung waluhan eh di 16 na ang kayang isakay.
Kinontra ng isa, hindi BUS. Kasi kung 30 at 30...60 na yun.
Sumagot si VICE GANDA...AMBULANCE!
Nagtaka ang lahat bakit ambulance.
E di ba ilan lang naman ang masasakay nun?
VICE GANDA: E ano ba karamihan ang sinasakay nun FIFTY-FIFTY. O e 50 plus 50? Eh di One Hundred na!
MGA NAGSIPAGWAGI SA MMFF 2017
Courtesy: Ang Larawan movie |
BEST PICTURE
Ang Larawan
|
2ND BEST PICTURE
Siargao
Courtesy: Instagram/Jennylyn Mercado |
3RD BEST PICTURE
All of You
BEST DIRECTOR
Paul Soriano, Siargao
BEST ACTOR
Derek Ramsay
BEST ACTRESS
Joanna Ampil
Courtesy: Instagram/Joross Gamboa |
BEST SUPPORTING ACTOR
EA Guzman
BEST SUPPORTING ACTRESS
Jasmine Curtis-Smith
OTHER MMFF WINNERS
Courtesy: Ang Panday the movie |
ANG PANDAY
Best in Visual Effects
Children's Choice Award
FPJ Memorial Award
Courtesy: Instagram/Meant to Beh movie |
MEANT TO BEH
Best Child performer: Baby Baste
THE REVENGER SQUAD
OTHER MMFF 2017 ENTRY:
Courtesy: Haunted Forest movie |
HAUNTED FOREST